Episode 22

1K 30 5
                                    

Parang bigla akong naistatwa sa nakita ko sa labas ng pinto.

Nakasuot ito ng black suit at halata sa kanyang katawan na lagi siyang nag pupunta sa gym dahil kahit na nakatago ang katawan niya ay parang nakikita ko ang katawan niya sa loob dahil nakita ko ito kaninang umaga.

Nakatingin siya sa akin ng malagkit at hindi ko namalayan na titig na titig pala ako sa katawan niya. Nagulat akong bigla ng tinakpan niya ng kamay ang bandang ibaba niya kaya bigla akong napatingin sa kanya sa mukha. Nakataray ang mukha niya sa akin na para bang nakikipag usap ito.

"Ano pong ginagawa niyo dito?" tanong ni Dimple sa kanya.

"I want to talk to you, Gianna," sambit nito.

Hindi ko alam bakit parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko sa mga oras na ito. Kinakabahan ako na parang nanlalambot ang mga buto ko dahil sa kanya.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

Agad kong naalala yung mga singsing kaya kinuha ko ito tsaka ko binigay sa kanya.

"Pasensya na! Naiuwi ko yung mga singsing mo. Ibabalik ko na ito baka kasi makasuhan pa ako ng pagnananakaw," sambit ko sa kanya.

"I want you to live with me," seryosong sambit niya sa akin.

Bigla akong napalunok sa sinabi niya sa akin. Parang ayaw ko ng magising pa kung panaginip man ito.

"Go girl! Sumama kana sa asawa mo!" sambit ni Dimple habang nakangiti sa akin.

"Sorry! pero hindi ako pwedeng sumama sayo." pananaboy ko sa kanya.

Agad kong sinara ang pinto at nilock ito para hindi siya makapasok.

"I'll come back and pick you up!" sambit niya sa akin sabay alis.

Yung kaba sa dibdib ko nag triple! Malapit na akong aatakin sa puso! Parang anytime maidadala na ako sa ospital dahil sa nangyari. Hindi ko alam kung anong nangyayari ngayon pero natutuwa ako na kinakabahan.

Nakatitig lang ako sa pintuan ng ilang minuto hanggang sa tinapik ako ni Dimple.

"Sunod na!" kinikilig niyang sambit sa akin.

"Ano ka ba? Mas pipiliin kita over sa kanya noh!"

"Asawa mo yun! Siya ang may karapatan sayo,"

"Alam ko na ang mangyayari dito Dim. Kakausapin niya ako para sa annulment dahil sa kasal na nangyari," malungkot na sambit ko sa kanya.

"Ooh? Bakit malungkot ka pa diyan? Kung inaya ka niya ng annulment edi wag kang pumayag! Ano lang naman yung tumanggi ka diba?" 

"Kaso kasi hindi din tama yung kasal namin! Dapat sagrado ang kasal! Ang kasal ay para lang sa dalawang nag mamahalan hindi sa dalawang lasing!" 

"Urghhh! Siya na ang sagot sa pangarap mo Gianna!" sambit sa akin ni Dimple. , "Humingi ka ng pera kapalit ng annulment niyong dalawa!"

"Hoy! Alam kong malaki ang pangangailangan ko ng pera pero hindi naman sa gantong paraan Dim. Si Aeron nga tinanggihan ko tapos ito pang tao na to gagamitin ko sa pag angat ng estado ko sa buhay?" 

"Hayyy! Ang gwapo niya talaga lalo na kapag hindi siya nagsusungit!" nakangiting sambit ni Dimple.

"Aaahhh... Kanina kupal lang tawag mo sa kanya aah ngayon biglang naging ganyan ang pagtingin mo?" 

"Wala lang! People change!" natatawang sambit niya sa akin.

"Hala! Sige na kain na tayo!"

"Hindi na ako nagugutom! Nabusog na ako kanina." kinikilig na sambit ni Dimple sa akin.

Probinsyana Series: Book 1- I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon