Chapter 38
AFTER MALAMAN ni Simon na buntis ako walang tigil ang saya niya dahil magiging ama na siya. Syempre natutuwa din naman ako dahil magiging ina narin ako.
Hindi narin namin inilihim sa mga magulang ko ang pagbubuntis ko. Tumawag kami sa kanila at ipinaalam. Noong una halos kabahan kaming nandito sa bahay dahil wala kaming nakuhang sagot mula sa kanila not until they scream to death, especially si Moma.
Hindi maipaliwanag ang kanilang mga reaksyon habang nakatingin sa screen, ang gulo nga sa kanila at halos hindi na makita nang maayos ang kanilang mukha dahil sa ingay. Si Karen na buntis rin ay halos mapatalon dahil sa sobrang tuwa.
Kaming nakatingin sa screen habang pinapanuod sila ay natatawa, ako ay naiiyak na kakatawa. Hindi ko ineexpect ang reaksyon nila. Akala ko talaga hindi sila natutuwa ayon pala halos magwala sila.
"Anu ba 'yan! Umayos nga kayo Moma! Iyak tawa na nagagawa ko dito dahil sa inyo." Sabi ko habang sa screen ang tingin. Si Simon na mismo ang nagpupunas nang luha ko.
"You're so emotional babe." Bulong nito sa tenga ko pagkatapos ay dinampian ako ng mabilisang halik sa pisngi.
"We're so happy lang anak. Huwag mo namang sirain ang moment na'to para saamin. Hindi lang isa ang magiging apo naming ng Dada mo. Naku! Excited na ako para sa inyong magkapatid. Sa wakas mahal!... tatawagin narin tayong lolo at lola ng mga apo natin." Niyakap ni Moma si Dada na ikinagusto naman nito. Mas lalo lang akong naluha kasi ang supportive nila masyado.
"Basta ang usapan natin anak." Si Dada. Tumango naman ako dahil alam ko na ang gusto niyang ipahiwatig. "Hindi ko na papatagalin pa na manatili ka dyan Eman. Humihingi ako nang pabor sayo na kung makakari dumito ka muna saamin?" napakagat labi ako sa pag-iisip, hindi ako sumagot.
Tumingin ako kay Simon, hinawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop iyon. Tinapik din ni Nay Lusing ang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya.
Ngiting pag-iintindi ang ipinakita niya saakin at sinabing. "Pumayag kana sa gusto nang Dada mo Manuela. Mas mabuting kasama mo sila dahil mas mababantayan ka doon. Huwag mong alalahanin ang maiiwan dito. Hindi sapat ang lakas ko sakalimang dito ikaw manganak." Aniya.
"Pero panu po kayo dito?"
"Sus! Kami'y huwag mo nang alalahanin dahil kasama ko naman ang apo ko. Ang sarili mo ang alalahanin mo Manuela hindi kami." Sabi nito saakin.
"Tama ang Nay Lusing, Eman. Mas mabuting dumito ka muna para maalagaan ka habang ipinagbubuntis mo ang apo namin. Gusto lang naman naming maalagaan ka katulad nang kapatid mo. Ayaw din namin na magkikilos pa si Nay Lusing dyaan dahil matanda na. " si Moma "Pumayag kana anak."
Hindi ko lang maiwasang malungkot dahil tumagal din ako nang ilang taon dito kasama sila Nay Lusing. Ayoko silang iwan, ngunit ayaw din ni Nay Lusing na umalis dito kung sakali mang isasama ko sila.
Pero para naman saakin ang pabor na gusto nang magulang ko at makakabenipisyo din iyon saakin dahil sila ang mag-aalaga saakin habang buntis ako. Kapag naipanganak ko ang anak ko, gusto kong dito kami titira, dahil nakikita ko ang kapayapaan dito, malayo sa ingay. Alam kong papaya din si Simon sa gusto ko.
Huminga ako nang malalim at tipid na ngumiti sa screen nakikita ko ang paghihintay nila sa sagot ko.
"Payag na po ako."
ONE WEEK after, lumuwas narin kami nang Maynila at nakakapanibago lang. Ingat na ingat si Simon saakin, halos lahat nang galaw ko nandun siya para alalayan ako, ang nakakatawa pa hindi pa naman ganun ka umbok ang tiyan ko. Minsan naiisip ko na oa na siya masyado. Ni hindi ko pa nga feel yung baby sa tiyan ko.
BINABASA MO ANG
MFS1:TO FALL-COMPLETED✅ (AVAILABLE IN NOVELNOW)
RomansaW A R N I N G |16+| She's a writer and he's a pilot from Malta. They met in unexpected place and time, they treat each other as a stranger until they fell in love. Akala nila okay na ang relasyon nila dahil masaya at nakakaya ang mga pagsubok, un...