Chapter 5
Parang kailan lang, pinangarap kong maging isang writer. Sumulat nang magagandang storya na papatok sa masa. Storyang magbibigay inspirasyon sa mga nagbabasa. Storyang lahat nang makakapagbasa ay makakarelate.
Hindi ako makapaniwala ngayon na yung pinangarap ko noon natupad ngayon. I've become a writer. I published lots of stories na. Hindi ko naman inakala na magtutuloy-tuloy na itong blessing na natatanggap ko.
Ngayon isang storya nanaman ang kakalat at maraming magbabasa. Sabik akong makita ang resulta nang mga nagawa ko hindi lamang sa Pinas kundi maging dito sa Paris.
Parang lumulutang ang mga paa ko sa oras na ito. Hindi ako makapaniwala na ang inaapakan ko ay parte na nang Paris.
Isa din itong pangarap para saakin. Pangarap na makapunta sa lugar kung saan tinatawag nang karamihan na City of love.
Which are each year millions of people come here to spend some romantic time. Find the perfect setting for them then go home delighted and spread the word. Paris keeps delivering its love.
Ako kaya? Kalian dadating yung romantikong lalaking para saakin? Hindi naman sa nagmamadali ako, pero hindi rin maiiwasang maging sabik ang isang tulad ko. Natural naman na makaramdam ako nang ganito hindi ba?
Napabuntong hininga na lamang ako sa mga sinabi ko sa sarili.
"Sana makilala ko na ang the one ko?" natatawa kong tanong sa sarili ko. Napailing-iling nalang ako.
---
Kasalukuyan na kaming naglalakad palabas nang airport. Sinabi rin ni Laz na may naghihintay daw saamin sa labas na magsusundo saamin.
Nang makarating naman kami sa labas nakita agad ni Laz iyong susundo. Pinagbuksan kami nang pinto nang kotseng ginamit. Pinauna ako ni boss at sunod nun ay siya. Ang sumundo saamin ang siyang naglagay nang mga dala naming bagahe sa likod nang kotse.
"Hey, Tommy did you reserved us a hotel? We're already in Paris."
May katawagan pala si Laz. Hindi ko napansin dahil nawiwili akong tumingin sa labas. Ang gaganda nang nakikita ko.
Hindi ganun ka tirik ang araw at maganda ang hatid nang simoy nang hangin. Banayad na humahaplos ito saakin balat. Nakabukas kasi ang bintana nang kotse.
"Le Bristol Paris? That hotel is expensive bro." nakasalubong na ang kilay nito habang nausap nito ang katawagan sa kabilang linya.
Pabalik balik ang tingin ko sa labas at kay Laz.
"Okay. Hindi na ako makikipag bangayan pa sayo. Bayad naman yan sa utang mo bro." natatawa naman nitong sabi sa katawagan. Kanina lang ay salubong ang kilay ngayon naman nakangiti na.I sighed.
Pagkatapos niyang makipag-usap sa kanyang katawagan. Kinausap niya ang driver na sa Le Bristol Paris daw dumiretso dahil nakapag reserved na doon.
Dahil ngayon ko lang narinig yung hotel naiyon. Sinearch ko pa sa google iyon. Napamangha ako sa ganda nang hotel. Napatakip pa ako nang bibig ko.
Grabe naman sa ganda hotel napag-stay-han namin. Malaki ang isang ukupadong kwarto. Meroon din sariling swimming pool na hindi ganun kalaki. Iyong tama lamang sa pang dalawahang tao. Nagscroll pa ako nang ibang picture at ipinakita ang loob nang cr.
"Wow! Ang ganda!" palihim na napakomento talaga ako.
Walang wala ang laki nang kwarto nito kesa sa kwarto ko. Kung sa picture maganda na paano pa kaya ito pag personal ko nang masisilayan?
BINABASA MO ANG
MFS1:TO FALL-COMPLETED✅ (AVAILABLE IN NOVELNOW)
RomanceW A R N I N G |16+| She's a writer and he's a pilot from Malta. They met in unexpected place and time, they treat each other as a stranger until they fell in love. Akala nila okay na ang relasyon nila dahil masaya at nakakaya ang mga pagsubok, un...