Episode 17

996 28 6
                                    

Umuwi muna kami ni Dimple sa bahay para magpahinga at kumain ng hapunan.

Hanggang ngayon hindi pa din mawala-wala yung sinabi ni Ms. Veronica sa amin.

"Kamusta kaya magiging grado ko kay Ms. Veronica, Dim?" malungkot na tanong ko sa kanya.

"Wag mo ng alalahanin yun. May final exam pa naman malay mo mahatak niya yung midterm mo?" 

"Tapos groupings na naman? Tapos siya ang makapareha ko? Ooh diba? Kapag nangyari yun sobrang swerte ko na!" 

"Malay mo swertehin ka this final!" natatawang sambit ni Dimple sa akin.

"Minsan talaga hindi ko alam kung nag ke-care ka sa akin o nang aasar ka lang talaga eeh noh?" inis kong sambit.

"Cheer up girl! Mamaya hanggang sa screening mo ganyan mukha mo. Sige ka baka di ka matanggap sa work niyan,"

"Sige. Babawi nalang ako sa susunod. Magluto na ako ng pagkain para maka idlip pa tayong dalawa,"

Inayos ni Dimple ang mga gamit namin habang nagluluto ako ng hapunan namin. Iniayos ko yung dress na binili ni Inay sa akin noong sumali ako ng pageant sa baryo namin.

Simpleng dress lang naman ito may slit at open sa likod.

Lumipas ang ilang minuto ay tapos na akong makapagluto at nakaligo na si Dimple ng mga oras na ito.

"Kain na!" sigaw ko mula sa kusina.

Agad na lumapit si Dimple para kumain.

"Ganto. Tips ito sa bar aah. Kapag may dumating na costumer ngiti ka lang basta mong alalahanin kung may pipili ba sayo o wala kasi lahat naman tayo may client na pupuntahan sa loob. Pwede ka din irequest ng client kung gusto nila. Wala kang ibang gagawin sa loob kasama ang client kung hindi pag silbihan lang sila aah. NO TOUCH! NO KISS! basta walang hawak-hawak sayo kasi nasa rules yan once na makaramdam ka ng kabastusan sa client mo tawag ka kaagad sa cellphone na ibibigay sayo,"

"Aaah sige. Ano pang ginagawa mo doon bilang entertainer?"

"Bale kasi para lang talaga tayong waitress dito tayo ang nagdadala ng order nila at kapag may kailangan sila ay iaassist natin sila. Hindi naman to yung entertainer na gigilingan natin sila tapos mag lalap dance tayo. Pwede ka naman sumayaw sa loob kung gusto nila as long as na gusto mo,"

"Aaahh.. Sige hindi naman ako sasayaw kasi parehong kaliwa ang paa ko,"

"Malaki ang benefits natin dito. May night differential din tayo kasi sa gabi tayo nag wowork. May libreng phone ayan may magagamit ka pang selfie tapos may tip tayo na nakukuha sa client depende kung magkano yung tip na yun,"

"Magkano ang pinakamalaking tip na nakuha mo?" tanong ko sa kanya.

"Siguro sa isang araw nakaka sampung libo ako na tip. Aaahh ito pala mayayaman pala halos ang nag pupunta doon kaya yung suot natin pang shala-shala din pa dress ganun!"

"Wow! Saan mo dinadala pera mo?"

"Syempre sa tiyan ko!" natatawang sambit niya sa akin.

"Hindi ka nag papadala sa probinsya? Sa mga magulang mo?"

"Diba nga lumayas ako sa bahay? Yung pera ko nakatabi lang sa bangko gusto ko kasi bumili ng lupa malapit dito para pang business ko,"

"Wow! Business woman pala to,"

"Syempre mahirap na para sa future ko to."

Pagkatapos namin kumain ay nagligpit na si Dimple at ako naman ang naligo.

"Dim! May nagustuhan ka na ba? na lalaki?" tanong ko sa kanya habang naliligo.

"Ako? So far wala naman akong nagugustuhan na lalaki ngayon!" natatawang sambit nito.

Probinsyana Series: Book 1- I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon