Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong nakatayo si Celine kaya tinuloy ko na ang pag alis sa loob at iniwan ko na ng tuluyan si Lucio na mag isa.
Nag dadalawang isip ako kung iiwan ko na ba siyang mag isa doon kahit na nakita kong nasa labas ng kwarto namin si Celine.
"Babalikan ko pa ba si Lucio o didiretsyo na ako sa session hall?" tanong ko sa sarili ko.
Habang nag mumuni-muni ako ay naalala ko si Celine. Hindi ako mapalagay kapag nandyan yang babae na yan lalo pa't alam kong may feelings pa si Lucio sa kanya kahit na mag asawa na kaming dalawa.
Diba nga girl! Gusto pa ni Lucio na pag selosin si Celine?
Nagmadali akong bumalik sa silid namin ni Lucio at nakita ko si Celine na nakatabi kay Lucio.
"Love!" sigaw ko sa kanya.
Agad kong hinila palabas ng kwarto si Lucio at isinama sa session hall.
"Love, lumalandi ka na naman ba? Akala ko ba ako lang lalandiin mo?" inis kong sambit kay Lucio.
"Tumabi lang naman siya sa akin," sambit niya habang nakangiti sa akin.
Hinawakan ko ng mahigpit si Lucio at bumalik na kaming dalawa sa session hall.
Naging maganda ang takbo ng gabing ito. Tinanggap ako ng mga kaibigan at mga kasosyo ni Lucio sa kumpanya. Walang nangmata sa akin ni isa man!
Habang nag uusap kami ni Lucio sa harap ay may lumapit sa aming isang matandang lalaki.
"This is our gift for the both of you. Sana magustuhan nyo!" nakangiting sambit niya sa amin.
Binuksan ko ito at nakita ko ang isang napakaliit na box.
"Wala na kaming maisip ni Olivia kaya yan nalang ang naisip namin," sambit niya habang nakangiti. ," Go ahead! Open it!"
Binuksan ko ang maliit na box na ito at nakita ko ang isang napakaliit diamond pendant.
"Isn't it too much Sir?" tanong ko sa kanya.
"Don't call me Sir, Gianna. You can call me Tito,"
"Thank you Tito," nakangiting sambit ko sa kanya.
"So paano! Hintayin nalang namin ang apo namin ni Tita Olivia mo, Lucio. Be a good husband to your wife. We go ahead at may business trip pa kami sa Canada tomorrow," habang tapik-tapik ang balikat ni Lucio.
"Thanks Don!" sambit ni Lucio sa kanya.
Umalis na ang matandang lalaki at pinatabi ni Lucio sa akin ang diamond pendant na binigay ng tiyohin niya.
"Sana all may ganyang kagalante na Tiyohin! Anong gagawin natin sa gantong pendant? Nakakatakot suotin nito sa labas ng bahay baka manakaw,"
"Ano kaba hindi ka naman sa squatter nakatira kaya hindi nakakatakot gamitin yan,"
"Ooh! Ikaw na mag tago niyan mamaya mawala ko pa,"
"Wala ka bang tiwala sa sarili mo? Para lang yan eeh," natatawang sambit sa akin ni Lucio.
Habang nag tatalo kami ni Lucio kung sino mag tatago ng pendant ay may lumapit naman sa aming hindi katandaan na lalaki at babae.
"Cousin! Your wife is really beautiful I hope we can get along?" sambit ng babae sa akin.
"Sure! Sana makasama ko kayo next time para magkabonding tayo," nakangiting sambit ko sa kanya.
"Sure. Don't worry hindi kami masasamang tao na pakelamera sa lovelife ng mga kamag anak namin," sambit niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Probinsyana Series: Book 1- I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL (COMPLETED)
RomanceBlurb: Iniwan ko ang payak na pamumuhay sa aming munting baryo upang makapag aral sa isang nursing school sa maynila. Hindi naging madali ang pamumuhay ko dito sapagkat hindi ako sanay sa maingay at magulong mundo ng maynila. Hindi ko lubos maisi...