Episode 20

1K 27 7
                                    

Kinabukasan

Tunog ng cellphone ko ang nagpagising sa akin. Iminulat ko ang mga mata ko habang hipo-hipo ang ulo ko.

"Aray ko! Bakit ang sakit ng ulo ko?" tanong ko sa sarili ko.

Napatingin ako sa paligid ko at napansin kong nasa lapag ako nakatulog. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at sa pagtayo ko ay biglang tumalon ang puso ko sa gulat.

"Sino ka?" sigaw ko sa isang tulog na babae sa kama ko.

Gumalaw ito sa kinahihigaan niya at biglang iminulat ang mga mata.

"Anong sino ako? Ako si Gianna yung kaklase mo at kaibigan mo!" sigaw nito sa akin habang kinukuskos ang mga mata niya.

"Hindi kita kaibigan!" galit na sigaw ko sa kanya.

Napatingin siya sa akin at napatitig sa akin ng ilang segundo sabay biglang sigaw ng malakas.

"Aaaaahhhhh!!!! Bakit may ahas!" sigaw niya sa akin.

Napatingin ako sa paligid ko at wala naman akong nakitang ahas hanggang sa nakita ko ang sarili ko sa salamin na hubod hubad!

"Aaaah!!! Bastos ka! Umalis kana dito!" galit kong sambit sa kanya habang tinatakpan ang ari ko.

Agad siyang tumayo sa kinauupuan niya ngunit sa hindi inaasahan ay bigla siyang nadulas.

"Araay ko!" sigaw niya.

Nataranta ako sa narinig ko kaya pinuntahan ko siya sa kabilang dako ng kama at nakita ko siyang nakasubsob sa kanyang suka.

"Ewww!" nandidiring sambit ko sa kanya.

"Mas nakakadiri ka! Tingnan mo sarili mo hanggang ngayon nakikita ko pa rin yung cobra mo!" galit na sambit nito sa akin.

Kumuha agad ako ng panabing sa katawan ko tsaka pinatayo ko siya agad at pinaligo sa Cr ko at pagkatapos ay pinaalis ko na siya sa bahay ko. Agad kong tinawag si Manang para linisin ang kwarto ko at pumasok na ako sa trabaho ko.

Parang nanlumo ako sa nakita ko kanina sa bahay ko. Hindi ko lubos maisip na magagawa ko ang mga bagay na ito! Nagdala ako ng babae sa pamamahay ko!

Nakaupo ako sa upuan ko habang nakaliyad. Malalim ang iniisip ko sa mga oras na ito ng biglang nag flashback lahat ng nangyari kagabi sa amin.

Ang naaalala ko lang ay yung siya ang nag assist sa akin sa VIP room at inalukan ko siya ng alak!

"Nakailang alak ba kaming dalawa?" habang sinasariwa ko ang mga nangyayari.

Ipinikit ko ang mga mata ko at pinilit ko talagang alalahanin ang lahat-lahat ng nangyari kagabi.

"Uminom lang kaming dalawa hanggang... fuck! Anong ginawa ko? Shit! Lucio anong ginawa mo! Bakit wala akong maalala na sumunod na pangyayari?" galit na sambit ko sa sarili ko.

Tumayo ako sa kinauupuan ko habang iniisip ang mga sumunod na nangyari sa amin kagabi. Lakad ako ng lakad at tarantang-taranta habang malalim ang iniisip.

Pumasok ng pinto si Emily ng hindi ko namamalayan.

"Sir!" sigaw nito sa akin habang nakangiti.

"Ooh bakit?" galit kong sambit sa kanya.

"May interview ako mamaya para sa secretarial position! gusto mo ba mag check?" tanong nito sa akin.

"Bahala ka na!" sabay wasiwas ko ng kamay ko sa kanya.

Nagulat ako ng biglang nanlaki ang mga mata ni Emily sa akin.

"Bakit? Anong meron?" tanong ko sa kanya.

Probinsyana Series: Book 1- I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon