Sorry for the late update. Hihi tinamad kasi may nabasa akong story na napaiyak ako ayun tuloy mawalan nang gana. But anyway. Thank you sa nagbabasa nito. Sorry na agad sa typos and grammar ko. Hihi
Chapter 9
Matapos ang usapan namin ni Simon kaninang madaling araw. Bumalik ulit ako sa taas para magpahinga. Ganun din naman ang ginawa niya. Naging maayos naman ang mag-uusap namin. Walang bangayang nangyari. Maayos naman pala siyang kausap.Walang tigil sa pagbuhos ang malakas na ulan hanggang ngayon. Paniguradong hindi matutuloy ang pag-uwi namin pabalik sa pilipinas. Naiwan rin pala ang gamit namin sa hotel. Masasayang ang bayad namin paghindi pa kami makabalik doon. Ang problema naman hindi kami makakalabas dahil sa ulan. Hindi lang ata ito simpleng ulan lang e. Bagyo na.
Ayaw ko pa naman sa lahat iyong nasasayang ang binabayad. At hindi naman kami nanatili roon. Libre na nga ang room ko nasayang pa. Para saakin malaking kabawasan yun. Ngunit ganun nalang siguro kaliit para kay Tom at Laz ang binabayad sa hotel.
"Ran!" sigaw nang boses sa labas nang kwarto ko.
Mabilis kong tinungo ang pintuan upang pagbuksan ang kung sino mang tumatawag sa'kin. Nang makalapit na ay medyo inilayo ko ang ulo ko. Na-trauma ata doon sa nangyari sa hotel. Nakakatawang isip pero ayoko na maulit 'yun. Pinihit ko ang siradora para bumukas.
"Oh Laz, bakit?"
"The flight was cancelled" sabi niya saakin. Alam ko na talagang maka- cancel gawa nitong masamang panahon na'to.
"Mananatili muna tayo dito hanggang Tuesday. We cannot go back to the hotel. Pinakuha ko na rin ang gamit natin doon. Don't worry maya-maya lang ay nandito na rin 'yun."
"sige, kung ganun kakausapin ko nalang din ang pamilya ko para alam nilang hindi matutuloy ang pag-uwi ngayon." sagot ko.
"That's right. Anyway, breakfast is ready. Bumaba na tayo. Naghihintay na sila sa dining area."
"Tamang-tama at gutom na rin ako"
Sabay kaming bumaba nang second floor at tinungo ang harden kung saan ang dining area. Pagkapasok na pagkapasok namin nahinto sila sa pagsubo nang pagkain. As in silang pito. Ako naman ay nagulat. Ang akala ko si Tom at Simon lang. Hindi ko alam pati ang limang nakaupo ngayon ay nandito pa.
"Good morning beautiful" si Quintin. Sinamaan naman siya nang tingin ni Gabin. "What? I just greet here. No means." defensive nitong pagkakasabi.
"tsk" ani ni Simon na pinagpatuloy na ang pagkain.
Pinaghila ako nang upuhan ni Laz pagkatapos nilapagan nang plato at kutsara. Nawiwerduhan ako sa ipinapakita niya ngayon-ngayon lang. Kaya ko naman hilahin ang upuan, kumuha nang plato at kutsara, kaya ko rin sandukin ang kanin at ulam. Ganun nalang ang gulat ko na halos siya lahat ang gumawa niyon.
Parang wala din siyang pake sa paligid niya. Hindi niya alam na kanina pa siya sinusundan nang tingin nang mga kaibigan. Sunod ang tingin sa bawat galaw niya.
"Laz" mahina ngunit alam kong dinig niya ito. Hindi naman kami magkalayo para hindi niya marinig ang tawag ko.
"Yes?" nakangiti nang bumaling. Ang weird niya talaga ngayon.
"K-kaya ko na yan. Ako sasandok nang ulam-"
"No. I insist. Sagot kita ngayon dahil hindi tayo natuloy sa pag-uwi. Binantaan ako nang kaibigan mo na susugurin pag hindi kita inalagaan dito" napangiwi ang labi ko. Napayuko ako sa hiya dahil hindi lang ako ang nakakarinig niyon kundi maging mga kaibigan niya.
"B-biro lang siguro iyon. Wag mo nang tutuhanin-"
"Biro man o hindi, aalagaan kita" seryoso siya nang sabihin iyon. Parang ganun lang kadali sa kanya bumitaw nang mga salita. Hindi iniisip ang mga reaksyon nang bawat taong nakakarinig niyon ngayon. Nakurot ko ang hita sa pagpipigil. Nakakahiya naito. Grabe na.
BINABASA MO ANG
MFS1:TO FALL-COMPLETED✅ (AVAILABLE IN NOVELNOW)
RomanceW A R N I N G |16+| She's a writer and he's a pilot from Malta. They met in unexpected place and time, they treat each other as a stranger until they fell in love. Akala nila okay na ang relasyon nila dahil masaya at nakakaya ang mga pagsubok, un...