|31|

102 12 3
                                    

Chapter 31






Hindi ko alam kung bakit kailangan kong umiyak sa harapan niya sa oras na 'to. Hindi ko alam kung bakit nagkita ulit kami sa isang lugar nang hindi sadya. Hindi ko alam na makikita ko siya all of the sudden, after those pain and healing years that I have been through he's here again in front of me ready to crush my heart for one more time.

Parang kahapon lang ang lahat nang nangyari saakin, saamin. Yung iniwan at kinalimutan kong pait at sakit bumaik ulit, walang kwenta 'yung limang taon kong pagkawalay sa kanya, bakit ba ganun ang buhay? Ang unfair naman ata nito sa part ko? Ang unfair naman, matapos mong napagtagumpayan yung sakit at paghilom, sumakit ulit.

His piercing eyes are like a dagger na tutok na tutok saakin, halo-halong emosyon ang bumabalatay sa kanyang mga mata ang sakit, galit, inis at pagkasabik? Pero ipinagsawalang paki ko iyon dahil puno rin ako nang galit sa oras na 'to.

Galit ako sa nakaraan namin dahil alam kong kakainin ko ang mga sinabi ko noong mga panahon lugmok ako dahil nasaktan ako. Pinangako ko pa noon sa sarili na kakalimutan ko na siya at hindi na muling iiyak, pero putek naman e! Bakit hanggang ngayon umiiyak ako at nasasaktan? Bakit! Bakit kailangan pa naming magkita muli? Balak ko na siyang kalimutan pero bigo ako dahil ngayon pa ngang nasa harapan ko siya mukhang walang pinagbago, bumalik lang ang lahat ng alaala naming dalawa, the waves of memories.

"Why?" his strong voice filled my ears. Mabuo at sobrang hina na siyang nagbigay nang takot sa kalamnan ko. "Why did you leave me?" madiin niyang tanong.

Napapikit ako at umiling wari pinipigilan ang sarili na huwag mahulog ulit sa kanya. But to be honest, I missed his voice, I missed his presence. I love... I still love....

"No!" instead na isaisip ko lang iyon bigla kong naisigaw.

Ito na naman ako sa mga iniisip ko, gusto kong matawa pero hindi ko magawa dahil umiiyak ako.

Hindi ko siya kayang harapin, nakita ko na naman kasi ang singsing na nasa kamay niya. Nasasaktan ako nang sobra sa oras na 'to. Ano pa ba ang kailangan naming pag-usapan? Wala na kami matagal na at nakatali na siya sa iba. Ayan na yun! May singsing sa kamay niya, kailangan ko pa bang sagutin ang tanong niya?

"Ran-"

"Don't!..call me by my name" I shouted just to stop him from calling my name.

Mababaliw ako nito kapag nagpatuloy pa siya. Ayoko rin marinig ang boses niya habang binibigkas ang pangalan ko.

Nang balakin niyang lumapit umatras ako wari parang takot mapaso, nakita ko ang sakit na bumalatay sa kanyang mga mata. Bakit naman sakit ang mararamdaman nito kung sa umpisa palang dapat masaya na siya dahil matagal na kaming wala, iba ang mahal niya.

The man I loved become more handsome and super manly. Nadagdagan din ang laki nang katawan niya, ang lusog niyang tignan, hindi siya mukhang haggard, samantalang ako... siguro maayos siyang inaalagaan ng asawa niya. Ang swerte niya pala kung ganun dahil hindi siya pinagkulang bagkus sobrang alaga pa nito sa kanya.

Nakakainggit... Ako kaya? Kailan ako sasaya katulad niya?

Napahawak ako sa puso ko, ito na naman ang sakit na parang sinasaksak ng kutsilyo. Nanunuot hanggang kalamnan yung pait na nararamdaman ko. Kagat labing yumuko dahil sobra na talaga yung nararamdaman ko e. Kailangan ba talagang ipamukha saakin 'to? Kailangan ba talaga akong umiyak sa harapan niya para ipakitang okay na siya at ako ito parang binagsakan ng katutuhanan?

MFS1:TO FALL-COMPLETED✅ (AVAILABLE IN NOVELNOW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon