Episode 31

1K 33 9
                                    

Kinabukasan

Nagising akong wala sa tabi ko si Lucio.

"Lumipat na siguro siya ng kwarto niya kagabi." malungkot na sambit ko nalang sa sarili ko.

Tumayo na ako sa kama ko at nag unat ng katawan ko pagkatapos ay bumaba na ako sa kusina para mag luto ng agahan namin. Bumababa palang ako sa hagdan ngunit rinig na ang kalabugan sa kusina.

"Ang aga naman magising ni Manang?" tanong ko.

Dahan-dahan akong naglakad papasok sa kusina. Mag sasalita na sana ako ngunit nakita ko na ang nagluluto ng agahan ay Lucio. Bising-busy siya sa paghihiwa ng mga regado at karne para sa putaheng lulutuin niya. Lumapit ako sa kanya.

"Good Morning!" masayang sambit ko kay Lucio.

Akala ko isang ngiti ang matatanggap ko mula kay Lucio ngunit nagkamali pala ako sa iniisip ko. Nagalit siya at sinigawan ako.

"Bakit ka nandito? Alis! Umalis ka!" sigaw niya sa akin.

Nag madali akong umalis sa harap ni Lucio at umakyat sa kwarto ko. Sinara ko ng malakas ang pinto ng kwarto ko at agad akong nag lock ng pinto.

"Napaka kupal talaga netong si Lucifer! Kagabi ang landi-landi tapos ngayon ang gaspang na naman ng ugali! Nakakainis!" galit na sambit ko.

Sa sobrang inis ko ay naligo na ako sa kasilyas at nagbihis ng pangpasok.

Masyado pang maaga ang oras kaya umupo muna ako para patuyuin ang buhok ko. Naalala ko yung paper bag na pinakuha ni Lucio sa akin kaya kinuha ko ito at binuksan.

Pagbukas ko ng paper bag ay agad kong nakita ang cellphone ko na pinahiram ng company sa akin at isang box.

Binuksan ko ito at nakita ko ang pagkaganda-gandang cellphone.

"Omy! Totoo ba to?" gulat kong sambit habang nakangiti.

Binuksan ko yung cellphone na nakalagay sa box at pagbukas na pagbukas ko palang ay nakita ko ang litrato namin ni Lucio.

"Pa fall na naman tong si Lucio kupal tapos kapag ok na ulit yung mood ko mag susungit na naman tapos magagalit! Animal!" inis kong sambit.

Habang inaayos ko yung cellphone na binigay sa akin ni Lucio ay biglang kumalabog ang pinto ko. Binuksan ko ito at nakita ko si Lucio na may hawak na isang tray.

Pinaupo ako ni Lucio sa kama at doon ay hinaingan niya ako ng agahan.

"Ooh? Pagkatapos mo akong sigawan sa kusina kanina bigla kang mag dadala ng agahan ko!" inis kong sambit sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin at sinubuan ako ng pancake.

"Aahh," sambit niya sa akin habang isinusubo ang isang tinidor ng pancake.

Kinain ko ito at bigla akong naubo.

"Bakit?" malungkot niyang tanong sa akin.

"Ang alat!" sigaw ko sa kanya habang umiinom ng gatas.

Agad niyang kinuha yung tinidor at kumuha din ng kapiraso ng pancake.

Hindi niya pa masyadong nangunguya yung pancake ay idinura na niya ito.

Natawa ako sa reaksyon ng mukha niya.

"Ang cute!" nakangiting sambit ko.

Tumingin siya sa akin ng matalim.

"Ooh? Gusto mo ba turuan kita mag luto? Iodize salt ang nagamit instead of refined sugar." natatawa kong sambit sa kanya.

Sumimangot siya bigla sa akin kaya ang ginawa ko ay nagbihis muli ako ng pangbahay para samahan siyang magluto ng agahan namin.

Probinsyana Series: Book 1- I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon