Hindi ko mapigilang hindi matawa dahil naisahan ko yung tatlong mga isip bata. Alam ko na hindi ako makakaalis ng hindi ko sila kasama and gladly for today ay maaga kaming pinalabas ng Handler namin. I think it's just 4:30 in the afternoon.
Nang dalhan kasi namin si Owen ng pagkain for lunch ay naalala ko ang vision ni Evan dati which is tinanong ko sa kanya pero ayaw niya talagang sabihin. Halata ko na naman na nabanggit na niya ito dun sa dalawa pero bakit sa akin hindi? Ano ba talagang nakita niya?
Kunwari ay nainis ako sa kanila kaya hindi ko sila inimikan buong maghapon kaya ngayon ay mag-isa akong naglalakad, pupuntahan ko kasi yung central hall of information. Hindi ko alam kung bakit gusto kong mapag-isa, basta sinasabi ng instinct ko na gawin ko 'to ng ako lang.
Katulad kaninang umaga ay mukha paring balisa ang mga estudyante pero nagagawa ng ngumiti ng karamihan sa akin sa tuwing nakakasalubong ko sila.
Bago pa ako makarating sa central hall ay madadaanan ko muna ang cafeteria, madali lang makita ang nasa loob dahil glass wall ito at sobrang liwanag ng ilaw. Napansin ko na iilan lang ang kumakain ngayon pero sa pagkakatanda ko naman kapag ganitong oras ay puno ito ng tao. Lalampas na sana ako nang mahagip ng mata ko ang isang pamilyar na black leather jacket.
Napakunot ako ng noo but I decided to check it if I'm right. Nang pumasok ay deretso agad ako sa kinalalagyan ng lalaki na tahimik lang na kumakain. Nakatalikod kasi siya kaya di ko makita ang mukha. Nang makalapit ako ay nagulat ako dahil tama ang aking hinala.
Aba't anong ginagawa ng lalaking 'to dito? Hindi pa ata niya naramdaman ang presence ko kaya imbes na magalit ako sa kanya ay pinakalma ko nalang ang aking sarili para hindi siya pagalitan. Lumapit ako sa tabi niya sabay hipo sa kanyang noo upang i-check kung normal na ba ang temperature niya pero nagulat ako dahil sobrang init ng lalaking to.
Napakagat labi ako sa inis dahil sabi niya lang kanina ay hindi siya makabangon sa sobrang sama ng pakiramdam pero heto siya ngayon at kumakain mag-isa kahit sobrang init niya. Tumigil siya sa pagkain dahil sa ginawa ko.
Pinalo ko ang lamesa sa tabi ng pagkain niya at pinanlisikan siya ng mata. Medyo nagulat ako sa kakaibang aura niya ngayon at pakiramdam ko ay tumatagos ang mga titig niya sa akin nang tingnan ko ang kanyang mukha, titig na tila ba ngayon ko lang nakita. Anong problema ng lalaking to? May lakas talaga siya ng loob na tingnan ako ng ganyan, pagkatapos ko siyang alagaan.
"Akala ko ba masakit ang katawan mo? Ba't pinilit mong pumunta dito lalo na't mainit na naman ang pakiramdam mo?" Mahinhin kong tanong. Kahit na gustong-gusto ko siyang pagalitan ay hindi ko pala magawa. Sadyang malambot lang talaga ang puso ko pagdating sa kanya. Hinipo ko na naman ng noo niya at para yatang mas lalo pa itong uminit. Hindi siya umimik at nakatitig lang sa akin, ni konting galaw ay wala man lang.
"Owen? Ano, bakit nakatitig ka lang? May problema ba? Kulang ata yung binigay namin na lunch sayo kanina. Sorry hindi kita nadalhan ng meryenda kanina." I explained pero wala paring sagot. Ba't natameme ang isang to?
"Titigan mo lang ba ako o sasagot ka? Hahalikan kita." Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun pero napangiti ako nang umiwas siya ng tingin. Tinuloy niya ang kanyang pagkain na parang wala lang ang sinabi ko. Umayos ako ng upo sa tabi niya at kumuha ng fries sa tray. Nagutom tuloy ako.
"Samahan muna kita dito bago ako pumunta sa central hall okay?" Saad ko pero tahimik parin siya. Kinapitan ko ang braso niya kaya tumitig na naman siya sa akin. Naku isa pang titig ng ganyan at mapapagkamalan ko ng hindi siya si Owen. Pero grabe ang init dito, kailangan ko ng juice.
"Wait, kukuha lang ako ng maiinom ko." Tatayo na sana ako nang ilagay niya sa tapat ko ang drinks niya. Kinuha ko ito at agad na uminom dahil hindi ko na naman mapigilang hindi mapangiti ng pagkalaki-laki. Ehh, kahit naman hindi niya ako kinakausap ay alam kong he still cares for me. Habang nakatingin ako sa kanya ng malambing ay napansin ko na nakatitig din sa amin yung mga estudyante na nandito.
BINABASA MO ANG
Unknown University
काल्पनिकA person with superpower should be fighting and catching the criminals and villains right? But what happens when the villain itself hunts and destroy them? ***** Title: Unknown University Genre: Fantasy Language: Taglish Status: ONGOING