Three days had passed nang mangyari ang aksidente sa training hall. Hindi ko lubos maisip na ganun ang magiging resulta ng aking plano. Akala nga namin mayroong umatake sa amin dahil sira na ang pader ng training hall at wasak na rin ang malaking salamin, mabuti nalang at hindi kami naapektuhan ng malakas na pagsabog.
Hanggang ngayon ay hindi parin nila alam kung anong nangyayari sa technology nila, sabi malfunction na naman daw dahil sa lakas ng kapangyarihan ko. Ewan ko ba. Akala ko kasi kontrolado ni Chan ang technology kaya tinodo ko na ang aking kapangyarihan, pero hindi pala.
I'm currently staying here in our building kung saan nakatanaw ako sa labas. Kitang-kita ko mula dito ang butas na dingding ng training hall sa di kalayuang building. Nakakahiya mang isipin na ako ang may kagagawan no'n, ay may maganda rin itong naidulot.
After what happened, naging sobrang sikat ng grupo namin. Bukod pa sa mga titig na natatanggap namin dati ay dumoble pa ngayon. Tapos kung tawagin nila ako ay base sa aking kapangyarihan. Puro land controller nalang ang nadidinig ko this past few days at talaga namang nakakarindi na.
Karamihan ay nakipagkaibigan sa amin at sa tuwing naglalakad kami papuntang cafeterias ay kaliwa't kanan ang pagbati sa amin. Bagama't nakuha namin ang atensyon ng marami ay hindi parin naman namamansin si Azi. I tried to approach her pero dahil marami ang kumakausap sa akin ay nawawalan ako ng time.
Sa totoo lang proud talaga ako sa aking grupo, hindi parin sila nagbabago kahit marami na silang naging kaibigan. Hanggang ngayon nga ay pinag-uusapan parin namin ang training namin, naglolokohan lalo na kay Evan.
Dahil sa nangyari ay naisip ako na kailangan ko palang kontrolin ng maayos ang aking kapangyarihan. Akala ko lang alam ko na kung paano gamitin ang lakas nito pero hindi parin pala ako aware sa totoong kapangyarihan ko.
Owen said na sobrang proud niya sa amin kahit na sobra siyang kinabahan about sa nangyari. Actually nag-start na din siyang magtraining at mag-aral ng martial arts ganun na din sa firing. I supported him kahit na alam kong aalis din naman siya. Tim didn't say anything about the incident but he talked about Owen. Sabi niya medyo matatagalan pa bago makaalis dito si Owen, which I think is good for me.
As long as we are together here, I will cherish all the moments we have. Kahit na medyo busy siya ngayon sa pagpapractice, I can see na gustong-gusto niya talagang matuto.
"Erin, let's go." Dinig kong tawag ni Sam sa di kalayuan. Hindi namin kasabay ngayon si Owen dahil may early morning routine siya sa training pero nakakasama naman namin siya every lunch and dinner.
We entered the elevator at napansin ko na mukhang inaantok pa itong si Van samantala si Sam ay lumaki lalo ang eyebags. Pero si Evan, ayun poker face parin. Sana lang ay makasabay ulit namin si Owen tuwing breakfast.
***
Owen's POV
Napaupo nalang ako sa sobrang pagod, habol ko parin ang aking hininga habang naliligo sa sarili kong pawis. Hindi ko ini-expect na habang tumatagal ako sa training ay lalong nagiging mahirap ang mga pinapagawa. Hindi pa ako nakakatikim ng tubig simula ng pagtakbo ko kaninang umaga.
Pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng malay. Binigyan lang ako ng limang minuto upang makahinga ng maayos, grabe sobrang strikto ng Trainer ko. His name is Mon, malaki ang katawan niya at mahilig sa martial arts, super strength ang kapangyarihan niya. Kaya niyang magbuhat ng mabibigat at malalaking bagay at kaya niya ding masira ang dingding sa isang suntok lang, ganun siya kalakas.
Mabuti nalang at kinu-consider niya ang pagiging normal ko kaya hindi niya ako ginagamitan ng kapangyarihan sa tuwing naglalaban kami. Sobrang dami ko ng natanggap na suntok at sipa mula sa kanya kahit na tatlong araw palang akong nagti-training.
BINABASA MO ANG
Unknown University
FantasyA person with superpower should be fighting and catching the criminals and villains right? But what happens when the villain itself hunts and destroy them? ***** Title: Unknown University Genre: Fantasy Language: Taglish Status: ONGOING