Sinadya ko talaga na gumising ng maaga upang i-check si Owen. Kahit naman nakainom na siya ng gamot ay hindi ko sure kung kaya niya bang mag-training for today.
I entered his room, naalala ko na naman ang nangyari kagabi. We just shared another passionate kiss kahit na masama ang pakiramdam niya. Hindi ko na din mapigilan eh. Hindi parin siya gising kaya naman kinapitan ko ang leeg niya at hindi na siya masyadong mainit. After I check him ay bumalik na din ako sa kwarto upang magawa ang morning routine ko. I will just ask the guys na dalhan ng pagkain si Owen.
Bago pa man kami um-attend ng klase ay nasigurado na naming okay si Owen mag-isa. Hindi kasi niya maigalaw ng maayos ang kanyang katawan sa sobrang sakit. We feel sorry for him dahil nasobrahan naman ata ang training niya kaya pinaalam namin kay Mon na hindi siya makaka-attend, which he's already expectingly after three days of torture in training. Grabe siya.
Napansin na din ng karamihan na hindi namin kasama si Owen every breakfast kaya nasanay na silang apat lang kami every morning. Habang naglalakad kami papasok sa room ay tila ba may kakaiba sa mga ikinikilos ng mga estudyante ngayon. Para silang balisa na patingin-tingin sa paligid nila. Para bang takot na may makasalubong silang kung ano.
"Ako lang ba or parang kakaiba sila ngayon?" Nakakunot na tanong ni Sam habang nakatanaw sa isang estudyante mula sa malayo.
"Oo nga, hindi man lang tayo binati." Pagsang-ayon ni Van habang inaayos ang kanyang salamin. Ano kayang nangyayari?
Hindi naman ako kinakabahan.
"Ano sa palagay mo Evan?" Tanong ko dahil sobrang tahimik niya lang sa paglalakad, alam kong napapansin niya din yun mula pa kaninang umaga. Mukhang kami lang ata ang walang kaalam-alam kung anong nangyayari.
"To be honest, hindi ko rin alam. Pero one thing is for sure, talagang kakaiba ang ikinikilos nila ngayon." He replied in serious tone.
Medyo malapit na kami sa room nang biglang makasalubong namin si Erick sa cross section ng building. Nagulat kami nang mapasigaw siya ng malakas na umalingawngaw sa buong corridor. I tsked.
Para siyang nakakita ng multo nang makasalubong kami. Anong problema ng isang ito? Parang ganun din siya sa iba na sobrang balisa. Napansin ko na napatawa siya sa kanyang sarili nang makita na kami lang ito at hindi ang kung anumang kinatatakutan nila.
"Grabe ka naman kung makasigaw Erick, pinagmukha mo kaming mga multo sa sobrang takot mo." Malakas na pagkasabi ni Sam na siyang ikinatawa na naman ni Erick.
"Ah, p-pasensya, nagulat lang kasi ako. Hehe." He laughed nervously pero may hindi talaga tama dito eh. Before I can even open my mouth ay naunahan na ako ni Evan. "Ano bang nangyayari at para bang takot na takot kayo? Kanina pa namin napapansin na balisa ang mga tao dito?"
Kunwari'y nag-isip si Erick na para bang wala siyang ideya sa sinasabi namin pero halatang-halata na namin siya. "Sabihin mo na sa amin Erick." I firmly said that made him sigh in defeat. Bago pa man siya magsalita ay lumingon-lingon muna siya sa paligid na para bang may hinahanap kaya napagaya kami sa kanya, pero wala namang katao-tao malapit sa amin.
"Ano kasi, pano ko ba 'to ii-explain." Bulong niya habang kumakamot sa ulo.
Naiinip na ako sa kanya huh. Ang bagal mag-explain.
"Medyo delikado kasi ngayon, binalik na namin ni Tim ang taong apoy dito. Alam niyo kasi, hindi naging maganda ang pag-i-stay niya dito noon kahit na matagal na yung nangyari ay sa tuwing nararamdaman namin ang kanyang presensya ay talaga namang nakakatakot siya. Hindi naman alam kung anong nasa isip niya pero sigurado kaming kayang-kaya niyang pumatay ng walang alinlangan." I creased my forehead dahil sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Unknown University
FantasiA person with superpower should be fighting and catching the criminals and villains right? But what happens when the villain itself hunts and destroy them? ***** Title: Unknown University Genre: Fantasy Language: Taglish Status: ONGOING