Chapter 20
HINDI MADALING malayo sa minamahal lalo na kapag sinanay ka niyang nasa tabi mo siya lagi. Iyon ang nararamdaman ko sa oras na 'to.
Nang makausap ko si Simon kagabi kahit ilang oras lang gumaan ang pakiramdam ko.Siguro iyon ang sinasabi nilang stress reliever. Kahit anong pagod mo kapag nakakausap ang mahal mo. Nawawala at nawawala talaga iyong salitang 'pagod'.
Though nakakabitin ang usapan namin kagabi dahil kailangan namin pareho magpahinga, dahil may kanya-kanya din kaming pagkakaabalahan. May trabaho siya at may trabaho din ako. Hindi nagtagal ang usapan namin at pareho din naman kaming nagpahinga.
Nagising nga ako kanina na masakit ang puson and I feel like there's something na pumipilipit sa puson ko. And I found out dinatnan ako. Kabuwanan ng dalaw. Menstration period ganun. Kung pwede lang talagang huwag pumunta, hindi na ako pupunta. Kaso kailangan kaya iindahin ko nalang ang sakit ng puson ko.
Day two ng pag-audition ngayon kaya kailangan ko paring pumunta sa StarShine. Katulad kahapon pupunta na naman ako doon. Pero hindi na ako malilate dahil baka makita na ako ng sermon kapag nalate pa ako ng isang beses. Nakakahiya naman sa kela boss at direk nikki.
Katulad din kahapon may scarf akong suot para takpan ang leeg at dibdib kong puno ng hickey. Hindi ko nga naopen up ito kay Simon kagabi. Baka mamaya pagtumawag siya uli. Papagalitan ko na talaga iyon. Puro nalang pakilig ang ginagawa niya sa akin. Akala niya ata madadaan niya pa ako doon ha? Humanda talaga siya mamaya.
Papahirapan pa ako sa mga isusuot ko. Kung hindi lang talaga kasi maloko iyon. Hindi ako makakapag suot ng mga damit na halos cover na buong katawan ko.
"Goodmorning darling! Tama ang dating mo't magsisimula na tayo sa pagpapa-audition!" nagbeso kaming dalawa ni Direk Nikki ng makarating ako. Upumo na ako sa pwesto ko, si direk naman pinagsasabihan ang mga production staff. "Baldo! Please ayusin na ang pila sa labas at magsisimula na ang audition. Jasper! Okay naba ang script? Naibigay naba sa kanila? Wag naman sana masayang ang araw natin ngayon katulad kahapon! Nastress ako dahil ilan lang sa kanila ang pasok sa character!"
Nagsimula ang audition at umpisa palang stress na kaming nagpapa-audition. Si Direk Nikki panay ang buntong hininga at pag-irap. Minsan naririnig ko pa ang pagmumura niya dahil kesyo ganito daw 'artista ba talaga kayo? Hindi nyo alam ang script? Kahapon palang ibinigay na iyan tapos ngayon walang nakapag kabisa?! O kaya naman. 'Artista ba talaga kayo? Yung acting skills mo ay hindi papasa sa akin! Kayang kaya ng bata iyan!'
Kung ako nga rin naman ang tatanungin. Hindi rin papasa saakin ang pag-acting nila. Hindi ko nakikita ang character sa story ko.
Halos dalawang oras kaming nagpa-audition at dalawang oras ding kunot ang noo. Kahit akong writer lang e nahihirapan. Ganito pala ang trabaho nila. Para tuloy gusto kong umalis at doon nalang ako sa company. Feeling ko hindi pa ako mastress. Hindi katulad dito.
"What do you think? Mukhang bet ko ang isang to. Nandun ang natural na pag-arte. Nakukuha niya rin ang galawan at salita ni Anne sa kwento." ani Direk Nikki habang nilalaro ang lapis sa kanyang kamay.
Tinignan ko ang soft copy na nasa lamesa. "Andee Mendoza." banggit ko sa pangalang nakalagay sa information. Tumingin din ako sa babaeng nakatayo sa harapan namin. Nginitian ko siya. "Your name is Andee right? " tanong ko kahit na alam kong iyon ang pangalan niya.
"O-opo! Yes po! " halata sa kanya na kinakabahan siya.
"Kabisado mo ba ang scene ni Anne and Simon?"
Alanganin siyang tumango sa amin. Direk Nikki shipted her weight to the other side. "A-anong scene po ba?"matapang niyang tanong. Alam kong pinipigilan lang niya ang sariling huwag kabahan at mautal. Binigyan ko siya ng napakatamis na ngiti para kahit papano ay maibsan ang kaba niya.
BINABASA MO ANG
MFS1:TO FALL-COMPLETED✅ (AVAILABLE IN NOVELNOW)
RomanceW A R N I N G |16+| She's a writer and he's a pilot from Malta. They met in unexpected place and time, they treat each other as a stranger until they fell in love. Akala nila okay na ang relasyon nila dahil masaya at nakakaya ang mga pagsubok, un...