Patong-patong na ang nararamdaman ko ngayon.
Lungkot-Takot-Saya-Hiya pero ang malala LOVE.
Natatabunan na ng pagmamahal ang mga emosyon na ito sa akin. Kung pwede lang ipagsigawan sa buong mundo na asawa ako ni Lucio Javier Iglesias! Bakit hindi?
"Tulala ka na naman!" galit na sambit ni Dimple sa akin.
"Dim!" malungkot kong sambit sa kanya.
"Ano yun?"
Huminto ang tricycle at bumaba na kami ni Dimple para pumasok sa bahay niya.
"Mahal ko na ata si Lucio?" bigla kong nasambit.
Huminto sa paglalakad si Dimple at nakakunot na nakatingin sa akin.
"No!" galit niyang sambit sa akin habang hila-hila ako papasok sa bahay niya.
Binuksan niya ang pinto at pumasok kami sa loob. Agad niyang sinara ang pinto at ni-lock ito. Pinaupo niya ako sa upuan at kinausap ng masinsinan.
"Alam mo ba yang sinasabi mo?" seryosong tanong niya sa akin.
"Oo alam ko! At seryoso ako sa nararamdaman ko,"
"Sigurado ka ba diyan? Kilalang tao si Lucio, Gianna. Sigurado ka ba na walang mayayaman, magaganda at matatalinong babae ang pumapalibot sa kanya? Paano kung rebound ka lang niya? Paano kung pinag titripan ka lang niya? Or worst trip ka lang niyang pakasalan tapos kapag na fall ka sa kanya ikaw ang kawawa at siya marami siyang pamalit kapag nawala ka na,"
"Alam ko naman na ginagamit lang ako ni Lucio para pagselosin si Celine. Oo usapan namin yan at ito na ang bago kong trabaho ngayon. Pagseselosin namin si Celine ng sobra para bumalik siya kay Lucio. Sa una madali lang para sa akin pero noong nakikilala ko na si Lucio ng maayos ay nag iiba na ang simoy ng hangin. Hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya dahil nasa kasulatan namin ito pero sino ba namang hindi ma po-fall sa pagiging caring at protective niyang tao? Siya ang may gawa sa galos ni Gabriel sa mukha at siya malamang ang dahilan kung bakit lilipad pa canada si Gab. Siya lahat! Dimple, Ano na ngang gagawin ko ngayon? Ipapakilala na ako ni Lucio sa mga kaibigan at kasosyo niya sa business,"
"Bahala ka! Ginusto mo yan diba? May pa annul-annul ka pa noong una pero ngayon parang gusto mo na sa tabi ni Lucio! Hindi naman ako ang masasaktan kapag sobrang lubog kana at lango kana sa kalokohan niya. Ikaw naman yan at hindi ako! Kapag medyo magulo na ang sitwasyon bukas ang bahay ko para sayo. Dito ka nalang ulit sa akin,"
"Kapag sobrang bigat na aalis na ako doon pero hangga't kaya ko pang mag tago at magkunwari doon muna ako sa kanya. Tatapusin ko lang ang trabaho ko sa kanya tapos babalik na ako sayo ok ba? Pipilitin ko at isasantabi ko na muna ang nararamdaman ko ngayon para sa kanya kailangan ko ng pera para maipadala sa probinsya,"
"Haayyy... Ang gulo ng pinasok mo! Sa susunod kalkal na kalkal na ang buhay mo. Sino ba yang nagkuha ng litrato niyo?" inis na tanong ni Dimple sa akin.
"Hindi ko alam baka paparazzi ni Lucio. Diba alam mo naman CEO yan at kilala sa buong bansa kaya ganun nalang siguro ang mga mata na nakatingin sa kanya. Naghahanap din siguro ng butas yung mga yun para ipanglaban sa kanya."
Habang nag kukwentuhan kami ni Dimple ay binuksan niya ang cellphone niya at nakita niya ang isang video clip na interview ni Lucio doon.
Napanganga si Dimple sa narinig niya kaya agad niya akong pinalapit sa kanya.
"Tingnan mo ginagawa ng asawa mo."
[Isang kilalang bachelor na si Lucio Javier Iglesias KASAL NA! tutok lang sa aming chika para updated kayo sa showbiz new!]
BINABASA MO ANG
Probinsyana Series: Book 1- I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL (COMPLETED)
RomanceBlurb: Iniwan ko ang payak na pamumuhay sa aming munting baryo upang makapag aral sa isang nursing school sa maynila. Hindi naging madali ang pamumuhay ko dito sapagkat hindi ako sanay sa maingay at magulong mundo ng maynila. Hindi ko lubos maisi...