|23|

222 23 3
                                    

Hi everyone. Sorry for my long update. I hope ma gustuhan nyo. Tomorrow ulit.

R18- not suitable for young audiences.


Chapter 23




ANG BUONG ORAS naming dalawa ay halos naubos sa loob lamang ng condo ni Simon. Inasikaso ko siya dahil lasing. Ayaw nga niyang mawala ako sa paningin niya kahit ilang minuto lang. Napaka obsess at possessive niya.

Kapag tatayo ako agaran niya akong hahawakan sa kamay at tatanungin kung saan ako pupunta. Ang lagi ko namang excuse sa kanya.

"Kukuha lang ako ng pampunas sayo para nahimasmasan ka Simon. " ani ko sa kanya. Lumamlam naman ang expression ng mukha niya.

"Okay baby. But don't leave me. Hm?"

Napakamot nalang ako sa sentido ko. Minsan naman ng balakin kong pumunta sa kusina para makapag luto. Hahawakan na naman niya ang kamay ko at tatanungin kung anong gagawin ko.

Tumingin ako sa kaniya ng masama. "Simon. Hindi ako aalis kung 'yun ang iniisip mo. Pupunta lang ako ng kusina." sinusubukan kong magtimpi sa oras na 'yun at baka maiwanan ko talaga siya. Naging oa na rin kasi ang boyfriend ko.

"Anong gagawin mo du'n? Baby let's just cuddle please?" parang batang nanghihingi ng candy. I rolled my eyes because of his action.


"Ano bang ginagawa sa kusina  bukod sa maghugas ng pinggan at maglinis ng kalat mo doon? Syempre magluluto  ako ng dinner natin Simon. Baka gusto mong gutumin ako?" ani ko sa kanya ng nakapamaywang at nakataas ang isang kilay na humarap sa kanya.


Hindi ko sinagot ang isa niyang sinabi dahil kanina pa siya ganun.  He wants to cuddle all night. Balak niya ata akong gutumin at gusto niya lang yumakap sa akin buong gabi. Napapabunyong hininga nalang ako kapag ganun.


"Tulungan kita!" nagulat naman ako sa pagpresenta niya.

"Talaga? O baka naman iniisip mo lang na aalis ako at iiwan ka kaya mo gustong tumulong?  Simon-"


"No baby. Of course not! I just wanted to help you. You know. " aniya at nagkibit ng balikat.


Ano pa nga bang magagawa ko?  Nagpresenta siyang tumulong e. Pero alam ko namang alibi niya lang iyon. Mga ganyanan ni Simon, naku! Ewan ko ba dito.


Naalala ko lang iyong sinabi ni Laz kanina. Hindi naman suplado si Simon e. Lasing siya pero hindi niya ako sinupladuhan. Naging maamo nga siya. O baka takot si Simon saakin?  Hindi ko alam. Kahit hindi naman siya maglasing,  talagang suplado siya. Hay ewan!

Lumabas kami ng kwarto na magkahawak kamay. Well,  he's the one holding my hand and i can say na he doesn't want me to leave talaga. As if naman iiwanan ko siya dito. Lasing tong mokong na'to e. Balak ko siyang ipagluto ng mainit na sabaw.


Sinigang is perfect for him. Siguro naman alam niya iyon?  Tatanungin ko nalang siya sa mga ulam na gusto niya at kapag uuwi siya galing sa trabaho, ipagluluto ko siya.


"Can you list down your favorite dishes para alam ko?  Hindi ko kasi alam kung anong ulam ang gusto mo e." saad ko habang inaayos ang mga ingredients na gagamitin para sa pagluluto ng sinigang.

In my peripheral vision I saw him glancing at me. I didn't see his reaction that much when I turn my back. Hinugasan ko ang sibuyas at luya , maging ang karne ay ganun din pagkatapos humarap sa lamesa.

MFS1:TO FALL-COMPLETED✅ (AVAILABLE IN NOVELNOW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon