Lumipas ang mga araw.
Mag ki-chrismas eve na.
"Happy birthday Love!" bati ko kay Lucio.
"Bukas pa Love. Wag excited masyado,"
"Syempre babatiin na kita ng advance para ako ang unang bumati sayo," sambit ko sa kanya sabay halik sa labi nito.
"May regalo ba ako?" tanong ni Lucio sa akin.
"Syempre naman. Pwede bang wala akong regalo sa asawa ko? Kahit na may problema tayo ngayon hinding-hindi ako magbabago sayo. Basta easyhan mo lang ang kalandian mo aah?" nakangiti kong sambit sa kanya.
"Oo naman! Easy lang naman ako sa pag landi. Mamaya nandito na ang mga bisita mag suot ka ng maayos aah at ipapakilala kita ulit sa kanila. Nandito din mamaya si Dimple at ang lahat ng model at production namin. First time kong ginawa 'to kaya sana maging successful,"
"Magiging ok ang lahat mamaya. Enjoy ka mamaya at sobrang daming tao wag kang masyadong iinom para lahat sila ma-entertain mo,"
"Yes po. Thank you for cheering me up and supporting me inspite of everything your still here. Sana wag mo akong iiwan Gianna because I might loose my mind without you,"
"Sige na. Magpahinga kana muna at aasikasuhin ko ang catering mo para mamaya,"
"Thank you so much love!"
Tinalikuran ko na si Lucio para asikasuhin ang catering niya.
Parang tinusok ng karayom yung puso ko sa sinabi ni Lucio. I'm planning to leave him for good pero nag dadalawang isip na ako.
"I love you Lucio! I wish marinig ko na din ang I love you Gianna mula sa bibig mo yan lang naman hinihintay ko sayo pero hanggang ngayon wala pa rin. Kapag sinabi mo sa akin mamaya I love you hindi ako aalis pero kapag hindi. Basta hindi ko na alam." sambit ko sa sarili ko.
We rented a house resort na nakakapag occupy ng hundreds of people. Sobrang crowded ng place na 'to mamaya dahil nadagdagan ng employees ang list ng invited sa party.
This will be a wild night kasi pool party so malamang ang mga girls mamaya naka swimsuit.
Kinabahan ako bigla sa naalala ko.
"Nako. Mag hahawaiian dress lang ako kasi mahahalata na nila ang baby bump ko." sambit ko.
Naglakad-lakad ako sa pool area ng bigla kong nakita si Dimple na kababa lang sa kotse.
"Dimple!" sigaw ko dito.
Agad na tumingin si Dimple sa lugar kung nasaan ako at kumaway.
"Mamsh!" Sigaw niya habang papalapit sa akin.
"Kamusta ang trabaho bilang model?" nakangiti kong sambit sa kanya.
"Ok naman. Ikaw kamusta ka? Nakaabot sa akin yung balita," Malungkot niyang sambit.
"Balita na?"
"Nasa puder niyo si Celine at buntis siya. Anong nangyari sa pagbubuntis mo? Akala ko ba may baby?" tanong niya sa akin.
"Ayun ang kagustuhan ni Lucio kaya wala akong nagawa. Ok naman ako at ang baby ko,"
"The fuck! Buntis ka nga? Bakit ang balita namin hindi ka daw buntis kaya kinonfirm ko na sayo,"
"Well mahabang kwento pero pinag tulungan ako ng doctor at si Celine sa ultrasound ko. Wala silang alam na buntis ako kaya sekreto lang natin ito huh,"
"Sige. Makakaasa ka sa akin baka ako na 'to,"
"Oo sige. Paano pahinga kana muna sa room nyo para mamaya makakalaban ka ng inuman sa kanila,"
BINABASA MO ANG
Probinsyana Series: Book 1- I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL (COMPLETED)
RomantizmBlurb: Iniwan ko ang payak na pamumuhay sa aming munting baryo upang makapag aral sa isang nursing school sa maynila. Hindi naging madali ang pamumuhay ko dito sapagkat hindi ako sanay sa maingay at magulong mundo ng maynila. Hindi ko lubos maisi...