Hindi ko na alam kung saan kami pupunta ni Owen. I know it's a wrong move na dito kami dumaan sa iskinita na ito but I can't think properly earlier, basta tumakbo nalang ako ng tumakbo kung saan kami pwedeng dumaan.
I'm already panting heavily, sweats are all over my forehead. Tumingin ako sa aking likuran and I'm relieved na nakasunod parin siya sa akin. Magaan lang ang mga yabag niya kahit na sobrang bilis na ng takbo namin. I know he's intentionally slowing his pace kasi gusto niyang masigurado na safe ako mula sa mga humahabol sa amin.
Bagama't naguguluhan siya sa kanyang nakita at napakabilis na pangyayari kanina ay inuna niya parin ang safety naming dalawa bago magtanong ng kung anu-ano sa akin.
Destroyer. Yan ang mga humahabol sa amin. Anyong tao din sila ngunit may kakaibang lakas na wala ang ordinaryong tao lamang. Matagal na akong hinahabol at hinahanap ng mga destroyer but I didn't expect this time na mahahanap nila ako agad agad.
Owen and I just met three months ago at masasabi ko namang we grow closer in that short span of time. Sobrang bait niya at napaka-down to earth. Maalalahanin siya and he truly cared for me kahit na hindi niya ako masyadong kilala.
Now that we are being chased by the destroyer, I can't help but to feel guilty. Hindi na dapat ako nakipag-socialize gayong alam ko nang may panganib sa paligid ko, na anytime pwede nila akong matunton and now it's happening! I just wish for some miracle to happen.
Bigla akong napasigaw nang biglang patamaan na naman kami using their upgraded technology na para bang baril, mabuti nalang at hindi sila shooter dahil tumama iyon sa may gilid ko. Gosh muntik na ako dun!
"Bilis pa Erin!" Sigaw sa akin ni Owen dahil papalapit na sa amin ang mga destroyer.
Kakaiba talaga sila, malalaking tao na kala mo ba'y mga body builder tapos ang suot nila ay pure black with some laces and silver linings sa bawat gilid ng damit. Sa sobrang weird ng dating nila ay alam kong sobrang takot and confused na ni Owen. I can hear him panting very hard. Siguradong kapag nakaligtas kami ngayon, hindi ko na ulit siya makikita. Dahil aalis na naman ako upang maghanap ng iba pang lugar na pwede kong pagtaguan.
Your question is, why are they chasing to destroy me?
That is my big problem. I was born to have a special ability, the so-called superpowers. I can control the land pero hindi ko magamit-gamit dahil kasama ko ngayon si Owen. He is just a normal human being at ayoko na malalaman niya ang sekreto ko kahit pa yata hinahabol na kami ng mga hayop na destroyer na'to.
Halos kapusin na ako ng hininga pero I never dared to stop. Nang makita ko na dalawang daanan ang papasukin namin ay bigla na naman akong nataranta. "Left Erin, left!" Sigaw na naman ni Owen at sinunod ko naman siya. Pagliko na pagliko namin ay bumaril na naman sa amin ang mga halimaw na iyon. Nakakainis na talaga! Gustong-gusto ko na silang ibaon sa lupa at yupiin!
Destroyer hates my kind. Ayaw nila sa mga taong sa tingin nila ay makakahadlang sa kanila. I've been thinking about that for so many years kung bakit nila ako gustong patayin and I came up with some conspiracies.
There are times na muntikan na nila akong mapatay, at nagpakilala sila bilang destroyer of my kind. Naisip ko na baka may bigger plan sila to destroy or conquer the world. Pero inuuna muna nilang ubusin ang tulad ko.
That's why I didn't use my ability to save other people, to save the world like what a heroes do. Kasi maglalabasan sila upang patayin ako. That's why it's very rare na makakita ako ng mga tulad ko kahit na napakarami namin dito. Most commonly are the people with telepathic ability. They are not afraid to show themselves to everyone.
Meron na din akong mga napapanuod na mga 'caught in camera real superhuman' but of course base on our situation, we prefer not to be notice. May mga times lang talaga na kailangang-kailangan naming gamitin or may mga times na lumalabas ang kapangyarihan namin. Yung iba naman ay gustong-gusto talagang tumulong kahit paminsan minsan. But everytime we are caught in camera, our life became in danger. Natutuntun nila kami.
Meron na din akong nakilala na tulad ko but sadly to say, they destroyed him. Wala man lang ako dun upang iligtas siya. Ang tangi ko nalang nagawa ay lumayo upang iligtas ang sarili ko.
Normal people think that it's cool to have superpower but in reality hindi talaga.
I almost cursed my kind because of this. Gusto ko lang naman ng normal na buhay pero they already marked me on their list. Sa totoo lang swerte pa nga ako dahil tumagal ako ng ganito. I'm already 19 years old and I'm still alive. Siguradong inis na sila sa akin dahil hindi nila ako mapatay patay.
"Erin! Malapit na sila!" Agad akong lumingon ang he's right. Nakita ko na nakatutok na naman sa amin ang mga guns nila, ready to fire again pero sa hindi inaasahan at kamalas-malasan, we headed at the dead end of the alley. "F*ck! Sh*t!" Napamura na talaga si Owen nang wala na kaming matatakbuhan pa. Naramdaman ko nalang na agad niya ako hinila sa likuran niya upang iharang ang kanyang sarili sa mga destroyer na akma namang tumigil din nang makita nila na trap na kami. Hindi na nila naituloy ang pagbaril.
Ngumiti ang malaking lalaki sa unahan nila at binigyan ako ng mga nanlilisik na mata. Alam kong tuwang tuwa siya na wala akong magawa ngayon. Natatandaan ko parin ang nakakainis niyang mukha. Siya ang naka-assign upang tapusin ako at siguradong napakarami na niyang natanggap na sermon every time na nakakatakas ako sa kanya.
"Wag kayong lalapit!" Pagbabanta ni Owen at agad pang kumuha ng pamalo sa gilid namin. Hindi naman siya pinapansin ng mga destroyer kanina pero ngayon nakuha na niya talaga ang atensyon nila. Patay na! Kailangan ko na talagang gamitin ang kapangyarihan ko sa pagkakataong ito.
"Owen." Tawag ko sa kanya pero patuloy lang siya sa pag defend sa akin kahit na paunti-unting lumalapit sa amin ang pinuno ng grupo na ito.
"Erin Faith Ortiz. Ang tagal naming naghanap sayo." Saad ng malaking lalaki sa napakalagong niyang boses. Aba! At ngayon upgraded na din pala ang language translator nila! Dati rati lang di pa kami magkaintindihan, tapos ngayon nagtatagalog na din sila! Akala ko ba magaling lang sila sa English na wrong grammar?
Magsasalita na sana ako at ready to fight na, bahala na kung ma-discover ni Owen kung ano ako, ang mahalaga ay mailigtas ko siya, pero biglang may sumulpot na liwanag sa aming harapan na siyang dahilan upang umatras ang mga destroyer. Napapikit naman ako sa sobrang silaw nito gayundin naman si Owen. Nang pinilit kong tingnan kung ano iyon ay napagtanto ko na para siyang portal.
Pero bakit naman magkakaroon ng portal dito?
Napakapit ako ng mahigpit kay Owen dahil kung ano mang mangyari ay ayaw ko siyang maiwan dito. Papasok na sana ako dala-dala si Owen pero sadya kami nitong hinigop papasok, hindi na kami nakaiwas pa dahil malakas ang hatak nito paloob. Parang narinig ko pa nga ang pangalan ko na tinatawag ng demonyong Destroyer na yun.
Kung saan man kami mapunta, sana sa safe place na!
BINABASA MO ANG
Unknown University
FantasyA person with superpower should be fighting and catching the criminals and villains right? But what happens when the villain itself hunts and destroy them? ***** Title: Unknown University Genre: Fantasy Language: Taglish Status: ONGOING