Episode 26

948 35 7
                                    

Maaga pa ng nakapasok ako sa school at mag isa palang ako sa loob ng class room namin. 

Binuksan ko ang libro ko at nag basa ako para magkaroon ako ng panibagong kaalaman tungkol sa kurso ko. Habang nagbabasa ako ay unti-unti na ding nag dadatingan ang mga kaklase ko. 

Bigla nalang akong napangiti ng narinig ko ang boses ni Dimple.

"Mamsh!" sigaw ni Dimple sa akin

Lumingon ako agad sa lugar kung nasaan si Dimple.

"Huy! Na miss kita!" masaya kong sambit sa kanya.

"Kamusta ang buhay may asawa?" bulong niya sa akin.

"Hayy... Para lang akong boarders dun kasi hindi naman kami mag katabi sa pagtulog tsaka ano ka ba keme-keme lang yan kasi alam mo naman diba? Alak pa more!" natatawang sambit ko sa kanya.

Alam naman ni Dimple na biglaan ang kasal namin ni Lucio pero hindi niya alam na JOKE TIME lang ang lahat! As in palabas lang dahil gagampan lang akong asawa sa harap ni Celine para pag selosin siya.

"So? Ano ngang nangyari kagabi?" tanong sa akin ni Dimple.

"Well, Wala naman importanteng nangyari sa aming dalawa kagabi. Basta! Sa susunod doon ka matulog para may katabi ako huh,"

"Sige sa susunod kapag ok na ang lahat! Alam mo naman bagong kasal ang beshie ko syempre baka maudlot ang honeymoon dahil sa akin," natatawang sambit sa akin ni Dimple.

"Hayyy... Wala ngang honeymoon na mangyayari kulit mo!"

Habang nag kukwentuhan kami ni Dimple ay may naramdaman ako sa balikat ko. Bumigat ito at sa paglingon ko sa kanan ko ay nakita ko si Gabriel na nakasalabay sa akin. Tumingin sa akin si Dimple na para bang nakikipag usap sa mata.

"Bigat naman ng braso mo Gab!" sambit ko sa kanya habang tinatanggal ang kamay nito sa balikat ko.

"So? Tara sa library mamaya?" tanong niya sa akin.

"Sipag mo naman mag aral ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Syempre inspired ako kaya ganto. Ayaw mo ba na nakikita ako araw-araw?" malungkot na tanong niya sa akin.

"Hindi naman. Bahala ka sa buhay mo kung papasok ka o hindi pero wag muna ngayon kasi may ginagawa tayong study na dalawa,"

"Yes Ma'am! hindi kita bibiguin this time. Mag aaral ako ng mabuti para sayo,"

"Gawin mo 'to para sa sarili mo hindi para sa ibang tao,"

"Ayy basta! Sige na upo na ako sa upuan ko,"

Umalis na si Gab sa tabi ko at umupo na siya sa upuan niya.

"Wala ka bang napapansin kay Gab?" tanong sa akin ni Dimple.

"Paanong napapansin? Yung masipag na siya mag aral?" 

"Hindi! Piling ko may gusto sayo yang si Gabriel,"

"Nyieeh.. Tigilan mo na yan Dim. Gutom lang yan," natatawa kong sambit.

"Piling ko mag tatapat din sayo yan. Ano pustahan pa tayo? Treat mo ako ng dinner sa magandang kainan pag nanalo ako," 

"At talagang nag hahamon ka pa aah? Sure! Pero kapag wala siyang gusto sa akin doon ka sa bahay mag ii-stay ng dalawang araw! Call?" 

"Call!"

Ilang linggo ng walang regular classes dahil sa paparating na finals. Busy ang mga teacher sa mga exams at mga pa activities at kami namang mga istudyante ay busy sa pag gawa ng mga studies na pinapagawa nila sa amin.

Probinsyana Series: Book 1- I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon