Episode 41

799 33 7
                                    

"Give us an intimate look Lucio!" sigaw ni madison kay Lucio.

Tinitigan ako ni Lucio sa aking mga mata.  Ang lagkit ng tingin na ito parang nakakatunaw!

"Kiss mo naman sa labi si Lucio, Gianna." utos sa akin ni Madison.

Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko kay Lucio at hinalikan ko ito ng madiin sa kanyang labi.

"Perfect!" sigaw ni Madison sa amin. , "Other position naman!"

Nakakapagod ngunit nakakatuwa ang ginawa namin ni Lucio na photoshoot.

Pinag bibikini ako ng photographer pero nag sabi si Lucio na sa ibang panahon nalang ang summer attire dahil wala naman ito sa usapan.

Lumipas ang oras at oras na para pumunta sa party.

Punuan ang bawat la mesa at lahat ng bisita ay may kanya-kanyang dalang regalo.

Magagarang damit at nag gagandang mga bisita mapa matanda man o bata.

Ilang segundo nalang panahon na para tawagin ako at si Lucio sa gitna para ipakilala sa lahat.

Dito na ba talaga mag babago ang buhay ko? Tatanggapin kaya nila ako bilang asawa ni Lucio o mamatain lang nila ako?

"Napaka lalim naman ng iniisip mo?" tanong ni Lucio sa akin.

"Huh? Hindi naman masyado,"

"Wag kang mag alala sa mga makikita at maririnig mo mamaya dahil hindi naman sila ang pinakasalan ko," habang hinihipo ni Lucio ang pisngi ko.

"I love you," malambing na sambit ko sa kanya.

Hinalikan ako sa labi ko ni Lucio kasabay ng pagtawag sa pangalan namin sa labas ng silid.

"Mr and Mrs Iglesias tinatawag na po kayo sa labas."

Hinawakan ni Lucio ang nanlalamig kong kamay at pagkatapos ay lumabas na kami sa kwarto.

Dahan-dahan kaming naglakad papunta sa session hall at hindi nga ako binigo ng instinct ko. Sobrang daming tao ang naririto. Pumasok na kami sa entrance ng session hall at lahat sila ay nag tayuan at nag palakpakan sa pag pasok namin.

Magaganda ang ngiti nila sa aming dalawa para bang tuwang-tuwa sila para sa aming dalawa ni Lucio ngunit habang iniikot ko ang tingin ko sa paligid ay napansin ko ang isang babae na nakatingin ng masama sa akin si Celine.

Nakataray ito sa akin at tila ba'y gusto akong bugbugin sa harap ng mga elite. Imbis na mag padala ako sa tingin niya ay ngumiti nalang ako sa kanya at inaasar siya sa paghawak ko ng mahigpit kay Lucio.

Habang papalapit kami ni Lucio sa stage ay nakita ko sa kabilang parte ng hall si Mayor Henry na nakangisi ito sa aming dalawa ni Lucio na mukang nang aasar.

Tumingin sa kanya si Lucio at ngumiti.

"Mabuhay ang bagong kasal!" sigaw ng babaeng host.

Pinaupo kami sa isang couch sa harapan.

Umupo kami ng ilang minuto at pagkatapos ay nagsalita na si Lucio sa harap.

Masayang-masaya siya na ipinakilala ako sa lahat.

"Good evening everyone. Me and my wife is very grateful na pinaunlakan nyo ang imbitasyon namin sa inyong lahat sana maging maganda din ang paikikitungo niyo sa minamahal kong si Gianna. Enjoy the party!" nakangiting sambit niya ang lahat.

"Music plsss!" sigaw ng babaeng host.

Umupo na si tabi ko si Lucio at inaya akong sumayaw sa gitna.

Probinsyana Series: Book 1- I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon