Itatago ko ang pag bubuntis ko para na rin sa kaligtasan ng anak ko.
Iiwasan ko muna si Celine dahil nakakatakot siya.
Nakahiga ako sa kama ko para mag pahinga ng biglang may kumatok sa pinto.
"Ano ba yan! Bakit kasi kakatok-katok pa eeh!" inis kong sambit.
Iritable akong tumayo sa kama ko at binuksan ang pinto.
Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Alma na may dala-dalang pagkain.
"Ano yan?" tanong ko sa kanya.
"Alam kong napagod ka sa biyahe mo kanina kaya tinimplahan kita ng gatas mo,"
"Ayy nako baka may lason lang yan Alma ayoko. Itapon mo na yan!" sigaw ko sa kanya.
"Wala tong halong lason o ano man. Ginawa ko talaga 'to para sayo,"
"Ibigay mo nalang yan sa buntis sa kabila. Mas kailangan nya yan,"
"Haaayyy." bugtong hininga ni Alma sabay alis sa harap ko.
Habang papalayo si Alma sa akin ay biglang kumulo ang tiyan ko.
"Gutom kana ba?" tanong ko sabay himas sa tiyan ko.
Bumaba ako sa hagdan at dumiretso ako sa kusina.
"Parang gusto ko ng tinolang manok," sambit ko.
Pumunta ako sa silid ni Manang para humingi ng tulong.
"Hello Manang! Pwede nyo po ba ako tulungan magluto ng tinola?" tanong ko sa kanya.
"Oo naman. Una kana doon at tapusin ko lang tiklupin itong mga damit na nilabhan ko,"
"Sige po."
Umalis na ako sa silid ni Manang at bumalik na ako sa kusina para magluto ng tinolang manok.
Kinuha ko ang manok sa freezer at ang mga gulay naman sa chiller.
Hiniwa ko ang mga rekado at sinimulan ko ng igisa ang rekado at manok.
Habang nag gigisa ako ng rekado ay bigla akong naduwal.
"Anong nangyayari sayo anak?" alalang tanong sa akin ni Manang.
"Ayy wala po ito Manang. Gawa siguro ng pills na iniinom ko,"
"Aah... Mag iingat ka anak aah. Bale ano palang nangyari sa inyo kahapon?"
"Nino po?"
"Si Celine. Bakit nandito na yan nakatira?"
"Buntis daw po at si Lucio ang ama,"
"Eeh? Asan ka ngayon natutulog? Bakit pumapayag ka na nandito yan?"
"Wala akong choice Manang. Wala tayong laban sa first love. Bahala sila kung anong gusto nilang gawin!" inis kong sambit.
"Nako. Ikaw na ang Mahal ngayon hayaan mo at pag sasabihan ko si Lucio nako! Kay tigas na bata to!"
Itinuon ko na ang pagluluto ko. Habang nag gigisa ako ng manok ay nakatakip ang ilong ko.
Nakakasuka talaga yung amoy besh!
Ilang minuto ang lumipas ay nakaluto na ako.
Mainit-init pa ang sabaw ay hinigop ko na ito.
"Woooh! Ang sarap talaga niya! Manang gusto mo ba sumama sa akin mag gala? Gusto ko sanang pumasyal ngayon para umiwas sa problema," pang aalok ko kay Manang.
"Sige ba! Samahan mo na din ako mag grocery mamaya para may stock tayo ng pagkain,"
"Sige po! Gusto ko yan." nakangiting sambit ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Probinsyana Series: Book 1- I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL (COMPLETED)
RomanceBlurb: Iniwan ko ang payak na pamumuhay sa aming munting baryo upang makapag aral sa isang nursing school sa maynila. Hindi naging madali ang pamumuhay ko dito sapagkat hindi ako sanay sa maingay at magulong mundo ng maynila. Hindi ko lubos maisi...