Madilim na ang kapaligiran ng nakadating kami ni Gabriel sa bahay nila. Pagpasok na pagpasok mo palang sa bahay nila makikita mo na agad ang nag gagandahang litrato na nakasabit sa dingding nila.
"Ang ganda!" masayang sambit ko kay Gabriel.
"Kuha ng daddy ko yan," nakangiting sambit niya sa akin.
"Wow! Ang galing! Gusto ko din sana magkaroon ng ganyang kuha ng litrato kaso alam ko mahal yang ganyang diba?" tanong ko sa kanya.
"Gusto mo ako na kukuha sayo?"
"Photographer Papa mo?" tanong ko sa kanya.
"Dati. Oo pero ngayon cameraman na siya,"
"Ang galing naman! Edi nakakakita siya ng mga artista o mga model?"
"Oo pero hindi na siya ganun ka active sa photography dahil sa kupal niyan boss!" galit na sambit ni Gabriel sa akin
"Sinong Boss niya?"
"Si...," putol na sambit niya sa akin.
Habang nag uusap kami ni Gabriel ay biglang dumating ang Mama niya. Masaya itong bumati sa akin.
"Hello? You must be Gianna? Matagal na kitang gustong makilala," sambit ng Mama ni Gab habang binebeso ako.
"Ma!" sigaw ni Gab sa Mama niya. , "Leave us alone!"
"I'll make dinner for us!" nakangiting sambit niya sa amin sabay alis.
Umalis na ang Mama ni Gabriel at tumungo na ito sa kusina para mag handa ng gabihan.
"Dito kana mag dinner huh? Ok lang naman siguro sayo?" tanong sa akin ni Gab.
"Sure!"
Inaya na ako ni Gab na pumunta sa sala para doon tapusin ang study namin.
Nag babasa ako ng libro ng mga oras na ito ng biglang tumunog ang cellphone ni Gabriel.
"Sagutin mo na yan tawag sayo, Ok lang naman sa akin kasi patapos na tayong dalawa," nakangiting sambit ko sa kanya.
"Hayaan mo na to. Wala namang kwenta yung tumatawag sa akin,"
"Ok! I-silent mo nalang para hindi ka maabala sa ginagawa mo."
Pagkatapos kong magbasa ay lumapit ako sa tabi ni Gabriel para tingnan ang tinatype niya sa laptop niya. Binasa ko ito at maganda naman ang nakasaad sa ginagawa niya.
"Nice! Ang ganda ng explanations! Malapit kana ba matapos diyan?"
"Malapit na to! kunting kembot nalang at ipi-print ko na,"
"Goods yan para makatapos na tayong dalawa."
Tumingin sa akin si Gabriel sobrang talim ng tingin niya sa akin. Kinabahan ako ng bahagya sa tingin na yun dahil ganyan tumingin si Lucio sa akin.
"Makatingin ka girl?" asar ko sa kanya.
Hindi sumagot si Gabriel sa sinabi ko at patuloy pa rin ang titig niya sa akin. Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya dahil iba na ang nararamdaman ko parang may something na hindi ko alam. Akong mag expect sa isang bagay kasi mamaya masabihan akong assumera o pilingera. Nagulat ako bigla sa ginawa ni Gabriel sa akin dahil bigla niyang hinawi ang buhok sa mukha ko at iniayos ito. Tinanggal niya ang sumbrero ko at inayos ang buhok ko tsaka balik niya muli ng sombrero ko. Hindi ko alam kung bakit pinanghilutan ko siya na hawakan ako sa buhok.
Nag iba ang titig sa akin ni Gabriel. Lumagkit ito! Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko dahil sa paghawak niya sa mukha ko ramdam ko na papalapit siya sa akin kaya bigla kong iniwas ang katawan ko sa kanya at tumayo nalang ako sa kinauupuan ko at lumayo sa kanya.
BINABASA MO ANG
Probinsyana Series: Book 1- I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL (COMPLETED)
RomanceBlurb: Iniwan ko ang payak na pamumuhay sa aming munting baryo upang makapag aral sa isang nursing school sa maynila. Hindi naging madali ang pamumuhay ko dito sapagkat hindi ako sanay sa maingay at magulong mundo ng maynila. Hindi ko lubos maisi...