Chapter 37
Ang tahimik nang byahe namin habang pabalik sa Café. Hindi ako kumikibo, ni hindi ko siya sinusulyapan. Panay lang ang baling ko sa labas at inaaliw ang mga mata sa mga kotseng nauuna o kaya naman nahuhuli.
Ang bigat nang pakiramdam ko para kausapin siya. Baka kasi bigla nalang akong iiyak. Hindi alam ni Simon pero kinakastigo ko ang sarili nang palihim.
Naiinis ako sa sarili ko dahil naging over acting ako kanina.
I am emotionally stressed for nothing. And I don't know what the reason behind these tantrums I am feeling right now. Not use to be like this before, ngayon lang talaga.
Alam kong napapalingon siya sa gawi ko sa tuwing bumubuntong hininga ako nang malalim. Hugot iyon na sobra talaga ang stress kong nararamdaman.
"Babe-"
"Don't talk... Hindi ko gustong marinig ang boses mo."
Ngayon na naman naiinis ako sa boses niya. Anu ba to! Baka bukas ayoko na siya makita ganun? This is really bad!
Nauna akong lumabas nang kotse niya at dali-daling tumawid upang makapunta sa Café.
"Ang bilis niyo naman-" nilampasan ko lamang si Shakesmette. "Anyari du'n?" hindi ko alam kung sino ang tinanong niya, pumasok ako sa office at nahiga sa maliit na kama.
I chose not to speak or makausapin sila.
I close my eyes and then ginamit ko ang isang kamay upang takpan ang mga mata. Maraming tumatakbo sa isipan ko ngayon na kay gulo.
Iniisip siguro ni Simon sa oras na 'to ang aksyon na ginawa ko kanina. Alam kong mali pero ginawa ko parin. Hindi ko kasi mapigilan ang biglang pagbago nang emotion ko.
Kailangan ko lang sigurong ipagpahinga ang sarili ko. Kailangan lang nang katawan at isip ko ang pahinga. Right!
As I woke up an hour after nasa loob na ako nang kwarto. Laking pagtataka iyon sakin dahil medyo madilim sa loob nang kwarto at ang lampshade na maliit lang ang mistulang nagbibigay ilaw, kakarampot ngalang. Madilim na sa labas nang tignan ko ang bintana habang nakaupo sa kama.
Ang pinagtakhan ko ay hindi ito ang kwarto ko kaya ibig sabihin lang nito, wala ako sa kwarto ko. Obvious naman! Duh!
Bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Simon na mataman akong tinitigan. Bigla nalang akong napairap dahil nakita ko na naman ang pagmumukha niya!
"Kamusta ang tulog mo babe? You sleep like a baby a while ago." he said nung nakalapit siya at akma akong hahalikan sa noo, pero umiwas lang ako.
"Ang baho mo..." inignura ko ang tanong niya saakin. May kakaiba talaga sa kanya ngayon, ang baho niya.
"What?" salubong ang kilay at hindi makapaniwala sa sinabi ko. Nakuha pa nitong amuyin ang sarili at tumingin saakin na nagtataka. "Kakatapos ko lang maghalf-bath Ran....At....hindi ako mabaho alam mo yan, gustong gusto mo pa nga akong amuyin e." nakakaloko niya akong nginisihan na ikinagalit ko at pinaghahampas siya.
"Ang baho mo! Ang baho-baho mo! Umalis ka nga!" hindi ako nakikipagbiruan sa kanya ngayon dahil hindi maganda ang pang-amoy ko ngayon.
"Sh*t! Stop it babe! You hurt me!" panay ang ilag niya habang patuloy ko siyang hinahampas o kaya naman sinasabunutan.
"I hate you!" umuusbong ang bigat na nararamdaman ko at feeling ko anu mang oras iiyak ako. "Ayaw kitang makita! Umalis ka! I hate you! Ang baho mo Simon! I hate you! Galit ako sayo!" at doon na bumuhos ang luha sa mata ko.
BINABASA MO ANG
MFS1:TO FALL-COMPLETED✅ (AVAILABLE IN NOVELNOW)
Lãng mạnW A R N I N G |16+| She's a writer and he's a pilot from Malta. They met in unexpected place and time, they treat each other as a stranger until they fell in love. Akala nila okay na ang relasyon nila dahil masaya at nakakaya ang mga pagsubok, un...