|26|

94 14 3
                                    

Hi everyone.  This is my update for today. Sorry for the super late update.  Sorry for my typos and grammatical error.  Sa lahat ng nagbabasa at naghihintay ito na po. Sana maenjoy nyo.

Chapter 26

"SO, HOW IS EVERYONE doin'? Have a seat, have a seat." Ani Blessica ng makalabas siya ng kwarto niya at nadatnan kaming nakatayo.

Ni isa sa aming tatlo ay nahihiyang umupo.

Kakatapos niya lang magpalit ng damit. Kung kanina bumaba siya galing sa roof top na nakasuot ng two-piece, ngayon naman nakasuot na siya ng maluwag na jogging pants with spaghetti strap na hindi umabot sa pusod ang laylayan.

Napansin kong sa mga ganoong damit siya lalong bumabagay, maganda ring tignan sa kanya. She's beautiful with those clothes suit her. How I wish ganun din ako.

Well nasubukan ko na rin namang magsuot ng ganung mga suotan pero hindi ko alam kung bagay ba saakin. Minsan kasi may pagkabaduy rin ako, may pagka ignorante sa damit. Ewan ko ba.

"We're fine and still breathing bakla. Lalo din gumaganda..." biglang sabat ni Argen. Kami namang nakikinig napataas nalang ng kilay.

Hindi naman napigilan ni rien magkomento about sa sinabi niya.

"Asa kang gumanda ka bakla? Saan banda?" tumingin sa gawi namin si rien  "Wag niyo ng pansinin ang isang to ha? Parang hinangin e!" aniya pagkatapos ay inirapan lang si Argen na hindi naman nagpatalo.

"Tse, baklang to! Hindi nalang nakisabay sa joke ko.KJ mo talaga kahit kalian" si Argen.

"Joke pala yun bakla? Ay, hindi ko alam." Sarkastiko namang saad ni Rien na ikinatawa naming tatlo.

Busangot namang tumingin saamin ang kaibigan naming si Argen. Hay! kahit kalian talaga itong dalawang to hindi mahinto-hinto sa kakabangayan nilang dalawa.

"That's nice to hear na you're fine." Komento ni Blessica. "Anyway, tara sa kusina the food is waiting na. Ipinahanda ko na yun kanina pa before I went up." She said then tumalikod saamin para pangunahan kami sa pagpuntang kusina.
Tuloy parin siya sa kakasalita habang kami naman ay nakasunod lamang sa kanya.

"Then let's talk about the upcoming outing in our home town! Yehey!" halata ang excitement sa boses niya kahit na hindi ko nakita ang buong mukha niya dahil nakatalikod.

"Outing daw bakla!" bulong ni Argen .

"Narinig ko argen. Hindi ako bingi." Walang pakeng sagot ni Rien sa kanya.

"Inulit ko lang baka nabingi ka- Ay, joke! Joke lang."

Napapailing nalang ako sa kanilang dalawa. Aso't pusa talaga ang mga 'to.

Hindi ko maiwasang mangunot ng noo sa sinabi ni blessica. Ngunit isinantabi ko nalang iyon at nagkibit balikat. Hindi ko alam na may balak pala siyang mag-outing pagkauwi niya. Siguro dahil matagal-tagal din siyang hindi nakauwi ng pinas.  

Sa tuwing nag-uusap kasi kami ni Blessica bukambibig niya lagi ang salitang 'miss ko nang umuwi' o kaya naman 'hindi na ako makapaghintay, gusto ko ng magbakasyon'. Ewan ko bas a babaeng to. Mayaman naman sila pero hindi makaafford bumili ng ticket pauwi.

MFS1:TO FALL-COMPLETED✅ (AVAILABLE IN NOVELNOW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon