|13|

251 25 9
                                    

Hi, how's everyone? Sana okay lang kayo. Stay safe! Sana magustuhan nyo din to 👇 thank you! Click the star below after reading! 😊😊😊
❎Warning: Super duper mega slight mature content.



Chapter 13



FRIDAY NGAYON kasalukuyan akong nag-aayos nang gamit na dadalhin sa trabaho. Papasok ngayon sa trabaho dahil kahapon lumiban ako. Bakit naman kasi naglasing pa, edi sana naka pasok ako kahapon. Kung hindi ba naman ako kalahating tanga.

Naalala ko pa, iniyakan ko si Simon dahil ang akala ko ay kasal na siya. Padalos-dalos ako sa mga spekulasyon ko tungkol sa kanya hindi naman pala siya kasal.

Nakakainis isipin na desperada iyong Anastasia na iyon. Tama nga sinabi ni Blessy sakin. Mukhang hindi makabasag pinggan. Pero nasa loob pala ang kolo.

'Kagabi'

Hinatid ako ni Simon alas otso na nang gabi at ayaw niya pa sana akong pauwiin dahil gusto niya akong makasama. Ako naman itong mapilit umuwi, ayokong masanay sa kanya. Ayoko munang sanayin ang sarili ko sa piling niya.

Wala pa ngang label sa pagitan namin. Ganun na agad kami ganun na agad ang iyak ko. Gusto ko lang din manigurado kahit na sabihing gusto ko siya. Hindi ko naman alam kung gusto niya rin ba ako, malay ko ba kung libog lang yung nararamdaman niya.

Mahirap mag-assume, mahirap magsabi na may gusto rin siya sakin. Hindi rin ibig sabihin na may nangyari sa amin.(virgin pa ako. Kamay palang ipinapasok niya!) Mag-aassume na agad ako. Mahirap na, mahirap masaktan lalo na nagsisimula palang akong mahulog sa kanya. Paano paghulog na hulog na pala ako? Sasaluhin niya kaya ako? Hindi ko alam.

Tatlong katok sa pinto ang narinig ko. Habang nasa kwarto ako.

"SANDALI!" sabi ko. Pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto.

Naglakad ako papunta sa pinto, inayos ko muna ang buhok na hindi pa nasusuklay. Iginilid at nilagay sa likod ng tenga ko bago huminga nang malalim at hinawakan ang doorknob sana inikot. Nang mabuksan ay iniluwa nito ang gwapong-gwapo na si Simon.

Nakapamulsa ito, hapit na t-shirt ang suot niya kulay maroon. Kulay asul ang suot na maong pants, halata rin na bagong ligo, maamoy ko rin ang pabango niya. Lalaking-lalaki, gusto ko siyang hapitin at isiksik ang sarili sa sobrang bango.

Magtigil ka Ran! Ang aga-aga!

Tumikhim ako "Anong ginagawa mo dito?"

"Ihahatid kita sa trabaho mo."

"Dadalhin ko ang kotse ko-"

"Iwan mo nalang muna, I drive you off to your work."

"Pero... Hindi ba ako nakakaabala?" nahihiya kong tanong. He shifted his weight and began to walk, closing the distance between us.

I gulped.

"Bakit mo naman natanong yan?" he bends a little para magpantay ang tingin naming dalawa. Gamit ang isang kamay niya hinaplos nito ang pisngi ko. "Hindi ka nakakaabala... baby".

Nanindig ang mga balahibo ko sa kamay dahil sa ginawa niyang paghaplos sa pisngi ko. Lalo na ng tawagin niya nanaman ako ng ganun.

Ilang dangkal lang ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. "S-simon" halos bulong ko ng tawag sa pangalan niya.

"Hmm?" nawiwili naman ito sa nakatingin saakin. Bakit ba ganito na siya ngayon? Ang aga-aga pinapakilig niya ako.

"B-baka malate ako. H-hatid mo na ako..." palipat lipat ang mga mata ko sa labi, ilong at mata niya.

MFS1:TO FALL-COMPLETED✅ (AVAILABLE IN NOVELNOW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon