|25|

115 16 5
                                    

Hola a todas, como estan? (Hello everyone!How are you?)  Pasensya na po kung ngayon lang ako nakapag-update. Tapos na po ang work ko and i'm free! Pwede na ulit makapag update. Pero hindi  ko maipapangakong lagi akong mag-uupdate. I hope na safe ang lahat. And enjoy reading!! Happy to be back!!


Chapter 25



SAKAY NG KOTSE ANG ginang ngunit my driver siyang kasama. Nakasunod naman ako sa kanila sakay ng kotse ko.


Dinala ako ng ginang sa isang mamahaling restaurant dito lamang sa makati. Dahil treat naman niya ang lunch namin, bakit pa ako mag-aabala hindi ba?  Kakapalan ko na ang mukha ko. Siya naman ang nag-aya,  bawal tanggihan ang grasya.

Nang maipark nito ang kotseng sakay siya. Itinabi ko naman ang kotse ko malapit sa kanila. Bumaba ako pagkatapos. Ganun din naman ang ginang at lumapit saakin.

"Let's go inside?" aniya na masigla ang tinig, ako naman tinanguan siya at nginitian siya. Walang pag-atubiling sumunod ako sa ginang na pumasok sa loob ng mamahaling restaurant.

I forgot to asked her name. Kanina kasi nagpakilala na ako sa kanya kaya alam niya ang pangalan ako. Ako naman ang hindi alam kung ano ang pangalan niya. Nakalimutan ko kasing itanong basta nalang din akong pumayag na sumama sa ginang. Tumikhim ako bago nagsalita.

"Umm. Ma'am i forgot to asked your name po? Hindi ko kasi naitanong sa inyo kanina. Pasensya na kung naitanong ko po ngayon." magalang kong saad habang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad at naghahanap ng bakanteng mauupuan.

"My name is Imelda hija. But you can call me tita." aniya pagkatapos umupo. Inilapag niya ang dalang bag sa isang bakanteng upuan na katabi niya. Samantala naupo naman ako sa kabilang upuan na kaharap niya.

Tanging wallet at maliit na shoulder bag lang ang dala ko dahil mamimili lang naman ako sa super market mamaya ng mga pagkain ko.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Tita agad ang itatawag ko?  Feeling ko tuloy nakakahiyang tawagin siya nun. Unang beses palang nga naming magkakilala. Pwede naman siyang tawaging Ms. Imelda.

"Hindi po ba nakakahiya iyon?" halos mautal kong tanong sa kanya. Iminuwestra niya ang kamay sa harap ko. Bilang pagsabing hindi. At tinapik ng mahina ang aking braso.

"Ano ka ba naman hija. Huwag kang mahiya. Ako lang to." pabiro niyang saad na ikinatawa naming pareho. "Anyway, let's order na para makakain. You know I'm hungry already ." aniya pagkatapos ay itinaas ang kamay.


"Thank you!" magiliw niyang saad ng ihatid ang inoder namin. Yumuko lamang ang waiter na naghatid at nilisan din kami.

Nginitian ako ni tita imelda ng magawi ang paningin niya saakin. Sinuklian ko rin siya ng matamis na ngiti. Nagsimula na kaming kumain. Lima na iba't ibang pagkain ang inorder niya. At pang-anim naman ang inorder ko na pagkain,  iyong gusto ko na carbonara.

"Masarap ang mga pagkain dito hija hindi ba?"  she asked while we were eating. I chew as I nod to her, agreeing to what she said, really. The dishes are good at hindi mo mapipintasan.  Kaya siguro dito niya ako dinala.

"And you like carbonara!" she said again.

"Hmm. I really like carbonara since I was a child po, tita. I always asked mom to cook for me. " walang paglagyan ang saya ko habang nagkukwento sa ginang. Proud akong ipinagluluto ako ni moma.

MFS1:TO FALL-COMPLETED✅ (AVAILABLE IN NOVELNOW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon