"Good Morning class!" sambit ni Bb. Veronica.
"Good Morning Ms. Veronica." sambit naming lahat.
Pinaupo niya kami sa upuan at agad siyang nag roll call sa attendance at pagkatapos ay pinag group na kami.
"This will be your midterm exam," habang abot-abot ang kapirasong papel sa amin. , "Igu-group ko kayo sa apat para magtulungan kayo. Jacob Sarmiento, Gianna Blair Morales, Dimple Santos at Gabriel Mores kayo ang magkakagrupo."
Napangiti ako sa mga kagrupo ko sabay hawak sa kamay ni Dimple. Lumingon din si Jacob sa amin sabay ngiti at tumingin ako kay Gab at tinawag ito ngunit hindi siya lumingon sa akin.
"Ok! Class dismiss. Pag usapan nyo kung paano nyo gagawin yung case study na binigay ko." sambit ni Ms. Veronica sabay labas ng silid namin.
Nag grupo-grupo na agad kaming lahat at kanya-kanyang sibat sa klase.
Pumunta kami ng mga kagrupo ko sa canteen para doon mag usap-usap ng gagawin namin.
Buhat-buhat ni Jacob yung malaking bear at buhat naman ni Gab yung mga pagkain na dala ko.
Sa canteen.
Habang nag uusap kami nina Jacob, Dimple at Gab ay may lumapit sa aking mga istudyante.
"Ang gwapo ng boyfriend mo! Model ba yun?" tanong nila sa akin.
"Oo nag momodel yun pero di ko na boyfriend yun. Ex ko," sambit ko sa kanila.
"Aaahh... Sana all nahahalikan ang gwapong EX!" sambit ng isang babae.
Umalis na sila at nagpatuloy na kami sa pag uusap naming apat.
"Kainin na natin yung mga pagkain habang nag uusap tayong apat," sambit ko sa kanila.
"Mamsh! Maganda pala maging ka-grupo mo noh?" nakangiting sambit ni Jacob sa akin.
"Akala mo lang. Sige na hatiin nyo na yung cake mukang lusaw na ata,"
Kumuha ng plato si Dimple at tinidor para sa aming apat at kinain na namin yung dalang pagkain ni Aeron para sa akin.
"Ang sarap nung cake Mamsh! Mouth-watering!" masayang sambit sa akin ni Jacob.
"So ano na ngang topic natin na related sa theme na binigay ni Ms. Veronica?" tanong ni Dimple sa amin.
"Diba biology subject to? So meaning related sa human body? What if pag usapan nalang natin sa study ay yung ari ng babae at lalaki?" sambit ni Jacob sa amin.
"Ang bastos neto ni bakla ooh. Ang daming pwedeng i-topic bakit yun pa?" sambit ko kay Jacob.
"Magandang idea!" nakangiting sambit ni Dimple sa amin.
"Yay! At talagang nagsama pa talaga kayo? Anong itotopic niyo dun?" tanong ko sa kanila.
"Siguro mas maganda kung mag focus nalang tayo sa female reproductive? Kung paano ang development ng baby sa sinapupunan ng babae o kung paano nagkakaroon ng mga problema ang mga babae sa kanilang katawan?" singit ni Gab.
Nagkatinginan kaming lahat sa kanya.
"Baby! Ang ganda ng topic na naisip mo! Gusto mo ba subukan nating gumawa ng baby natin?" panglalandi ni Jacob kay Gab.
Lumapit si Jacob kay Gab at tumabi sa pwesto nito sabay yakap.
"Baby! Make me wet!" pang aasar niya.
Umiwas ng katawan si Gab kay Jacob at tumayo sa upuan niya.
"Huy! Tumigil ka o sasapakin kita?" galit na tanong ni Gab kay Jacob.
BINABASA MO ANG
Probinsyana Series: Book 1- I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL (COMPLETED)
RomanceBlurb: Iniwan ko ang payak na pamumuhay sa aming munting baryo upang makapag aral sa isang nursing school sa maynila. Hindi naging madali ang pamumuhay ko dito sapagkat hindi ako sanay sa maingay at magulong mundo ng maynila. Hindi ko lubos maisi...