Hi everyone. Unedited po ito. Might have a grammatical error and bear with my English dahil hindi naman po ako magaling talaga. I used the web for this update because my phone is not responding properly. And also kathang isip lang po iyong mga nakalagay sa inupdate ko baka kasi isearch nyo iyong ibang mga nametion ko sa story.hihi , So ayun sana magustuhan nyo. Thank you na agad sa lahat nang nagbabasa. Please leave a vote and comment. Thank you!
Chapter 7
NAGING MAAYOS ang pagdidistribute nang mga libro sa bawat book store na aming pinuntahan. Halos inabot kami nang tanghale kakadistribute niyon. Hindi pa rin kami kumakain dahil kaninang umaga ay nagmamadali na kaming umalis. Nangako naman si Laz pagkatapos nito na magla-lunch kami. Kasalukuyan kaming nasa labas nang panghuling book store. Hinintay ko lang kasi si Laz kanina dahil may kausap siya."Where do you want to eat?"si Laz. Wala akong alam na restaurant dito. Kahit saan naman okay lang saakin.
"Ikaw nang bahala kung saan. Wala akong alam na kainan dito e." sabi ko naman sa kanya. Nakangiti akong tumingin sa kanya pagkatapos ay ibinaling ang mga mata sa mga taong naglalakad pauroon at parito.
"Okay let's go find a restaurant. Then after that bumalik muna tayo sa hotel upang magpahinga. Take time to rest dahil mamaya isasama kita sa party ni Tom."
"Anong oras ba iyong party niya?" tanong ko sa kanya. Tumingin muna siya sa relo niya bago ako sinagot.
"I think 7 in the evening?"
"Kung ganun pala mahaba-haba iyong pahinga natin. Huwag muna tayong umuwi kung pwede?" taka naman niya akong tinignan. "Bibilhan ko pa kasi sila moma nang pasalubong. Sayang naman iyong oras ngayon. Gusto ko sanang pagkatapos nang lunch natin e mamimili ako." sayang naman kasi iyong ilang oras kong ipapahinga na wala naman akong nagawa. Imbis na ipahinga ko nang matagal bakit hindi ko nalang gamitin kahit doon man lang makagala na rin ako. Pwede naman akong magpahinga kahit ilang oras lang.
"Pwede naman. Sasamahan kita sa pamimili mo. Saan mo ba gustong bumili nang mga pasalubong para sa kanila?" ngumiwi ako sa tanong niya. Iyon na nga ang problema hindi ko rin alam kung saan pwedeng mamili.
"Iyon na nga e, hindi ko alam ang bilihan nang mga pwedeng pasalubong sa kanila. Ikaw naman kasi may alam dito. Kaya magpapasama ako sayo" pag-aalangan kong sabi sa kanya. Tumango tango naman siya.
"Actually, hindi ako bumibili nang pasalubong pagpupunta ako dito. Wala akong time para bumili pa. Nakikisuyo lang ako kay Tom na bilhan ako nang pasalubong para dadalhin ko sa pinas." Bigla akong natawa sa sinabi niya. Walanjo. Kaibigan niya pa ang bumibili nang pasalubong.
"What's funny?" takang tanong nito pero bahagyang nakangiti
"Iba ka rin kasi. Kaibigan mo pa ang pinapabili mo nang ipapasalubong mo."
"Well tom likes to go somewhere so bakit pa ako magsasayang nang oras ko para lang bumili kung nandyan naman siya willing to buy pasalubong for me." pagmamayabang niya sa kaibigan. Napamake face ako sa sinabi niyang iyon. Ipinatong niya ang kanyang kanang kamay sa ulo ko at ginulo niya ang buhok ko. Iwinaksi ko naman ang kamay niya.
"Close talaga kayo ano?" sarkastiko kong sabi na ikina tawa niya. Pailing-iling niya pa akong tinignan.
"Yap." Maiksing sabi nito saakin. "Okay! Let's go find a restaurant I'm really hungry" himas himas niya ang tyan habang sinasabi iyon saakin. Sumang-ayon narin ako sa sinabi niya dahil ramdam ko rin ang gutom. Binuksan niya ang nakaabang kotse na sinakyan namin kanina. Nagtanong siya sa driver kung saan kadalasan magandang restaurant ang dinadayo rito. Hindi naman kami pwedeng bumalik sa hotel at doon kumain. Gagahulin kami sa oras dahil malayo na ang narating namin.
BINABASA MO ANG
MFS1:TO FALL-COMPLETED✅ (AVAILABLE IN NOVELNOW)
RomanceW A R N I N G |16+| She's a writer and he's a pilot from Malta. They met in unexpected place and time, they treat each other as a stranger until they fell in love. Akala nila okay na ang relasyon nila dahil masaya at nakakaya ang mga pagsubok, un...