Kinabukasan
Maaga akong gumising para tumulong magluto at maghain sa baba ngunit ng bumaba ako ay ni isa sa miyembro ng pamilya nila ang walang gising.
Tumingin ako sa relo nila na nakasabit sa sala.
"Alas syete na ng umaga medyo nalate na din ako ng gising dahil sa pagod ko sa biyahe pero mas malala pa pala sila sa akin." sambit ko nalang.
Bumalik na muna ako sa kwarto ko para ayusin ang mga gamit ko. Tirik na ang araw dito sa maynila ngunit mahimbing pa din ang tulog ng pinsan kong si Ella. Binuksan ko ang bintana at sa paghawi ko ng kurtina ay naglabasan ang mga alikabok na naipon sa bintana. Habang sinisilip ko ang labas ay hindi ko namalayan na pumapasok na pala ang liwanag sa kwarto.
"Ano bayan!" galit na sigaw ni Ella sa likod ko.
Nagulat ako sa sigaw niya at bigla kong nahugot yung kurtina niya kaya mas lalong pumasok ang liwanag sa kwarto.
"Ang aga-aga pa Gianna! Peste naman!" galit na sigaw niya habang tumatayo sa kama niya.
"Pasensya na." sambit ko.
Umunat ng katawan si Ella at padabog na umalis ng kwarto.
"Hindi man lang nag ayos ng pinagtulugan niya." mahina kong sambit.
Dahil sa wala na si Ella sa kwarto ay binuksan ko na ng tuluyan yung bintana at iginilid ang kurtina para masikatan ako ng araw.
"Haaah!" nakangiti kong unat sabay biglang bahing. , "Mukhang mahaba-habang linisan 'to mamaya. Napaka raming basura sa loob at kalat-kalat ang gamit niya."
Binaling ko muli ang atensyon ko sa gamit ko at kinuha ang kwaderno ko kung saan nakalagay lahat ng mga importanteng impormasyon ukol sa pag aaral ko.
Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang mga litrato nila Inay at Itay. Hindi ko napigilan na lumuha habang inaalala ang aking mga magulang.
"Kamusta kaya sila Inay at Itay?" malungkot kong sambit.
Habang hinahalughog ko ang gamit ko ay nakita ko na may nakaipit na papel sa bag ko. Liham ito ni Inay sa akin. Binasa ko ito hanggang sa mas lalong nabasa ang mukha ko ng luha. Wala pa akong isang araw dito sa maynila ay na miss ko na agad si sila.
Binuksan ko ang isang pahina ng aking kwaderno at nakita ko doon ang mga ginawa kong schedule para sa enrollment. Ilang araw nalang pala ang lilipas at mag eenrolment na. Masyado ng akong matanda para sa edad ng 1st year college pero naniniwala ako na hindi batayan ang edad sa pagpupursigi mo sa pag aaral.
Pagkatapos kong halughugin ang mga gamit ko ay bumaba na ako para tumulong sa baba. Nakita kong nakaupo si Ella sa harap ng telebisyon at masayang nanunuod ng TV. Umupo ako sa tabi niya para makinood ng palabas ngunit bigla niyang pinatay ang TV at umakyat muli sa kanyang kwarto. Wala naman akong ginawang masaya sa kanya ngunit bakit parang sobrang gaspang ng ugali niya sa akin. Habang nakaupo ako sa sala ay nakita kong pababa na din ng hagdan si Tiya Marites.
"Tiya Magandang umaga po!" masayang bati ko sa kanya.
"Kanina ka pa ba diyan?" tanong niya sa akin.
"Opo. Tiya may gagawin po ba tayo? Tulungan ko na po kayong mag luto ng umagahan," sambit ko sa kanya.
"Sige. Ikaw na ang magsaing. Marunong ka ba gumamit ng gas stove?" tanong ni Tiya sa akin.
"Hindi po. Kahoy lang po ang gamit namin sa bahay," sambit ko sa kanya.
"Sige ako na ang magbukas ng apoy para maituro ko sayo, Hugasan mo nalang muna yung mga plato sa lababo at pati na yung pag sasaingan natin,"
BINABASA MO ANG
Probinsyana Series: Book 1- I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL (COMPLETED)
RomanceBlurb: Iniwan ko ang payak na pamumuhay sa aming munting baryo upang makapag aral sa isang nursing school sa maynila. Hindi naging madali ang pamumuhay ko dito sapagkat hindi ako sanay sa maingay at magulong mundo ng maynila. Hindi ko lubos maisi...