Nasa kalagitnaan kami ng tawag ng laman ni Lucio ng mga oras na ito. Nawala na kami bigla sa sarili namin kaya napasarap kami sa paglalaban namin. Inihiga ni Lucio ang upuan ng kotse niya at dahan-dahan niya akong inilipat sa kanyang pwesto. Wala akong ginawa kung hindi magparaya sa kanya. Yung nangyayari sa aming ngayon ay kagustuhan namin dalawa. Habang niyayapos niya ako at hinahalikan sa leeg ko ay hindi niya namalayan na naitaas niya ang kanyang paa sa manubela.
Patuloy kami sa ginagawa namin ng biglang tumunog ang busina ng sasakyan na pagkalakas-lakas. Nagulat ako at si Lucio kaya bigla niya akong naihagis sa likod.
"Aww!" sambit ko habang hipo-hipo ang ulo ko.
Agad akong tinulungan ni Lucio na makaupo sa upuan at bigla naming inaayos ang mga sarili namin.
"Sayang!" sambit ko bigla.
Tumingin sa akin si Lucio habang punas-punas ang kanyang pawis.
"Sayang yung ice cream hindi ko naubos," nakangiting sambit ko kay Lucio.
"Gusto mo bilhan kita ulit?" sambit niya sa akin sabay titig.
Ngumiti ako sa kanya.
"Ok na ako dun! Thank you sa ice cream." nakangiting sambit ko sa kanya.
Nakatingin lang sa akin si Lucio ng ilang minuto hanggang sa binuksan na niya ang engine ng kotse niya at umalis na kami papunta sa opisina niya.
Hindi mawala sa mukha ko ang kilig at ngiti dahil sa nangyari.
Habang papunta kami sa opisina niya ay napansin kong may nakakalat pang lipstick sa palibot ng labi niya.
"Hindi mo napunasan yung labi mo Lucifer baka mahuli tayo," sabi ko sa kanya habang pinupunasan ang labi niya.
"Salamat." sambit niya sa akin sabagay ngiti.
Pagkalipas ng ilang minuto ay natahak na din namin ang kanyang opisina. Pumunta kami sa parking area para mag park ng sasakyan.
Pumasok kami sa elevator na dalawa papunta sa floor ng kanyang opisina.
Medyo may katagal ang elevator na ito dahil madaming palapag ang building.
Sa gilid ako nakapwesto at nasa kabilang gilid naman si Lucio. Pag open na pag open ng pinto ng elevator ay may nakita akong babaeng napaka ganda na pasakay sa elevator na bababaan namin.
Damit palang niya pang mayaman na at ganda niya talaga para akong natitibo sa kagandahan niya.
Nagulat ako ng bigla akong hinawakan ni Lucio sa kamay ko.
"Let's go Hon." sambit niya sa akin habang pinipisil-pisil ang kamay ko.
Lumabas kami ng elevator na magkahawak ng kamay sabay pasok ng babae sa loob nito. Nakatingin lang yung babae sa amin ni walang ekspesyon ang mukha nito.
Pumasok kami ni Lucio sa opisina niya na magkahawak ang kamay. Pag pasok namin sa loob ay nakita ko naman ang isang babae na nakaupo sa upuan ni Lucio.
"Nandyan ka na pala Lucio!" sigaw nito.
Hawak pa rin ni Lucio ang mga kamay ko ng mga oras na ito kaya hindi na namin naitago pa sa kanya.
"Aha! Girlfriend mo?" tanong nito kay Lucio.
Hindi siya pinansin ni Lucio at pinaupo ako sa couch.
Lumapit sa akin yung babae.
"Huy! Naaalala kita. Ikaw yung babae nung isang araw!" nakangiting sambit niya sa akin.
Napatitig ako sa kanya sabay ngiti pabalik.
BINABASA MO ANG
Probinsyana Series: Book 1- I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL (COMPLETED)
RomantizmBlurb: Iniwan ko ang payak na pamumuhay sa aming munting baryo upang makapag aral sa isang nursing school sa maynila. Hindi naging madali ang pamumuhay ko dito sapagkat hindi ako sanay sa maingay at magulong mundo ng maynila. Hindi ko lubos maisi...