Nasa kasarapan na ako ng tulog ko ng may bigla akong naramdaman na humawak sa hita ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko ang asawa ni Tiya na nakaupo sa tabi ko habang dinadahan ng akyat ng kamay sa hita ko. Napabalikwas ako bigla sa kinahihigaan ko ng bigla niya akong hinipuan sa maselang parte ng aking katawan.
"Wag po! Parang awa niyo na po wag nyo pong ituloy yung ginagawa niyo," pangmamakaawa ko sa asawa ni Tiya Marites.
"Ssshhh... Wag kang maingay baka magising ang Tiya mo. Sige ka mabugbog ka na naman nun," mahinang sambit niya sa akin.
Itinaklob ko ang kumot sa katawan ko at pinilit kong iiwas ang katawan ko sa kanya ngunit naging mapusok siya sa akin at bigla akong pinaghahalikan sa aking labi.
"Parang awa niyo na po! Wag po! Pakiusap!"
Patuloy na umaagos ang luha sa mga mata ko wala akong magawa kung hindi ang umiiyak dahil sa takot na mabugbog na naman ako ng Tiya at ang mas malala ay mapalayas ako sa kanilang tahanan. Ipinikit ko ang aking mata habang pinipilit niyang ipasok ang kanyang dila sa aking bibig at sa aking pag pikit ay naalala ko ang Itay kong matapang na pinagtatanggol ako sa mga gumagawa ng masama sa akin. Iminulat ko ang aking mata at sa pagmulat ko ay nakita ko siyang nakatitig sa akin habang hinahalikan ako. Lumingon ako sa gilid ko at nakakita ako ng isang kahoy doon agad ko itong tinampot at inihampas ko sa ulo ng asawa ni Tiya habang papalayo sa kanya. Biglang nahimatay ang asawa ni Tiya dahil sa lakas ng paghampas ko sa kanya. Hinila ko ang kanyang katawan sa bandang kusina at kumuha ako ng isang basong babasagin at nilagyan ko ito ng tubig. Itinago ko ang kahoy na ginamit kong pangpalo sa ulo ni Tiyo at inihagis ko ang baso na may tubig sa tabi ni Tiyo.
Sumigaw ako ng pagkalakas-lakas para magising si Tiya.
"Tiya! Tiya Marites!" sigaw ko ng malakas.
Muntikan ng malaglag si Tiya sa pagmamadaling bumaba dahil sa ingay na ginawa ko.
"Tiya! ang asawa niyo po bigla nalang nahimatay!" sambit ko sa kanya.
"Anong nangyari dito!" kinakabahang sambit niya sa akin.
"May narinig po kasi akong ingay dito sa kusina kaya agad akong tumakbo tapos po nakita ko si Tiyo na nakahiga na po diyan," paliwanag ko.
"Ella! Ella! Anak dalian mo! Ang tatay mo!" sambit niya habang nag papanic. , "Tumawag ka ng ambulansya sa Gianna! Dalian mo!"
Nagmadali akong umalis para humingi ng tulong sa labas. Hindi ko alam bakit nakangiti ako ng humihingi ako ng tulong.
"Buti nga sayo!" sambit ko sa sarili ko. , "Pasalamat ka ganyan lang nangyari sayo!" nakangiti kong sambit.
"Tulong! Tulong po!" sigaw ko sa labas ng bahay nila Tiya Marites.
Bukas pa ang tindahan nila aling Martha ng mga oras na ito kaya agad akong tumakbo sa kanila upang humingi ng tulong.
"Aling Martha!" sigaw ko.
"Ooh anong nangyari?" tanong niya sa akin.
"Tawag po kayo ng ambulansya nahimay po ang Tiyo," pakiusap ko sa kanya.
Agad na kinuha ni Aling Martha ang telepono nila at tumawag siya ng ambulansya.
Ilang minuto ang lumipas ay dumating na ang ambulansya. Naglabasan ang mga kapitbahay nila Tiya Marites upang makichismis sa ganapan sa bahay nila. Mabilis na umalis ang ambulansya kasama sina Tiya Marites at Ella.
"Ako lang ang naiiwan sa bahay." nakangiti kong sambit.
Pumasok na ako sa loob ng bahay nila Tiya. Agad kong nilock ang pinto at natulog na ako ng mahimbing.
BINABASA MO ANG
Probinsyana Series: Book 1- I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL (COMPLETED)
RomanceBlurb: Iniwan ko ang payak na pamumuhay sa aming munting baryo upang makapag aral sa isang nursing school sa maynila. Hindi naging madali ang pamumuhay ko dito sapagkat hindi ako sanay sa maingay at magulong mundo ng maynila. Hindi ko lubos maisi...