Chapter 19: The Confession

232 4 0
                                    

Namalayan ko na lang ang aking sarili na naglalakad pabalik sa aking kwarto, kung nasaan si Aiden.

Hindi ako bumalik sa clinic kasi medyo magulo ang isip ko ngayon, isa pa, ang daming tanong ang bumabagabag sa akin.

Napatingala ako sa building kung nasaan ang aking kwarto at tinanaw ang ika-limang palapag. All I need to do is to ask him, pero bakit parang ayaw kong gawin?

Humugot ako ng napakalalim na hininga at nilakasan ang aking loob. I drag myself inside the building at tinungo ang aking kwarto. I was about to press my passcode pero natigilan ako.

He didn’t say anything about it, tama ba na itanong ko sa kanya ang bagay na yun?

Napailing-iling ako, pero…bakit naman kami ang pinili niya? D-dahil ba sa akin?

I sigh, dahan-dahan kong pinindot ang passcode sabay bukas ng pinto. I saw him still lying on my bed, in deep sleep.

Napangiti na lang ako nang mapansin ko ang pagkain na dinala namin ni Owen kanina, he ate it. Mabuti na lang at hindi siya umalis kahit na nasa ibang kwarto siya.

I seated beside my bed at pinagmasdan ang mukha niya habang natutulog, mag kamukhang magkamukha talaga sila ni Owen.

I can’t believe, I keep falling for this face…

Wait what? What did I just thought? No no no…

Napailing ako.

I’m just concerned to him but I didn’t like him okay?

I tried to convince myself.

I already have Owen. I shouldn’t be feeling this way.

I decided to just leave him pero bago pa man ako makatayo ay naramdaman ko ang pagkapit niya sa aking kamay.

H-he’s awake?

“Stay…” I heard him say in low tone, nakapikit pa rin siya kaya napaupo ulit ako.

“N-nagising ba kita?” tanong ko na may pag-aalala.

Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at bago pa tumingin sa akin, he suddenly smirk.

“Kanina pa ako gising, I just can’t bring myself to leave your room, it’s comfortable here,” he replied in low  tone. Halatang-halata na nanghihina pa rin siya.

“Oo nga pala, s-si Rhez ang gumamot sa’yo,” saad ko at biglang nag-iba ang tingin niya sa akin, kitang-kita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha pero hindi naman siya mukhang galit.

“S-si Rhez?” he ask to confirm kaya tumango ako. Parang hindi siya naniniwala.

“Pero... paunti-unti lang mawawala ng lason sa katawan mo, s-she…didn’t cure you completely, kaya nanghihina ka pa rin hanggang ngayon, pero wag kang mag-alala, mawawala din naman lahat ng lason,” paliwanag ko pero nakatulala pa rin siya.

He didn't say anything but...

“Hmm,” I saw a glimpse of smile on his face.

What is it? A sense of relief dahil ginamot siya ni Rhez?

Ano kaya ang relasyon nilang dalawa? I mean, nilang tatlo pala, siya bilang Flame guy, Si Rhez bilang Healer at si Azi bilang The Ticking Bomb… I really want to know.

Is this the right time to ask?

Nakatitig lang ako sa kanya hanggang magsalita siya na siya.

“Naku-cuious ka ba?” tanong niya.

“Hmm?”

“Kung ano ba talagang nangyari, kung bakit galit sa akin ang Healer?”

Teka, bakit parang lahat ng tao dito alam kung anong iniisip ko? Ako lang ba ang hindi nakakabasa ng nasa isip nila? Pagbibiro ko sa aking isipan dahil para bang nabasa niya ang mga tanong ko.

Unknown University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon