Chapter 17.1: The Trio (Part 1)

236 4 0
                                    

It’s already late in the afternoon. After what happened, halata pa rin ang takot sa mga estudyante, that was indeed traumatizing at hindi pa namin alam kung bakit nagkaganun si Yuki.

I'm scanning the whole cafeteria at medyo konti lang ang kumakain ng dinner ngayon. They all look so down at mukhang hindi makakain ng maayos.

I cross my arms while observing my own team. Wala din silang ganang kumain, especially si Sam, kahit na para sa kanya, food is life, wala talaga siyang gana ngayon dahil hindi namin kasama si Van. Bukas pa kasi makakalabas sa clinic dahil kailangan niya ng mahabang pahinga kahit na ginamot na siya ng Healer.

Si Owen naman panay ang buntong hininga. Samantalang si Evan ay kumakain naman ng maayos pero parang lutang at sa malayo nakatingin. Ngayon palang siguro nila nararamdaman ang pagod at hirap na dinanas namin kanina.

“Kasalanan ko ‘to,” sabay-sabay silang napatingin sa akin.

“Hindi na dapat ako nagpumilit na tumulong, hindi sana nasaktan si Van,” naramdaman ko ang kamay ni Owen sa balikat ko. Umiling lang siya, and they all agree with him, even without words.

“Sa tingin niyo, ano kayang gagawin nila kay Yuki?” Sam suddenly ask.

“Expulsion?” –Evan

Kahit ako ay walang idea sa kung ano pang mangyayari. The atmosphere is very heavy and we fell in silence again.

Hindi ko alam kung mauubos pa namin ang mga pagkain sa lamesa. Ako nga, nakatitig na lang din sa pagkain ko.

“Hey…” si Erick, he looks down too. Dala-dala niya ang tray ng pagkain at nakatayo lang siya habang nakatitig sa akin, para bang may gusto siyang sabihin.

“Ahm, you’re… brave, earlier, your group I mean, habang nagtatakbuhan ang karamihan sa amin, you all took the risk,” he said it in a awkward tone. Nang hindi kami sumagot ay nag tumbs up na lang siya sabay alis.

Awkwardness to the highest level.

Rinig na rinig namin ang buntong hininga ni Sam. Kung hindi namin nakita ang healer, paniguradong masama na kalagayan ni Van ngayon, or worse baka namatay na siya.

Wala ako sa katayuan ngayon para tumanggap ng papuri ng iba.

“Hmm?” biglang humaba ang leeg ni Sam sabay straight ng kanyang likod habang nakatingin siya sa likuran ko kaya napatingin na rin ako.

“Si Rhez at Azi,” turo agad ni Evan.

Papasok sila dito sa cafeteria kaya naman lahat ng atensyon ay nasa kanila. Para bang nabuhayan ang lahat ng nandito nang makita nila si Rhez, kahit na kasama niya si Azi.

“Iba talaga ang presence ng Healer, diba?” –Sam

Napatango na lang ako habang sinusundan ng tingin ang dalawa hanggang makakuha ito ng pagkain, pero hindi man lang sila sumulyap sa amin at piniling umupo sa pinakang sulok ng cafeteria.

“Sa palagay niyo? Dito na ulit kaya mag-i-stay si Rhez?” nagsimula na ang mga usapan ng ibang mga estudyante tungkol sa Healer, ang kaninang tahimik na cafeteria ay tila ba nagkatao na talaga, umingay na ang paligid at nakarinig na ulit kami ng mga bulungan. Pinagmasdan naming mabuti ang reaksyon ng mga estudyante, tila ba nawala na ang lahat ng takot nila.

“Sana naman bumalik na siya dito, mas payapa at tahimik dito sa W kapag nandito siya.”

“Oo nga, isa pa, sa kanya lang naman takot si Aiden diba?”

“Hmm. Kung nandito lang sana siya, hindi mangyayari ang sakuna kanina.”

Nakinig lang kami sa usapan ng mga estudyante na malapit sa table namin.

Unknown University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon