|2|

312 37 3
                                    

Chapter 2

I saw Moma and Dada after I parked my car in the garage. Malaki-laki rin ang pinagbago ng bahay dahil nga pinarenovate namin ito ng parents ko last month. Simula din noong tinanggap ko yung project, kinausap ko sila Moma at Dada na lumipat ng tinaharan para hindi hassle kung papasok ako ng trabaho.

I talked to them at pumayag naman sila, pero dapat daw ay umuwi-uwi parin ako kapag day-off ko. Wala namang problema sakin yun, dahil sure naman na mamimiss ko sila, specially my sister Karen.

Nang mabuksan ko ang pinto ng kotse ay nakita ko silang nag-aabang saakin. Sakto namang pagbaba ko ng sasakyan ay bumukas ang pinto ng bahay at iniluwa nito si Karen and my two friend Argen and Rein.

"Ate! Welcome back!"si Karen, nakangiti ng sobrang tamis saakin kaya napangiti rin ako. I missed her so much. Sino bang hindi, e kaming dalawa lang ang anak ng parents namin.

Nagsimula akong maglakad sa direksyon kung saan ang mga magulang ko, kapatid at kaibigan ay naghihintay na saakin. Palapit na ako sa kanila nang, humakbang si Karen para batiin ako ng yakap.

I know, I know she really missed me because I've been busy these past few months for the project. At ngayon ko lang talaga sila nakasama ulit.

Imagine yung limang buwan mong hindi nakasama ang pamilya mo? Noong una namamahay ako. Halos hindi ako makatulog dahil nga sa sinanay nila akong kasama sila. But the past few days na pamamalagi sa condo naging routine ko na rin na mag-isa.

Hindi naman pala ganun kahirap. Tumatawag rin sila moma. Sometimes naman nag-sskype kami. Para kahit papanu makita ko sila kahit malayo sila, and that's okay with me.

"Hindi nga ako nagkamali noong sabihin kong ikaw ang magiging best writer of the year ate!" masaya si Karen ng sabihin niya iyun saakin, habang nakayakap parin ito. Tumango-tango naman ako sa kanya bilang pagsang-ayon.

Una akong humiwalay sa pagkakayakap sa kanya.

"At maraming salamat sa hula mong ako ang magiging best writer." biro ko naman sa kapatid ko na sumimangot na sa harapan ko.

"Hindi kaya yun hula lang alam kong sisikat yung gawa mo ate."

"Oo na nga. Huwag ka ng sumimangot lalo kang pumapangit e..." nagtawanan naman ang nakarinig ng biro ko yun.

"Welcome back anak and Congratulations for the success of your project" si Moma, sabay halik sa pisngi ko.

"Thanks, Moma!" I replied and kissed her both chicks.

"Congrats anak" si Dada naman ang sumunod na bumati and I thanked him and hugged him.

"So pasok na tayo?" anyaya ko sa kanila. They nodded before entering the house.

At last, I'm home! I should spend the whole day with my family. Dahil bukas na bukas din, babalik na ulit ako para sa trabaho.

Sabay kaming anim na pumasok ng dinning area para sa kaunting celebration "daw" para saakin. Kanya kaya na kaming umupo. Si moma and dada ay sa kanan kasama si Karen. While ako at ang dalawa kong kaibigan ay nasa kaliwa. Handa na rin ang mga pagkain dahil sabi ni moma ipinahanda na niya daw sa kasambahay bago pa ako nakarating.

Hindi halatang excited sila sa pagdating ko. hihi. Nagsimula na kaming kumain.

"Argen and Rein wag muna kayong umuwi mamaya ha? Magbonding muna tayo." si Moma. Nagkatinginan naman kaming tatlo dahil dun.

"No problem mother dear!" si Argen.

"Sasabay sila saakin bukas pag-uwi moma, kaya makakasama mo pa sila."

MFS1:TO FALL-COMPLETED✅ (AVAILABLE IN NOVELNOW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon