RHEZ’S POV
“Anong nangyari?” malakas na sigaw ni Sam nang makababa kami. Naabutan na lang namin na wala nang malay si Evan habang nakaalalay naman si Owen dito. He look so worried. Napatingin siya sa amin na may takot.
“I…I think… may nakita siyang vision nang kapitan niya ako kanina…pero…” he explains while shaking, “H-his eyes…” napatingin siya sandali kay Evan, “Biglang lumiwanag ang mga mata niya nang sobrang nakakasilaw… Rhez… ganun ba talaga ang kapangyarihan niya? B-bakit nawalan siya ng malay?” natataranta niyang tanong kaya napaluhod na rin ako para tingnan ang kondisyon ni Evan.
I put my right hand on his chest at ipinikit ang aking mga mata, thank goodness wala akong na sense na masama at talagang nawalan lang ng malay si Evan.
“He needs rests,” sabay-sabay kaming napatingin sa pamilyar na boses sa likuran namin. Hindi na ako nagulat nang makita siya pero si Owen tila ba natakot nang makita ang mga mata nito.
“Oh my goodness! W-white eyes… siya ba yun?” bulong na tanong ni Sam kaya napatango ako.
“Dalhin na muna natin si Evan sa clinic,” pagpapaalala ko at mabilis namang sumunod yung dalawa.
“Teka…nasan sina Van at Azi?” tanong ko nang ma-realize ko na wala sila.
“Oo nga, nasaan na yung dalawa?” –Sam
Lumingon-lingon din naman si Owen na para bang wala siyang alam na nawawala na pala ang kasamahan niya.
“Kanina lang nandito pa sila sa tabi namin ni Evan… Sabi kasi ni Van na magkapit-kapit kami para isang teleport lang dun sa Sky Turtle, pero nang mawala na yung liwanag, di ko namalayan na wala na din pala sila.”
'Kung ganun san na nagpunta ang dalawang yun?'
“That’s not the important thing right now, sinabi ko naman na kailangan niya ng pahinga,” the one who knows interrupt us again.
Nandito pa rin pala siya.
***
Tahimik lang kami dito sa clinic habang hinihintay na magising si Evan, pero ang pinagtataka ko, bakit nandito pa rin siya? I look at him.
Hindi ko ini-expect na sasama siya sa amin. Isa pa, kanina pa siya titig na titig kay Evan.
“Rhez… how did you get used to it?” mahinang tanong ni Sam.
“Huh?” anong tinutukoy niya?
“I mean… His eyes looks really scary. Hindi ako makatagal ng tingin sa mga mata niya.”
Ahhh, yun lang pala, “I didn’t get used to it.”
“Hmm? Kung ganun paano ka nakakatitig sa kanya?”
Napabuntong hininga ako.
“Because I loathe him so much, so much that I can see eye to eye with him and the fact that his eyes can see everything but he chose to keep queit. I hate him so much.”
“Erhm… ah g-ganun ba…hehe,” napakamot na lang siya sa kanyang batok.
My eyes landed to Owen na nasa gilid ng higaan ni Evan, kanina pa din siya nag-aalala. Nabanggit niya kanina na hindi ito ang unang beses na may nakita si Evan sa kanyang hinaharap, pero hindi niya ini-expect na ganito ang mangyayari sa pangalawang beses.
Isa pa, hindi pa rin namin mahagilap kung nasaan sina Azi at Van. Kanina pa kami nag-aalala dito. Wala pa ang mga handlers ganun din ang student’s council kaya hindi namin alam ang gagawin.
BINABASA MO ANG
Unknown University
FantasíaA person with superpower should be fighting and catching the criminals and villains right? But what happens when the villain itself hunts and destroy them? ***** Title: Unknown University Genre: Fantasy Language: Taglish Status: ONGOING