Chapter 5: Azi

321 10 0
                                    

Halos kalahating oras din akong naghintay sa base bago ako makabalik sa mga kasamahan ko. Ginawan kasi ako ng bagong detector pero iba ang design at style nito compared dun sa nauna, hindi na rin ako masyadong nabibigatan.

Nang makabalik ako ay nandun parin sila sa pinakang room namin, nagtatawanan ng malakas. Hindi agad nila napansin ang presence ko dahil dahan-dahan kong binuksan yung double door.

"Oh, andyan na pala eh." Dinig kong sabi ni Van kasi nakapwesto siya paharap sa pinto kaya nakita niya din ako. Tumingin sila sa akin pero nagtayuan din agad.

"Wait, saan kayo pupunta?" Tanong ko.

"Saan pa edi sa cafeteria magmemeryenda, hinintay ka lang namin." Sagot ni Sam habang kapit kapit ang tiyan niya. Tumango nalang ako sabay umalakbay sa akin si Owen at hinila na din nila ako palabas. Medyo malayo yung cafeteria pero okay lang naman kasi magkakasama kaming napagod maglakad.

Nang makarating kami ay konti nalang ang tao sa loob pero pinagtitinginan parin nila kami. Pinili namin yung table na good for six people kasi wala namang limahan.

Inutusan namin yung mga lalaki na kunan kami ng pagkain ni Sam kaya naiwan kaming dalawa sa bilog na lamesa. Habang naghihintay ay bigla akong kinudlit ni Sam sabay turo sa malayo. Sinundan ko naman iyon ng tingin at nakita ko ang blonde na babaeng kumakain mag-isa sa isang malaking table.

"Masyado namang alone ang isang yun." Saad ni Sam habang nakatingin parin kami. Parang wala lang siyang pakialam sa kanyang paligid at ganun din naman ang iba sa kanya.

"Akala ko ba friendly lahat ng tao dito, bakit pakiramdam ko sadyang iniiwasan talaga siya?" I said in low tone. Base sa observation ko, wala man lang pumapansin sa kanya kahit na mag-isa lang siya.

Habang nakatingin kami ay bigla nalang may umupo sa tabi ko kung saan nakaupo si Owen kanina, dala-dala niya ang kanyang pagkain na para bang kasama namin siya dito sa grupo.

Nagkatinginan kami ni Sam kung sino ang misteryosong lalaking ito na nakangiti ng pagkalaki-laki sa amin. Parang katulad din siya ni Evan na mukhang Chinese pero mas singkit ang mga mata niya.

"Her name is Azi. The Ticking Bomb here in W." Saad ng lalaki, kumagat siya sa tinapay na hawak niya pero hindi parin naaalis ang mga ngiti niya.

Ang tinutukoy ba niya ay yung tinitingnan namin ni Sam kanina?

"I'm talking about the lone girl that you're staring earlier." Saad niya na para bang nabasa niya ang isip ko.

"Ahh, at sino ka naman?" Medyo napataray ata ang pagtanong ni Sam kaya napatigil sa pagkain yung lalaki. Binaba niya ang tinapay sa kanyang tray sabay nagpagpag ng kamay.

"Ah, I'm sorry, my bad. My name is Erick, I'm a mind controller." He extended his right hand to us at nakipag-handshake naman kami sa kanya.

"I'm Samantha, I can fly."

"I'm Erin, Land controller." Pagpapakilala namin habang tumatango siya.

"Cool." He said in amused tone na para bang humahanga siya sa amin. "You're new here right?" I nod at him pero ayoko na kami ang pag-uusapan dito dahil curious parin ako dun sa sinasabi niyang Azi.

"What do you mean by ticking bomb?" I inquired nang magpatuloy siya sa kanyang pagkain. Sasagot na sana siya nang dumating na yung mga kasamahan namin na sobrang daming dalang pagkain, akala mo ay mauubusan.

Nag-adjust nalang ng upuan yung tatlo habang nakatingin sila sa amin ng may pagtataka.

"Ahh, who are you?" Tanong ni Van habang busy mag-distribute ng pagkain.

Unknown University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon