|15|

212 24 7
                                    

Chapter 15


"TOTOO? " naitakip ko ang dalawang kamay sa aking magkabilaang tenga dahil sa sigaw ni Blessy.

"Sakit sa tenga nang sigaw mo." ani ko habang tinatakpan ko ang tenga.

"Ay sorry! Ikaw naman kasi nakakagulat ang bungad mo sakin!" sabi niya. Gumalaw ang gamit niyang camera kaya medyo nag blurd. Umiba siya ng posisyon, nakadapa ito sa kama niya.

Araw ng sabado ngayon kaya half day ang pasok namin sa trabaho. Kakatapos ko lang maligo. Nagsusuklay ako ng buhok nang maisipan kong mag-skype. Mabuti nalang din at open si blessy kaya nacontact ko siya agad.

Sinabi ko sa kanyang sinagot ko na si Simon. Ng yayain niya ako maging girlfriend niya. Magpapakipot pa ba ako? Syempre hindi na. Kung papatagalin ko pa baka may umagaw pa sakanya. Naninigurado lang.

"Hindi mo man lang pinatagal? Dapat nagpaligaw ka muna, paabutin mo nang isang taon. Haha! " napanguso naman ako sa sinabi niya.

"Baliw baka magsawa yun kakapanligaw saakin kong aabutin pa ng taon" sumakay sa biro niya.

"Asus. Kung magsasawa siya, ibig sabihin lang nu'n hindi talaga siya seryoso sayo. Ganun lang yun! "

"Ganun? " ani ko. Wala akong alam sa mga ganito lalo na ngayon lang ako nakaranas magkaboyfriend at sinagot ko agad. Hindi ko naman alam na kailangan pa palang magpaligaw at paabutin ng isang taon. Panu yun? Baka magsawa siya saakin.

"Oy Ran! Joke lang. Wag mong seryosohin 'yung sinabi ko. " pinandilatan ko naman siya. Mahilig talaga ito mambiro.

Matapos ang pag-uusap namin ni Blessy through skype. Inayos ko na ang mga dadalhin ko. Tinignan ko pa ang sarili ko sa salamin ng magawi ako doon. Okay naman ang suot ko. Black high-waist maong pants na pinarisan ng black na sapatos na ang tatak ay vans. Pang itaas ko naman ay black crop-top na pinatungan ng chekered long-sleeves polo na kulay pula. Not bad at all. Bumagay naman siya. Naka tirintas ang mahabang kong buhok.

Hindi tumagal lumabas din ako sa unit at tinahak ang elevator para makasakay. Naalala kong hindi pala ako maihahatid ni Simon dahil may aasikasuhin niya. Ayon sa sinabi niya. Hindi narin naman ako nagtanong pa.

------------

HABANG NASA loob nang kotse nagpatugtog ako. Nakakabagot kasi sa loob lalo na at medyo traffic. Pumili ako ng maganda-gandang tugtog. Napapaindak ako kahit nakaupo. Ang nasa play list kasi ay 'Love On Top' by Beyonce, tama namang kabisado ko ang chorus ng kanta kaya kapag nasa chorus na sinasabayan ko ito.

'Baby it's you.

You're the one I love.

You're the one I need.

You're the only one I see.

Come on baby it's you.

You're the one that gives your all.
You're the one I can always call.
When I need you Baby everything stops.
Finally you put my love on top'

Damang dama ko ang kinakanta. Napapapikit pa ako habang ang katawan ay kumikembot.

"Baby it's you! " turo sa labas. "You're the one I love~" kanta ko at kunwari yakap sa sarili, turo ulit sa labas "You're the one I need! You're the only one i see~" tikom ang isang kamay at ginamit na microphone pagkatapos inilapit sa bibig "Come on baby it's you~ AY PALAKA! " napahawak ako sa dibdib ko. Napatingin sa kalapit na kotse, nasa kanan ko siya.

Malakas na busina ng kotseng katapat ko ang umagaw ng attention ko. Tinignan ko ang nasa harap. Hindi naman umuusad bakit nagbubusina ito? Sinamaan ko ng tingin ang kung sino mang nasa loob ng kotseng iyon. Ibinaba ko ang bintana ng kotse.

MFS1:TO FALL-COMPLETED✅ (AVAILABLE IN NOVELNOW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon