Exactly at 3 o'clock ay nasa field na kami kagaya ng utos ng Handler namin. Hindi na nakakapagtaka kung ganitong oras ay tirik na tirik parin ang araw kasi nasa ibang mundo naman kami.
Pero grabe sobrang init!
Pansin kong pawis na pawis na din ang mga kasamahan ko at mukhang kailangan namin ng maraming tubig.
Ganito ba talaga kainit dito?
"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Owen.
"Oo, kaya pa naman. Ikaw?" Nag-tumbs up lang siya sa akin at ngumiti.
"Pansin ko lang guys, kanina naman hindi sobrang init, bakit ngayong nasa part na tayo ng field ay parang mas uminit ang temperature dito?" Tanong ni Van habang nagpapaypay gamit ang kamay niya. Dagnas pawis na din siya.
"Tama ka, pakiramdam ko din." Tugon naman ni Evan habang si Sammy ay nakasandal lang sa kanya. Hindi siya nagpapahalata na naiinitan kasi nakangiti lang siya pero napansin ko na medyo basa na ang likuran niya sa pawis.
Grabe, kakaiba nga ang temperature dito sa field.
Lumingon-lingon ako pero di ko parin natatanawan ang Handler namin. Alas tres na pero wala parin siya. San na kaya nagpunta yun?
Umupo na si Sam sa gilid ni Evan pero hindi siya matabunan ng anino nito dahil nasa tapat namin ang araw. Umupo na din ako, sunod din naman yung mga lalaki. Si Van tuloy lang sa pagpaypay pero parang mas dumudoble ang pawis niya.
"Hindi mo sinabi sa amin na water bender ka din pala." Pagbibiro ko sa kanya sabay wasik niya ng pawis galing sa kanyang palad.
"Ew! Kadiri ka!" Pang-aasar ko tapos nagtawanan kami.
Hindi na namin namalayan ang oras ng paghihintay dahil sa nasimulang kwentuhan. Masaya naman silang kasama, lalo na si Sammy. Sobrang daldal niya talaga, sinabayan pa siya ni Owen na lumabas din ang pagiging madaldal. Grabe may pagka-virus ata itong si Samanatha kasi nahawa na kami, pati ako napadaldal nadin.
Ilang minuto pang tawanan at may maugong na sasakyan ang dumating sa field, ganun din sa air-type na sinakyan namin kanina tapos nakita namin dun ang Handler namin, nakasimangot. Ani mo'y galing sa isang pagtatalo.
Agad kaming napatayo hanggang sa malapitan niya kami. Umalis na din yung sinakyan niya at kami nalang ang naiwan sa field.
Ay bat parang hindi siya naiinitan dito? Di man lang pinagpapawisan.
"I'm sorry that I'm late, may importante lang na inasikaso. Now shall we start?" Agaran niyang pagkasabi sabay pinahelera kami.
"Owen, dito ka sa tabi ko." Utos nito at agad namang sumunod si Owen.
Isang dipa ang agwat naming apat sa isa't-isa at nasa harapan namin si Kaith.
Napatingin ako kay Owen at nalaman kong nakatitig pala siya sa akin dahilan para mapangiti ako. Dahil sa init ay namumula ang mukha ko pero paniguradong mas namula na ito dahil kay Owen.
"Ngayon ay magsasagawa tayo ng isang test para malaman ko kung hanggang saan ang kakayahan na kaya niyong ilabas." Saad ni Kaith.
May kinuha siya sa kanyang bulsa na parang isang bracelet pero medyo malaki ito. Inutusan niya si Owen na ibigay yun sa amin isa-isa tapos ay bumalik din siya agad sa tabi ng Handler namin. "Yan ang mag-de-detect ng kakayahan niyo at kung hanggang saan pa ang kailangan niyong i-improve. Now, ilagay niyo yan sa kaliwa ninyong braso."
BINABASA MO ANG
Unknown University
FantasyA person with superpower should be fighting and catching the criminals and villains right? But what happens when the villain itself hunts and destroy them? ***** Title: Unknown University Genre: Fantasy Language: Taglish Status: ONGOING