Lumabas na ako sa kwarto ko at pinuntahan ko na agad si Manang Pasing.
"Manang, alis na po tayo," nakangiting sambit ko sa kanya.
"Hintayin mo na ako sa labas at kasama natin si Robert,"
"Ok sige po."
Umalis na ako sa silid ni Manang at tumungo na ako sa garahe para maunang sumakay sa kotse.
Habang nag hihintay ako sa garahe ay biglang lumabas si Celine.
"Alam mo Gianna bagay sayo maging muchacha. Tingnan mo naman ooh? Your face, your smell your attitude is trash!" pang aasar niya sa akin.
"Manong, Bakit amoy patay na daga? Naglinis po ba kayo ng kotse o sa labas yung amoy yun?" sambit ko kay Manang Robert.
"Kakalinis ko lang po ng kotse Ma'am Gianna,"
"Hindi Manong. Amoy patay na daga talaga," sambit ko ulit sa kanya. , "Aaah... Wait Manong?" sabay sara ng pinto ng kotse.
"Sabi sayo Ma'am hindi yung kotse yun,"
Binuksan ko muli yung pinto ng kotse at kinausap ko si Celine.
"Celine. Pumasok kana sa loob at ikaw lang pala ang nanlilimahid sa baho dito! Parang pagkatao mo? Madumi! Mang aagaw! Malandi!" sigaw ko sa kanya.
Hinagis ni Celine ang baso niya sa kotse at swerte ko dahil naisara ko agad ang pinto ng kotse.
Galit na galit si Celine sa sinabi ko at mas lalo siyang nagalit dahil hindi siya nakabawi sa akin.
Pinag hahagis ni Celine ang mga gamit sa garahe at kitang-kita ni Mang Robert ang ginagawa niya.
Muntik ng batuhin ni Celine ng lyabe ang bintana ng sasakyan ng biglang dumating si Lucio.
"Anong nangyayari dito!?" galit niyang sambit.
"Anong nangyayari? Tanungin mo sa magaling mong asawa!" galit na sambit ni Celine kay Lucio.
Medyo may pagkapatol din ako minsan.
"Ooh? Sayo na mismo lumabas. Ako ang asawa at kabit ka lang!" sigaw ko kay Celine.
Nang init ang ulo ni Celine kaya sinugod niya ako sa kotse.
Swerte pa din talaga ako at mabilis akong kumilos.
"Wag mong sasaktan ang asawa ko Celine! Nabuntis lang kita pero wala kang karapatang saktan ang asawa ko!" galit niyang sambit.
"Lucio! Ako naman ang nauna diba? Alam kong mahal mo pa din ako bakit pinoprotektahan mo ang basurang yan?" galit na sambit ni Celine.
"Hindi tama ang saktan mo siya. Pumasok kana nga sa trabaho! Wala ka pa namang 6 months para sa maternal leave mo!" galit niyang sambit kay Celine.
Napangisi ako sa sinabi ni Lucio.
"Ano na namang nangyari dito?" tanong ni Manang Pasing kay Lucio.
"Wala po," sabay alis niya.
"Alma! Alma! Alma!" galit na sigaw ni Manang.
Patakbong lumapit si Alma kay Manang.
"Ano pong kailangan niyo Manang?" tanong niya.
"Hindi mo ba nakikita? Ang kalat ooh! Naglinis ka ulit!" galit na sambit ni Manang kay Alma habang papasakay sa kotse.
Nakabusangot na kinuha ni Alma ang walis tingting at dustpan.
Sinimulan na ni Manong buksan ang engine ng kotse at dahan-dahan siyang nag backing palabas.
BINABASA MO ANG
Probinsyana Series: Book 1- I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL (COMPLETED)
RomansBlurb: Iniwan ko ang payak na pamumuhay sa aming munting baryo upang makapag aral sa isang nursing school sa maynila. Hindi naging madali ang pamumuhay ko dito sapagkat hindi ako sanay sa maingay at magulong mundo ng maynila. Hindi ko lubos maisi...