|33|

124 10 2
                                    

Chapter 33


After those issues we've been dealing for five years, humupa narin sa wakas. Hindi ko nga lubos maisip na sobrang babaw pala nang tiwalang meron ako para sa kanya. Mas pinakinggan ko ang sinabi nang ibang tao kesa unahing pakinggan ang panig niya.

All this time naniwala akong kasal siya at tumagal pa iyon nang limang taon. Ang laki kung tanga! Hindi man lang sumagi sa isip ko na pakinggan ang panig niya bago nagdesisyon. Naging selfish ako at sariling damdamin ko lang ang nakikita ko at iniisip ko. Hindi man lang inalala kung nasaktan rin ba siya? Nagdusa rin ba siya nung maghiwalay kami? Laking pagsisisi ang nararamdaman ko.

"Huwag mo nga akong titigan nang ganyan Simon." Naiilang dahil sa nakaka hipnotismong titig niya.

Nakaupo kami sa kama niya at magkaharap dahil ginagamot ko ang dalawang kamay na nasugatan nang vase. Halos walang natirang babasaging gamit dito sa loob ng kwarto dahil sa ginawa niya.

"I can't take my eyes on you, babe. It feels like I'm dreaming of you...ouch! Why did you do that!" namilipit tuloy siya sa sakit dahil diniinan ko ang paglalagay nang gamot sa kamay niya.

"Para malaman mong hindi ka nananaginip." Ani ko at inirapan siya. "Ayan okay na!" binitawan ko ang dalawang kamay niya at saktong sa mga binti ko ito nahulog. Nakatingin siya doon kaya ganun din ang ginawa ko.

"Thank you..." aniya kaya napatingin ako sa mukha niya, nasa kamay parin ang mga mata.

"Ha? Para saan?"

Tumingin siya saakin, malamlam ang mga mata.

"Sa paglinis at paggamot nang sugat ko..." he said with lots of emotions.

Hindi ko alam pero ibang sugat ang nasaisip ko, wari nagpapahiwatig nang ibang sugat, parang puso? Hindi siya nagpapasalamat dahil nasugatan siya physically but emotionally. Gusto niyang ipahiwatig na maayos na ulit ang puso niya, na okay na ulit ang puso niya, na bumalik ulit sa pagtibok ang puso niya.

Tumikhim ako.

"I'm sorry for all I've caused Simon." Napayuko ako at kagat labi upang pigilang huwag mapaiyak.

Nagiging emotional ako kapag siya ang kaharap ko. Mabilis akong umiyak, ang weak ko grabe!

"Hush!" he held my chin at inangat niya ito upang magpantay ang tingin naming dalawa. "I told you to stop saying sorry." Malambing niyang pagkakasabi.

Tumango na naman ako na parang bata. Kailan pa ba matatapos to. Hindi ko naman kasi mapigilang humingi nang patawad e. napagtanto ko na talagang may kasalanan din ako.

"I-I'm sorry-"

A soft and kissable lip touched mine to stop me from saying sorry. I closed my eyes to feel him. Damang-dama ko ang pag-iingat niya saakin, habang hinahalikan ako nang marahan at puno nang pagmamahal. Puno nang kasabikan niya akong hinahalikan at ganun din ang tugon ko sa kanya.

Siya mismo ang unang pumutol sa halik na halos ayaw kong tapusin, nanghihinayang na tinapos niya agad ang halik na pinagsaluhan namin.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya kaya tinablan ako nang hiya. Baka isipin pa nito sobra ang pagkasabik ko sa halik niya. Nakakahiya!

Pinagdikit ni Simon ang noo naming dalawa at tumatama ang hininga niya sa mukha ko ganun din ako sa kanya.

Hinaplos niya ang mukha ko at dama ko ang magaspang na telang bumabalot sa kanyang kamay.

"I'm happy to know that you're back, babe. You are back in my arms again." Puno nang kapanatagan niyang saad.

Yung feeling na bumalik sa kanya ang pinakamahalagang bagay na meron siya, at ako yun.

MFS1:TO FALL-COMPLETED✅ (AVAILABLE IN NOVELNOW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon