Kinabukasan
"Gianna Blaire Morales! Gising na!" sambit ni Dimple sa akin habang niyuyugyog ako.
Iminulat ko ang mga mata ko at nakita kong nakatingin sa akin si Dimple habang nakapamaywang.
Bigla akong napabalikwas sa higaan.
"Arayy! Ang sakit ng ulo ko! Nahihilo ako," sambit ko kay Dimple.
"Madam! May hang over ka po! Sa susunod pwedeng tumanggi kapag hindi na kaya aah?" sambit niya sa akin. , "Ooh! Noodles na may mainit na sabaw! Pure beef yan!" sambit ko sa kanya.
"Pure beef? Eeh lucky me beef lang to! Pa pure beef, pure beef ka pa!" sambit ko sa kanya.
"Diba dapat thank you ang sasabihin mo?" naka kunot na sambit nito sa akin.
Tumingin ako sa kanya ng matalim at biglang ngumiti.
"Salamat po," malambing kong sambit sa kanya.
"Tinabi ko na ang mga gamit mo sa trabaho at inayos ko na yung susuotin natin papasok ng iskwela," sambit niya sa akin.
"Salamat po ulit Ms. Dimple Santos!" nakangiti kong sambit sa kanya.
"Yan! Sabihin mo salamat master!"
"Salamat master!"
"Kapag sa tingin mo di mo na kayang uminom pwedeng mag pass huh? Inabutan ka lang tapos kuha ka din ng kuha! Ano ka ngayon? Ano? bangenge ka? Pag ikaw na amoy sa school na amoy alak yare ka!" sambit niya sa akin.
Ngumiti ako kay Dimple na parang nang aasar sa kanya. Wala kasi akong maalala sa nangyari kagabi kaya ngumiti nalang ako sa kanya. Ayoko ding marinig kung anong mga sinabi ko kagabi kasi alam kong ikahihiya ko lang yun.
"Ang tapang mo pala malasing noh?" natatawang sambit ni Dimple sa akin.
"Hindi na nga ako nagsalita kasi ayokong marecall ang mga pinag gagawa ko kagabi! tapos bigla kang mag kukwento?"
"Biglang nag ka amnesia to! Paalala ko lahat ng kababuyan na ginawa mo sa akin kagabi!" seryosong sambit ni Dimple sa akin. , "Bukod sa suka ka ng suka! Kadiri! Ang tapang mo kagabi! Pati poste ng ilaw hinahamon mo ng sabunutan!" natatawang sambit nito.
"Hindi nga?" gulat na sambit ko.
"Oo tapos kwento ka pa ng kwento na mag aasawa ka ng mayaman tapos sinabi ko sayo mag asawa ka nalang ng matanda na mayaman tapos sabi mo mag aral ka nalang ng mabuti para yumaman! May mas nakakatawa ka pang ginawa kagabi! Gusto mo kwento ko?" pang aasar nito sa akin.
"Wag na! Naalala ko na lahat ng sinabi ko kagabi!" nahihiyang sambit ko sa kanya.
"Ano pala mga sinabi mo kagabi kung naalala mo?"
"Ano? Aaahh-hmmm basta! Ayoko ng alalahanin pa yun! Basta joke ko lang yung kagabi," natatawa kong sambit.
"Weeh? Minsan kapag lasing ang tao dun sila nakakaroon ng pagkakataon na magpakatotoo sa sarili nila. Hayaan mo makakapag asawa ka ng mayaman na lalaki tapos pogi!" pang asar nito sa akin.
Tinakpan ko ang tenga ko at kinuha ko na ang twalya ko para maligo.
"Ano pa ngang sinasabi mo kagabi? Kaya ka nag susuka kasi buntis ka?" natatawang sambit ni Dimple sa akin.
"Hoy! Tama na!" nahihiyang sambit ko sa kanya mula sa loob ng kasilyas.
"Kala mo huh! Inom pa!" sambit nito habang tumatawa.
"Hindi na ako iinom! Promise! Kahit operan nila ako ng alak hindi ko na tatanggapin!"
Binuksan ko na agad ang tubig ng gripo para hindi ko na marinig pa ang pang aasar sa akin ni Dimple. Sobrang lamig ng tubig na inilalabas ng gripo nabuhay ang natutulog kong kaluluwa sa sobrang lamig!
BINABASA MO ANG
Probinsyana Series: Book 1- I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL (COMPLETED)
RomanceBlurb: Iniwan ko ang payak na pamumuhay sa aming munting baryo upang makapag aral sa isang nursing school sa maynila. Hindi naging madali ang pamumuhay ko dito sapagkat hindi ako sanay sa maingay at magulong mundo ng maynila. Hindi ko lubos maisi...