|8|

164 24 4
                                    

Hi peps. There might be typos or grammatical error but please understand. Hindi ako magaling sa english hihi.  Thank you na po agad sa mga nagbabasa nito and also sa ibang chaper. Hihi sana naenjoy nyo.  Happy reading everyone. 

Chapter 8


KASALUKUYAN akong nakaupo ngayon sa isang bakanteng upuan sa garden nila Tom. Pinili kong lumayo-layo muna dahil maingay nga sa loob nang mansion. Mas maganda rito may katahimikan. Hindi ko alam kung bakit ngayon mas gusto ko ang tahimik lang. Hindi rin ibig sabihin noon ay KJ na ako. Mas gusto ko lang talaga ngayon iyong tamihik lang. Mamaya ay papasok rin naman ako.

"Hay!" buntong-hininga ko.

Lumakas ang ihip nang hangin at sa bawat dampi nito sa aking mukha napapapikit ako. Ang sarap lang sa pakiramdam para akong hinihili. Dumilat ako tumambad saakin ang ganda nang gabi.

"Ang ganda nang mga bituin" bulong ko habang nakatingala sa itim na kalangitan. Itinaas ko ang aking kaliwang kamay habang ang isa ay nakatukod sa upuan. Pilit kong inaabot ang mga bituin kahit naman imposible. Napapangiti ulit ako.

"mignun" (crazy)

Isang tinig ang naulinagan ko. Pamilyar ang salitang iyon pero hindi ko alam kung ano ba ang ibig sabihin. Napalingon ako sa nagsalita niyon.

Naka cross arms siyang nakatayo medyo malayo saakin. Nakasandal sa hamba nang mga halaman pero hindi ganun kabigat ang pagkakasandal niya dito. Maaari siyang matumba doon at bumulusok sa halamanan kung sakaling bibigatan niya ang pagkakasandal.

Naghihintay ako sa paglapit niya ngunit hindi man lang siya umalis doon. Nagkatinginan lang kami hanggang sa ako rin ang unang sumuko sa pagtitig. Tumikhim ako kunwari'y parang wala lang iyong titigan namin. Ibinalik ko ang paningin sa madilim na kalangitang puno nang nagkikislapang bituin.

"Why are you here?" basag niya sa katahimikan. Nilingon ko ulit siya.

"Ikaw bakit ka rin nandito?" masungit kong balik na tanong sa kanya. Tinaasan naman niya ako nang kilay. Ayan nanaman iyong suplado niyang mukha.

"I asked you first. Sagutin mo muna bago ko sagutin iyong tanong mo" napairap ako sa pagiging suplado nang boses niya. Halos lahat nang kasupladuhan nasa kanya na. Pati sa pagtatanong. Napabuntong-hininga nalang ako.

"Bakit bawal ba ako rito?" kunot-noo niya akong tinapunan nang tingin.

"Is that the right answer to my question?" masungit niyang tanong saakin.

"Sungit" bulong ko na lalo namang ikinakunot nang noo niya.

"What?"

"Wala! Bakit ba big deal sayo kung nandito ako ha?" balik kong tanong sa kaniya. "Sayo ba to?" pagturo ko sa bawat nakikita ko sa paligid.

Wala talaga kaming matinong usapan pagmagkaharap kami. Parang kanina lang pinapakaba niya ako ngayon naman pinapainit niya ulo ko at pag hindi ko nga nakita hinahanap ko. Minsan naisip ko nalang magulo ang isipan nang babae.

"tsh" ang pagkakasandal niya kanina sa halamanan ay hindi na ganun kabigat. Umayos siya sa kanyang tayo at sinimulang ihakbang ang kanyang mga paa. Papunta sa direksyon kung saan ako mistulang nakaupo.

Tumikhim ulit ako.

Hindi ko napansin ang suot niya kanina. As he walked toward me, I saw how handsome he is in his attire. He has this firm body na kahit natatakpan man nang kanyang damit sumisigaw parin ang kakisigan. Tsaka pagtalaga ibang lahe ang gaganda nang katawan. Not unless nagdyi-gym siya.

Hindi katulad nila Laz, Tom at iba pa niyang kaibigan na nakasuot nang casual attire. Wearing polo together with itim na slacks at black leather-shoes. Siya ay hindi, alam mo iyong parang siya lang ang nag-iba. Nakasuot siya nang white shirt na pinatungan nang itim na jacket with matching blue faded maong pants na medyo hapit sa kanya with fashion classic wheat brown boots. Bumagay sa kanya ang suot niya.

MFS1:TO FALL-COMPLETED✅ (AVAILABLE IN NOVELNOW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon