|35|

109 11 4
                                    

Chapter 35


Nagpaalam si Simon kila Nay Lusing nung tanghalian pero saakin hindi siya nagpaalam. Nakakasakit isipin na binabaliwala niya ang presensiya ko matapos ang usapang iyon kanina. Nakaramdam ako nang inis para sa kanya.

Namali siya nang pagkakaintindi sa gusto kong sabihin at iyon ang hindi ko nagawang ipaliwanag sa kanya dahil bigla na lamang siyang umalis nang kwarto. Pagkatapos nun naging malamig na ang pakikitungo niya saakin. Nasaktan ako syempre, sino ba naman kasing hindi masasaktan, kakaayos nga lang naming tapos ito na naman. Kailan ba ako magkakaroon nang maayos na ending kasama niya?

Lalo na ngayon na umalis siya at umuwi sa bahay nang kaibigan niya pero hindi man lang kami nagkausap nang maayos at nagkabati. Ayoko pa naman nang ganitong treatment. Mabilis akong ma stress kapag may problema.

Hindi rin umuwi ngayon si Samuel kaya wala akong mapagsabihan nang lungkot ko. Wala akong mapag share-ran nang problema ko. Si Samuel lang naman ang nakakaintindi nang gusto kong sabihin dahil alam niya ang totoo sa pagitan namin ni Simon.

Kung kakausapin ko naman ngayon si Ligaya, baka isipin nun in-istorbo ko siya. Alam kong busy siya sa cafe niya. Nakakahiya kung aabalahin ko pa. Kung nandito lang sana si Samuel.

Iniisip ko nga baka nakita na niya yung hinahanap niya kaya hindi siya nakauwi ngayon. Hindi rin nagpadala nang mensahe o tumawag kaya feeling ko busy yun ngayon.

Napabuntong hininga na lamang ako at bumalik sa kwarto pagkatapos doon nagmukmok hanggang sa makatulog ulit. Pagkagising ko gabi na, bandang alas otso. Ipinatawag din ako ni Nay Lusing kay Begail para kumain. Bumama naman ako pagkatapos nun.

"Tumawag nga pala ang daddy mo Manuela." Sabi ni Nay Lusing habang nasa hapag kainan kami at kumakain.

Napatigil ako sa pagbuso at ibinaba ang kutsara tsaka binalingan si Nay Lusing.

"Bakit daw sila tumawag Nay Lusing? May problema po ba?" ani ko. Uminom ako nang tubig.

Umiling siya at ngumiti. "Wala naman. Nagtatanong lang kung pwede ka raw bang lumuwas papuntang Maynila." Aniya pagkatapos nagsalita ulit. "Ang tagal na nung umuwi ka dito, hindi kapa nakakabalik doon anak." Aniya at nahinto na sa paggalaw nang pagkain, mas pinagbigyan ako nang pansin ngayon.

"Bakit hindi mo pagbigyan ang kahilingan nang mga magulang mo? Kung inaalala mo ang karinderya, huwag kang mag-aalala andito naman kami ni Begail para alagaan iyon." Inabot niya ang kamay kong nakapatong sa lamesa at higpit akong hinawakan doon.

Dama ko ang kagustuhan niyang pagbigyan ang gusto nang magulang ko. Napalunok ako. Masuyo niyang hinahaplos ang kamay ko para pagaanin ang usapan at mapapayag ako.

"Pagbigyan mo na sila." Habol pa nitong saad tsaka inalog ang kamay ko na nakahawak sa kanyang kamay.

Naisip ko din iyon ngayon-ngayon lang. May oras naman talaga ako para sa mga bagay na iyan. May mga balakid lang noon kaya hindi ko magawang bumalik. Matagal narin mula nung umalis ako at umuwi dito tapos hindi na ako nakakadalaw sa kanila.

Bakit hindi ko subukan diba? Hindi naman sa nag-aalala ako sa karinderya dahil alam kong andyan sila Nay Lusing at ang kanyang apo, kaya wala akong pangamba doon.

Noong hindi pa kami magkaayos ni Simon, doon ako nawalan nang ganang bumalik sa Manila. Ang gusto ko nalang kasi ay lumagay sa tahimik at malayo sa maingay na lugar. Pero ngayong nagkita na kami at okay na bumalik yung gana ko, though may konti kaming misunderstanding ngayon alam ko naman na magkakaayos kami.

Lalo pa nung sinabi niyang ako lang naman ang mahal niya, wala nang iba. Maging yung sinabi niyang hindi totoo ang kasal mas naging panatag ako ngayon.

MFS1:TO FALL-COMPLETED✅ (AVAILABLE IN NOVELNOW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon