Maaga palang ng gumising ako.
Daily routine ko na ang maglinis ng bahay at magluto sa umaga.
"Hindi pa din gising si Ella?" sambit ko.
Pagkatapos na pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at ginamit ko yung lipstick na binigay sa akin ni Ella.
"Ang ganda!" nakangiting kong sambit habang nakatingin sa salamin.
Paalis na ako noon ng bigla kong naalala yung perang inutang ko kay Dimple. Dahan-dahan kong binuksan ang bag ko at nakita ko na wala na yung sobre ng pera ko. Hinalughog ko ang buong bag ko ngunit hindi ko makita yung sobre ko.
Kinakabahan na ako at naiiyak dahil yung perang natitira para sa pang araw-araw ko ay nawala nalang bigla. Humahagulgol na ako ng biglang bumaba si Ella sa hagdan napatingin ito sa akin at pagkatapos ay biglang inilihis ang tingin niya sa akin. Agad ko siyang nilapitan para tanungin sapagkat siya lang ang nakakita sa akin habang binibilang ko yung pera ko.
"Ella, Baka nakita mo yung sobre ko dito. Pang bayad ko kasi ng utang yung sa kaklase ko," malumanay kong sambit sa kanya.
"Hindi ko nakita," sambit niya.
"Sige na Ella baka nakita mo," pang mamakaawa ko sa kanya.
"Pinagbibintangan mo ba ako na kumuha ng pera mo?" galit na tanong niya sa akin.
"Hindi naman sa ganun. Kasi ikaw lang naman nakakaalam kung saan nakalagay yung pera ko at wala ng iba pa," sambit ko sa kanya.
"So ako nga ang pinagbibintangan mong nag nakaw ng pera mo?" galit na sambit niya sa akin.
"Wala akong sinabing ninakaw mo. Tinatanong ko lang kung nakita mo yung pera ko," paliwanag ko sa kanya.
"Hindi ko alam yung sinasabi mo! Ok ka na?"
"Saan galing yung mga pinamili mo kahapon? Bakit ang dami mong binili na gamit mo na bago? Bakit nag mall ka ng nasa ospital ang tatay mo?" tanong ko sa kanya.
"Tang ina! Ano bang pakelam mo sa pinamili ko? Ikaw na nga yung binigyan ng lipstick tapos ganyan ka pa umasta?" sigaw niya sa akin.
Habang nag uusap kami ni Ella ay biglang sumabat si Tiya Marites.
"Punyeta naman! Ang aga-aga nag babangayan kayong dalawa!" galit na sambit nito sa amin.
"Ito kasing si Gianna! Pinagbibintangan akong nag nakaw ng pera niya!" galit na sambit ni Ella.
"Totoo ba Gianna? Pinaparatangan mo yung anak ko? Ikaw na naninirahan dito? Ikaw na walang pera nanakawan ng anak ko?" galit na sambit ni Tiya sa akin.
"Hindi naman po sa ganun Tiya. Tinatanong ko lang po si Ella kung nakita niya yung sobre kong na may laman ng pera kasi siya lang po ang nakakita noon sa kwarto niya habang nagbibilang po ako," malumanay kong sambit kay Tiya.
"Kinuha mo ba yung pera ni Gianna? Ella?" tanong ni Tiya kay Ella.
"Hindi po Ma!" sambit nito habang umiiyak.
"Nako Gianna! Purong-puro na ako sayo huh! Bastos ka na ngang bata ka tapos sasabihan mo pang magnanakaw ang anak ko?" galit na sambit nito sa akin.
Hinila ako ni Tiya dala-dala ang bag ko sabay hagis nito sa labas.
"Wag ka ng babalik dito! Punyeta ka! Lumayas ka!" galit na sambit ni Tiya sa akin.
Binalibag ni Tiya ang pinto nila at agad na ni-lock. Pilit kong binubuksan ang pinto ngunit hindi ko mabuksan. Habang lumuluha ako ay kung ano-ano na naman ang sinasabi sa akin ni Tiya na masasama.
BINABASA MO ANG
Probinsyana Series: Book 1- I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL (COMPLETED)
RomanceBlurb: Iniwan ko ang payak na pamumuhay sa aming munting baryo upang makapag aral sa isang nursing school sa maynila. Hindi naging madali ang pamumuhay ko dito sapagkat hindi ako sanay sa maingay at magulong mundo ng maynila. Hindi ko lubos maisi...