|11|

194 24 2
                                    

Tinamad akong mag-update this past few days haha dahil nanunuod ako ng chinese drama. "I've Fallen for you" ang title. Maganda po iyon, baka gusto nyo lang panuorin. HAHAHA ayun lang. Happy reading!!

Chapter 11


WALANG PAGLAGYAN ang hiya ko kinabukasan. Tumila na ang ulan, wala na ring bagyo pero ang hiya ko bumubuhos. How can I even forget those moves? Gaga na ako kung hindi ko pa maalala ang kawalang hiyaan na ginawa ko.

Nahihiya akong lumabas at harapin sila. 'Nahihiya talaga ako!'. Ito ang una at unang nagawa ko sa buong buhay ko. Ang humalik sa taong gusto ko dahil sa laro at kalasingan. Kahit sabihing lasing ako. Alam na alam ko parin ang ginagawa ko. Hindi ako hibang para hindi iyon maalala. Napasabunot nalang ako sa sariling buhok.

Maaga akong nagising, maagang naligo para mahimasmasan, maagang nag-impake nang dadalhin, maaga ring dinalaw nang kahihiyan. Ikinakahiya ko na talaga ang sarili ko.

Unang halik ko iyon, una! Pero naibigay ko lang dahil sa laro? Iniimagine ko pa naman na ang unang halik ko ay ibibigay ko sa taong gusto rin ako at hahalikan ako sa mala-fairy tale na lugar. Pero iyon? Iyong kagabi? Naku! Hindi ko ata naisip iyon.

Pero aminin mo, masarap! Sigaw nang isip ko.

"Agh!" napapadyak-padyak pa ako. Nang sumagi iyon sa isip ko.

Kung sabagay uuwi na rin naman kami maya-maya. Makakalimutan rin naman siguro ang ginawa ko at least kahit papaano nasubukan ko. Hindi narin masama, natural lang siguro iyon dahil laro lang naman. Ako lang siguro ang nagbibigay motibo sa ginawa ko, so dapat chill lang! Chill!

"Ran?" kalahati ng katawan ni Blessy ang nakapasok sa pintuan. Nakakapit sa doorknob.

"Bakit? Pasok ka." nginitian ko siya. Tumango naman si Blessy at dali-daling pumunta sa kama at umupo katulad ko.

"Uuwi na pala kayo ngayon. Akala ko magtatagal kayo dito." may bahid nang lungkot ang boses nito maging ang kanyang mukha, kung pwede lang din sanang umextend ng araw para makilala ko pa sila ay gagawin ko. Subalit hindi pwede dahil may trabaho pang naghihintay saakin. Maging kay Laz.

"Oo nga e. Sayang at uuwi na kami. We have messenger naman o kaya skype."

"Yeah, you're right. Pero-"

"Don't be sad, magkikita pa naman siguro tayo." gusto ko man tumagal pero hindi pwede, kahit sandali ko palang silang nakilala feeling ko ang tagal na namin naging magka-ibigan.

"Magkikita syempre. Baka nga doon kami magbabakasyon ni kuya next month."

"Ayun naman pala magbabakasyon kayo. Magkikita at magkikita din tayo doon." Hinawakan ko ang kamay niya. "Ganito nalang, if ever bakit hindi mo nalang kunin mo ang number ko, call me pag nasa pinas ka." Masayang sabi ko sa kanya na ikinasigla naman nang mukha niya.

Matapos namin mag-usap ni Blessy. Bumaba narin kami para makapag umagahan.

Kinakabahan man habang naglalakad sa dining area. Iniisip ko nalang na sana hindi ako mapansinin ni Simon. Baka atakihin ako nang wala sa oras.

Nang makarating kami ni Blessy kumakain na sila. Inilibot ko ang mga mata para makita kung nasaan si Simon, nasa dulo siya katabi iyong Anastasia. Dikit na dikit sa tabi ni Simon, umusbong ang inis ko dahil sa na kita.

Akala mo naman may aagaw kay Simon! Paghiwalayin ko kaya kayo! Napairap ako dahil doon.

Umiwas ako ng tingin nang lingunin kami ni Simon my heart pounded. Pinipigilan ko ang sariling huwag  lumingon dahil paniguradong namumula ako.

MFS1:TO FALL-COMPLETED✅ (AVAILABLE IN NOVELNOW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon