Pangakong binitawan, ito na! Actually nagpost ako na hindi ako makakapag update but i'm sorry to say nakapag update ako ngayon. So ayon lang. Pwede kanang magbasa hihi.
Chapter 24
I WOKE UP WITHOUT Simon the other day. He already left me for his work but I understand.
Like before, he left some sticky notes with his sweet words. Of course sino bang hindi kikiligin? Umagang umaga mga habilin niya ang mababasa mo.
Tumawag naman siya pagkadating ko sa condo ko. Tinanong ako kung nakakain naba ako o hindi pa. Kung nakaligo naba o hindi pa at kung nakaalis naba o hindi pa.
Humingi rin siya ng sorry dahil iniwan niya ako sa condo niya na natutulog pa. He doesn't want to disturb me to bid his goodbye because I'm tired last night. I understand naman dahil pagod talaga ako.
There was an urgent so he need to go as early as he can. Naawa nga ako dahil sinabi niyang kulang daw ang tulog niya kagabi. Pinapabalik siya sa Malta dahil wala iyong isang piloto na dapat naka assign for today. Tama namang pabalik siya ngayon kaya kinausap siya kung pwedeng agahan niya ang pagbalik sa Malta.
So ayon, wala siyang nagawa dahil inaasahan siya. Ganun naman kapag piloto. Kapag sinabing trabaho, trabaho talaga. Kapag kailangan ka, kailangan ka talaga. Pero nakakabilib nga ang trabaho niya. Gusto ko siyang makitang nakasuot ng uniform nila tapos makikita ko siya sa loob ng eroplano. Tss. Lalo ata akong magkakagusto sa kanya. Kung gaano siya ka kisig sa simpleng t-shirt at maong pants, baka mas kakisig-kisig siyang tignan sa suot niyang uniform at nasa loob ng eroplano.
Panigurado rin na maraming nagkakagusto sa kanya roon. Hay! Kung sana naging flight attendant din ako baka sakaling magkita pa kami lagi doon. Kaso hindi ako kagandahan. Hindi rin naman ako papasa siguro maging flight attendant. Mas bagay saakin ang maging writer. Tama! Magandang writer! Joke!
Nang makarating ako sa company. Sinalubong agad ako ng dalawa na nakangiti. Ibang ngiti iyon, para bang may meaning. Pati narin ang tinginan nilang dalawa. Napakunot naman ang noo ko at tinanong ang sarili kung ano na naman ang tumatakbo sa isip nila.
Hindi paman ako nakakalapit sa cubicle ko, nakaharang na sila sa daan.
"Problema nyo?" tanong ko habang hinawi silang dalawa at sa mismong gitna nila ako dumaan.
Tumikhim naman si Argen at alam kong nakasunod sila sa likod ko.
"Wala naman bakla. May narinig lang naman kami kagabi." nagtataka naman akong humarap sa kanila.
"Anong narinig?" inosente kong tanong dahil hindi ko naman talaga alam ang pinagsasabi ni Argen.
Ano na naman kaya iyon? Kagabi alam kong nag-usap kami pero pagkatapos nun ibinaba ko ang cellphone dahil lumabas ako kumuha ako ng tubig at bumalik din.
"Hindi mo alam bakla? Really? Malakas kaya, diba Rein?" ani Argen at tumingin kay Rein. Napasunod naman ang tingin ko.
"Hm. Malakas....na..." pabitin na sabi ni Rein. Napaawang naman ang labi ko sa kakahintay na dugtungan niya ang sasabihin.
Wala talaga akong alam sa sinasabi nila. Ano ba iyon? Ang aga-aga nag-uusap na naman kami ng kung anu-ano.
"Ay, grabe inosente talaga si bakla Rein no? Hindi niya alam kung ano yung malakas na narinig natin. Grabe no?" mapanuyang saad ni Argen.
BINABASA MO ANG
MFS1:TO FALL-COMPLETED✅ (AVAILABLE IN NOVELNOW)
RomanceW A R N I N G |16+| She's a writer and he's a pilot from Malta. They met in unexpected place and time, they treat each other as a stranger until they fell in love. Akala nila okay na ang relasyon nila dahil masaya at nakakaya ang mga pagsubok, un...