KAITH’S POV
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti, at the same time, mabahala.
This kid. I should have known there’s something… bakit ngayon ko lang nakikita na iba siya sa lahat? Is it because all of her decisions is turning out so well?
I sigh. I started typing on my computer pero napatigil ako.
“Pwede ka ng umalis,” saad ko pero napakunot noo siya.
“Hmm? Wala na po ba kaming ibang gagawin?” inosente niyang tanong. Kanina lang excited na excited siyang pumunta dito sa opisina ko para sabihing pumayag na ang Healer at ang Ticking Bomb na sumali sa grupo nila.
“Oo wala na, ako na ang magpa-process ng lahat officially, kung gusto niyong malaman kung tapos na ang pag-process, pumunta lang kayo sa central hall of information, lalabas dun ang new official member ng grupo niyo,” paliwanag ko at tumango lang siya.
“Hmm, Thank you po,” she smiled, pero hindi pa rin siya umalis, “You can go…” pagtataboy ko. Tila ba may gusto pa siyang sabihin pero hindi niya masabi-sabi hanggang sa tumalikod na siya sa akin.
“Oo nga pala…” tawag ko at mabilis din siyang bumalik sa akin, “Kapag lumabas na ang official report sa central hall, gather your group later at midnight, for the team assembly, may sasabihin ako,” utos ko at mabilis siyang tumango.
“Okay po, miss Kaith.”
“You can go.”
Nakahinga ako ng maluwag nang makaalis siya. Then I started typing again, to process their request.
Erin Faith Ortiz… there’s really something…about her…
Pero naku-cuirous pa rin ako kung bakit pumayag sina Rhez at Azi ngayong aware naman sila na uulitin nila ang Beast Mission.
Ano kaya ang sinabi ni Erin sa kanila?
Ano kaya ang ginawa niya para makuha ang atensyon ng dalawang yun?Akala ko si Aiden lang ang interesado, pero tila ba hinahatak niya ang bawat isa dito papunta sa grupo niya…
CHAN’S POV
Kanina pa ako hindi mapakali, kanina pa ako hindi makapag-focus. May nasabi ba ako na hindi ko dapat sinabi???
I keep tapping my table using my forefinger habang nag-iisip. That look in her eyes, it feels like… she’s really going to do something…something that’s not supposed to happen if only…she didn’t know about it.
Hayysss… I groaned loudly until I realized that I’m in the middle of our meeting. Napatitig na sa akin ang iba pang student council.
“What are we discussing again?” tanong ko kay VP, she just creased her forehead at me sabay iling.
“About Yuki… saan ba lumilipad yang utak mo Pres?” masungit niyang tanong. Kahit kailan talaga napakataray ng babaeng ‘to.
“Ahhh, ahm,” ano na nga ang sinasabi nila tungkol kay Yuki? Napatingin naman ako kay Sec. tapos kumurap-kurap lang siya hanggang sa ma-realize niya ang mga titig ko.
“Ahhh, about po sa pag detained kay Yuki, napagdesisyunan namin na mas maganda kung wag na siyang patalsikin dito,” saad niya habang tumatango ako.
Ahh oo nandun na nga pala kami… “Pres, sana maipaabot mo ang saloobin namin kay Tim about kay Yuki…total naman, ibinalik niya dito si Aiden, ano pang rason para sa expulsion ni Yuki diba?” paliwanag naman ni P.O. Tumango na lang ulit ako.
Tama naman sila. Wala ng rason para paalisin pa dito si Yuki....
Napabuntong hininga na naman ako, hindi talaga ako makapag-focus. Hindi rin ako makapag isip ng maayos about sa gagawin kay Yuki?
BINABASA MO ANG
Unknown University
FantasiA person with superpower should be fighting and catching the criminals and villains right? But what happens when the villain itself hunts and destroy them? ***** Title: Unknown University Genre: Fantasy Language: Taglish Status: ONGOING