Warning! Medyo-medyo spg. Pero medyo lang! Read and imagine. But not too much imagine. Sorry!! ✌
Chapter 12
SIKAT NANG ARAW galing sa glass window ang bumungad saakin kinaumagahan.
Napatakip ako nang mukha gamit ang isa kong kamay. Inilibot ko ang mga mata sa kabuoan ng lugar.
"Nasan ako? " bulong ko sa sarili.
Nanlalaki ang mga mata ko nang mapagtantong hindi ito pamilyar saakin. Madali akong napabangon at bumaba sa kama.
Napahawak ako sa aking dibdib. Kinapa kapa ang katawan. "May damit naman ako! " sumunod ay ipinasok ko ang dalawang kamay sa loob ng damit ko. "May suot pa naman akong bra! "
Sunod kong kinapa ay ang pang ibaba. Kunot ang noo nang wala akong naramdamang shorts o kaya pajama. Ang manipis na nakatakip lamang sa sensitibong parte ang meron ako.
Natutop ko ang labi. "AH! " isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko.
O. M. G! Bakit? Anong kagagahan ang nangyayari saakin? Hindi! Ang iniingatan kong perlas! Ibibigay ko pa to sa taong gusto ko. Pero bakit sa isang iglap lang nawala na agad? Hindi ko rin matandaan ang nangyari. Bakit!!
"Are you okay? " isang pag-aalalang boses ang narinig ko. Napatingin ako sa pinto.
Nanlalaking mga mata ang nagawa ko dahil doon. Nakahawak siya sa hamba ng pintuan habang nakasilip sa akin.
Dahan -dahan niyang binuksan at niluwagan ang pagkakabukas niyon. Pumasok siya sa loob. Doon ko lang din nakitang wala siyang suot na pang itaas.
Kalma self!
Nakasuot lamang siya ng boxer. At may nakasabit na puting panyo sa kabilang balikat. Napalunok ako. Dazzling hot! Napalunok ako ng sunod-sunod.
May mga butil nang pawis ang pumapatak sa kanyang mukha. Ang iba ay dumadaloy sa kanyang katawan. Dahan-dahan. Parang ninanamnam nito ang bawat nadadaan. Napalunok ulit ako.
Hindi! Hindi! Wag kang papadala sa mga ganyan Ran! Pa fall siya! Remember?
Napapikit ako at napailing iling sa kagagahan ng isip ko. Pinukpok ko pa ang ulo ko para lang wag sumagi iyon.
"Hey are you okay-"
"Don't! " iniharang ko ang kamay sa kanya upang hindi siya tuluyang makalapit.
Hindi pwedeng maulit yung sakit! Ayoko na!
"What! " inis niyang sabi saakin. Tiningala ko naman siya at sinamaan ng tingin.
"Wag kang lumapit hayop ka! " dala ng inis at galit ay nasabi ko iyon. Pero wala akong pakialam.
"What's your problem Ran? " tamad niyang sabi saakin habang nakapamaywang.
"Ikaw! " sigaw ko.
"Ako? " kunot noong. Itinuro niya ang sarili.
"Oo ikaw!" sigaw ko "ikaw ang problema ko! "
"Bakit ako? " naiinis na niyang sabi.
"Ano bang nagawa ko na ikinagagalit mo?""Wow naman! Hindi mo alam? " panuya kong tanong. Nagtiim naman ang mga bagang niya.
Talaga namang nagmamaang maangan pa siya sa harap ko. Walang hiya!
"Kung alam ko hindi ko na sana tinatanong pa ito sayo Ran. Now tell me! "
Mataman siyang nakatingin saakin. Hindi kumukurap o ibaling man lang sa iba ang tingin niya. Nag-aapoy din ako sa galit nang maalala ang nalaman ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
MFS1:TO FALL-COMPLETED✅ (AVAILABLE IN NOVELNOW)
RomanceW A R N I N G |16+| She's a writer and he's a pilot from Malta. They met in unexpected place and time, they treat each other as a stranger until they fell in love. Akala nila okay na ang relasyon nila dahil masaya at nakakaya ang mga pagsubok, un...