|36|

121 11 3
                                    

Chapter 36


"Nandiyan na naman si pogi! Naku Ran ha? Araw-araw nalang may dalang rosas yang manliligaw mo! Imbis na kape ang binibenta natin dito, naging flower shop na! Inaraw-araw ang pagdala nang bulakbulak. Jusko po!" napapairap ako habang sinasabi iyon ni Shakesmette. 


Pinandilatan ko siya nang mata na ikina ngisi niya lang. Baliw talaga ang isang to. Kung makapag salita rin akala niya kasing edaran ko lang siya. Napapailing nalang ako.


Talaga naman kasing totoo ang sinabi niya. Halos araw-araw dumadalaw si Simon dito sa cafe ni Ligaya para lang puntahan ako. Halos one week din siyang ganito saakin, magdadala nang isang bugkos nang rosas at chocolate.


Hindi ko nga alam kung kamusta ang flower shop na binibilhan niya baka ubos na dahil araw-araw may bulaklak siyang binibili at dala para saakin.


Tumukhim si Shakesmette. "Aasikasuhin ko muna ang mga customer. Mukha kasing ma-oop ako kapag dumito pa ako. Sana lahat binibigyan nang rosas. Sana lahat Ran!" aniya at tumawa na parang baliw.


Balak ko sanang ihampas sa kanya ang cup na hawak ko pero mabilis siyang umalis. Kinaiinisan ko talaga ang tawa nang babaitang yun. Mahilig mang-asar.


Napabaling ako kay Simon nang ilapag niya sa counter ang dalang rosas. Amoy ko din ang pabango niyang gamit, dahil nakalapit siya. Ngiting makalaglag panty naman ang binungad niya saakin.


"Flowers for my babe." sabi niya sabay patong nang dalawang siko sa counter at mataman akong tinitigan.


Tuloy hindi ko mapigilang ngumiti at kiligin. Hindi ko talaga maexplain kung bakit ganito ka grabe ang dating niya sa tuwing dadalaw siya dito, tapos may dala pang isang bugkos nang rosas.


Halos araw-araw pinapakilig niya ako. Halos araw-araw din akong binibwisit ni Shakesmette, dahil nga daw puno na nang rosas ang shop.


Naisipan ko kasing idisplay yung mga binibigay ni Simon. Kesa naman mabulok sa bahay at hindi madisplay diba? Hindi naman nagreklamo si Simon. Parang natuwa pa nga ang mokong na 'to.


"Thank you!" inamoy ko ang rosas. "Hindi ka kaya mamulube nito? Halos araw-araw bumibili ka para ibigay saakin." inilapag ko ito at tumingin sa kanya pagkatapos.


"The price is not that expensive so why bother to ask me that? Babe, you are more expensive than  flowers. Hindi pa naman ako mamumulube. Unless kung bibilhin kita sa magulang mo para maging akin." nakakalokong tawa pagkatapos ang ginawa niya.


"Loko to! Ang baduy mong bumanat Simon." sinasabi ko iyon pero sa loob-loob ko kinikilig ako.


Lagi na siya ngayong may baong kabaduyan sa katawan. Pero hindi man lang nahiya na sabihin iyon saakin. Ang cheesy niya talaga.


"Baduy pero kinikilig ka babe. Ito lang ang baduy bumanat pero kinakikiligan mo." naihampas ko sa kanya ang rosas dahil sa sinabi niya. Natatawa siyang napaiwas.

MFS1:TO FALL-COMPLETED✅ (AVAILABLE IN NOVELNOW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon