|14|

222 26 5
                                    

Chapter 14



KASALUKUYANG NAMING tinatahak ang daan papunta sa parking area. Walang kamalay-malay ang dalawa kong kaibigan na naghihintay si Simon doon. Hindi ko sinabi sa kanila na hinatid ako ni Simon kanina. At hindi ko rin sinabi sa kanila na wala akong dalang kotse.

Tuwing out namin galing sa trabaho, saakin sila sumasabay para daw makatipid sa pamasahe. Makakapal nga ang mga mukha nitong dalawa e. Hindi naman ako makatutol dahil kaibigan ko ang mga ito at mas mabuti na iyon kesa gumastos pa sila.

"Bakla daan muna tayo sa department store ha? May bibilhin lang ako. Alam nyo namang paubos na ang stock kong mga pagkain. Need to buy na. " ani Argen habang malapit na kami sa parking.

"Nu'ng kailan lang andami mong pinamili Argen, anyari? Naubos mo agad? " si Rein. Nagtataka naman namin siyang binalingan ng tingin habang naglalakad.

"Kung makatingin naman!" iksahurada niya "Hindi ko pala nasabi sa inyo. Si Rafael kasi nasa apartment ko nu'ng monday pa." ani niya.

"ANO!" sabay naming sabi ni Rein. Sapo ng kaibigan kong babae ang noo. mukhang dumagdag pa sa problema ko si bakla.

Hindi ko akalaing papatulan niya si Rafael. Alam naman nito kung bakit lapit ng lapit si Rafael sa kanya. Para perahan siya at gawing taga sustento ng pagkain. Minsan na niyang nakita itong may babae. Pero ewan ko ba sa baklang ito. Hinahayaan niyang perahan siya at gawing taga sustento.

"OA kung makapag react mga bakla?" nandidilat pang mga mata.

"Wow lang Arge! Nahiya naman ako sa reaksyon mo kanina ng malaman mong may humalik kay Ran. E, sayo pala doon mo pa pinatira sa apartment mo yung Rafael na yun." galit na sabi ni Rein "Hindi ka talaga na dadala sa mga ginawa niyang panloloko ano? " napahinto pa ito habang nakapamaywang na humarap kay argen. Pati ako ay napahinto sa paglalakad.

"Nagsorry naman siya bakla." hawak sa kamay ni Rein "Sinabi niyang hindi na uulit. Napagtanto niya atang mahal niya ako" kinikilig pa ito ng sabihin iyon. Napapailing nalang ako sa sinabi niya. Nagulat ako ng magvibrate ang cellphone na hawak ko.

Sinagot ko agad ng malamang si Simon iyon.

"Hello? " bulong ko.

"Nandito na ako. San na kayo? "

"Malapit na. Saan kaba banda naka park?"

"Kanan. Malapit sa mga guard. "

"Okay. Wait for us."

"Okay... Baby" napapikit ako. Need niya ba talagang ihabol iyon sa sasabihin niya? Tsk. Nakakahiya. Nasasanay na siyang banggitin iyon saakin. Mapapersonal o tawag man. Ibinaba ko na rin cellphone pagkatapos niyang tumawag.

"Ata? Walang kasiguraduhan yun. Baka mamaya lokohin ka na naman niyan. Naku Argen, bahala ka sa buhay mo." sa sobrang inis ni Rein nauna siyang maglakad sa amin. Kahit hindi niya alam kung saan naka park ang kotse ni Simon.

Nagkibit balikat naman ako. Pagkatapos ay sinundan si Rein maging si Argen ay ganun din.

"Rein. Nasa Kanan." nang kakaliwa na sana siya. Taka niya akong binalingan. Pati ata si Rein na walang malay na stress sa amin. Busangot na ang mukha.

"Diba dito lagi ang kotse mo naka park? " lakad niya pabalik sa'min. "Nag bago na? "

Nauna akong maglakad pakanan at sinilip pa kung saan nakapark si Simon. "Hindi. Wala akong dalang kotse. " ani ko. Hindi naman mahirap mahanap dahil nakita ko agad siya. Naka-upo sa harap ng kotse. Nakapamulsa ang isang kamay habang nakatukod naman ang isa sa salamin ng harap ng kotse niya. Kung hindi ko lang to kilala. Aakalain ko nang model to. At nag po-photo-shoot.

MFS1:TO FALL-COMPLETED✅ (AVAILABLE IN NOVELNOW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon