|1|

502 41 5
                                    

Chapter 1

PANATAG AKONG nakikinig ng musika habang nakahiga sa malapad kong kama, it's 9:56 in the evening kaya nasa kwarto na ako at madalas naring maaga ang out from work.

Hawak ko ang cellphone at kasalukuyang gumagawa ng kwento about Falling in love with the wrong person.

Bakit kasi ito pa ang title na binigay saakin? E, hindi pa nga ako nakaranas mainlove, hanggang crush lang ako. FYI iba yung salitang "In Love" sa "Crush" kaya ganun.

Basta ang hirap ipaliwanag!

Sabi ko sa sarili habang nakakunot ang noong nakatitig sa blangkong screen ng laptop na hanggang ngayon ay wala pang nasisimulan.

Gosh! Does somebody help me?

Minsan naisip ko kung may pinagdadaanan ba yung boss ko kaya niya binigay sakin tong project na'to? natawa nalang ako sa naisip.

Inilapag ko muna pansamantala ang cellphone sa bedside table at hinilot-hilot ang noo.

Wala pa talagang sumagi sa isip ko kung panu ba ito sisimulan, saan magandang simulan ang paggawa ng kwento? anong ilalagay sa pang-umpisa? napasuntok nalang ako sa hangin sa sobrang inis.

Bakit ba kasi yan pa ang ibinigay ng boss ko e.

"Tanga mo kasi Eman bangag ka noong tinanggap mo yun project sa boss mo!" singhal ko sa sarili.

Habang patuloy sa pagsusuntok sa hangin na parang baliw naagaw ng aking pansin ang liwanag na nanggagaling sa cellphone.

Napatingin naman ako sa phone na ng tumunog ito. Tinignan muna ang registered caller bago sinagot.Hindi kasi ako sumasagot ng hindi nakaphone book sa phone ko.

Malay ko ba kung scammer yun edi nauto pa ako? E bakit napunta sa scammer yun?

I rolled my eyes.

"Oh bakit napatawag ka?"
singhal ko sa kabilang linya, it's Karen my younger sister na hindi naman nagkakalayo ang edad sa saakin. I'm 23 while she is 2 years younger than me.

Natawa naman ang kapatid ko ng sagustin ang tawag niya. I have this feeling na manggugulo na naman ito.

"So ganyan ka makipag-usap sa little sista mo ha ate Em? grabe ka, wala man lang Hello or-"

"Che! wala ako sa mood. Bakit ka ba tumawag? Para namang anlayo ko sayo anu? Sa kabilang kwarto ka lang naman tumawag kapa..." totoo naman kasing nasa kabilang kwarto lang siya, daming pakulo sa buhay ng kapatid ko e, kaya minsan gusto ko na itong kutongan.

Kung di lang ako maunawaing ate, naku!

"E bakit wala ka sa mood? May problem ba? Punta nalang ako dyan! Usap tayo!"
hindi pa man ako nakaka sabing hindi pwede sa phone ay agad na itong na call ended.

Nakarinig ko nalang bigla ang tatlong katok sa pintuan at biglang pagbukas.

Hindi talaga to marunong maghintay pagbuksan ng pinto. Kulit! Napairap nalang ako ng sandaling iyon.

Nakalapit na sa akin ang kapatid ko at umupo sa ginta ng kama paharap sa akin.

She's always here when we were kids pero nung tumagal na nililimitahan ko na siyang pumasok sa kwarto ko dahil panggugulo lang ang alam nito.

Magkaiba kami ng ugali. Karen is a little messy when it comes to her things, mapakwarto niya man or kwarto ko. Sa kabilang dako, I'm the neat one. Gusto ko lagi maayos ang kwarto, ayokong nakikitang parang basurahan ang kwarto sa mga damit, papel, sapatos o kung anuman. Sabi pa ng iba kapag writer daw makalat, dahil puro out line para sa kwento na kapag may mali tapon dito, punit doon. Parang hindi ko naman gawain yun, malinis nga ako sa kwarto.

MFS1:TO FALL-COMPLETED✅ (AVAILABLE IN NOVELNOW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon